Mocha Uson supports RH Bill; says education and protection can help combat AIDS

"Wala naman kasing masama sa paggamit ng condom e, ang masama ay yung hindi ka gumagamit ng condom, dahil wala kang protection," Mocha Uson says on the importance of safe sex. "Naniniwala kasi kami sa safe sex, sa paggamit ng condom. Naniniwala kasi kami na dapat ay educated at informed ukol dito ang mga kababayan natin. Ito kasi ang proteksiyon, unang-una sa sexually transmitted disease. And pangalawa, sa unwanted or unintended pregnancy," she adds.


Magiging aktibo si Mocha Uson sa pangangampanya para sa RH Bill. Matapos niyang maging vocal para sa awareness ng breast cancer sa bansa, ang kontrobersiyal na bill namang ito ang susunod niyang pagkaka-abalahan.

Ang Reproductive Health Bill o RH Bill, aims to guarantee universal access to methods and information on birth control and maternal care.

Sa isang pocket interview na ginanap sa Papa J's Wiches 'n Wings sa Blue Wave along Macapagal Avenue last February 16, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang lider ng Mocha Girls at sinabi niya kung bakit gusto niyang ma-involve sa usaping ito.

"Wala naman kasing masama sa paggamit ng condom e, ang masama ay yung hindi ka gumagamit ng condom, dahil wala kang protection.

"Naniniwala kasi kami sa safe sex, sa paggamit ng condom. Naniniwala kasi kami na dapat ay educated at informed ukol dito ang mga kababayan natin. Ito kasi ang proteksiyon, unang-una sa sexually transmitted disease. And pangalawa, sa unwanted or unintended pregnancy," panimulang saad ni Mocha.

"Nakababahala ang pagtaas ng bilang ng mga may AIDS sa ating bansa ngayon. And yung mga kabataan natin, hindi nila maiiwasan na makipag-sex talaga e, sa totoo lang. Hindi sila aware na... akala nila kasi ay bawal [gumamit ng condom] e. Pero hindi nila alam na proteksiyon ito para sa kanila," dagdag na pahabol pa niya.

Pero ang argumento ng iba, mas magiging open sa sex at mag-eeksperimento sa pre-marital sex ang mga kabataan dahil sa condom. Ano ang comment niya rito?

"Kasi po, with or without condom, pre-marital sex exists... and since andiyan na iyan, you might as well get protection.

"Kasi hindi na maiiwasan yan ng mga bata... hindi naman palaging nandiyan ang mga magulang nila. Nagpupunta sa school ang mga bata, andyan ang peer pressure, tapos iyong curiosity ng mga bata. Kaya mas mabuti iyong educated talaga ang mga kabataan at may protection," wika pa ng image model ng Rhino Herbal Tea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sabi pa ng nag-o-oppose sa paggamit ng condom ay mag-abstain sa sex, ano ang opinyon niya rito?

"Imposible naman yata iyon, parang hindi naman kayang mangyari iyan sa realidad. Kasi ang sex, it's a natural thing for humans e, ganyan naman talaga ang sex. Basta ang importante lang ay ma-educate, lalo na iyong mga teen-agers na kulang sa kontrol at walang kaalaman.

"E yun namang mga matatanda na, mga may-asawa na, kahit walang condom ay alam na nilang mag-kontrol e. So, para ito sa mga bata, sa mga single..."

Sinabi pa ng morenang singer/actress na handa siyang maging aktibo sa mga rally at forum upang isulong ang bago niyang adbokasiya.

"Next time na may rally ukol sa RH Bill, siguro ay nandoon kami, nandoon ang Mocha Girls. Kung kailangang magbigay ng mga condom, siguro ay puwede kaming sumama diyan," wika pa niya.

Sa palagay ba niya, nababastos nga ang isang babae kapag ang kanyang partner ay gumagamit ng condom?

"Sa totoo lang po, para sa akin ay mas nakakabastos para sa isang babae kapag hindi gumagamit ng condom ang partner niya. Kasi, ibig sabihin ay iresponsable siya, ibig sabihin ay walang pakialam iyong lalaki sa nararamdaman ng babae.

"Imagine-in mo na lang, nakikipag-sex ka, pero walang condom. Siyempre, maiisip ng babae na paano kung mabuntis siya, o kaya magkaroon ng STD (sexually transmitted disease).

"Pero ang lalaki na ayaw mag-condom, ang iniisip lang niya ay [ang sarili lang niya]. Kung concerned talaga ang lalaki sa babaeng partner niya, magko-condom siya dahil ayaw niyang sirain ang kinabukasan ng babaeng mahal niya."

May messsage ba siya para kay President Noynoy Aquino ukol sa RH Bill?

"Kay PNoy, please reconsider making RH Bill one of the priority bills. Kasi, masyado na po tayong overpopulated, kitang-kita naman po iyon [sa dami ng] mga street children.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masyado na pong mahirap ang bansa natin. Maraming kababayan natin ang hindi educated tungkol sa RH Bill, sa paggamit ng condom. Kaya sana ay gawin mong priority bill ito para hindi na dumami ang street kids," aniya.

"Sana ay tuparin mo iyong campaign promise mo, Mr. President, na kasama dapat sa priority bills ang RH Bill," pagtatapos ni Mocha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN