Are Ervic Vijandre and former SexBomb girl Aifah Medina in a relationship?

Isang litrato ang lumabas sa isang tabloid kung saan magkasamang namamasyal sa Hong Kong ang Survivor Philippines: Celebrity Showdown castaway na si Ervic Vijandre (in picture) at ang dating SexBomb girl na si Aifah Medina.


Isang litrato ang lumabas sa isang tabloid kung saan magkasamang namamasyal sa Hong Kong ang Survivor Philippines: Celebrity Showdown castaway na si Ervic Vijandre at ang dating SexBomb girl na si Aifah Medina.

At nang sadyain ng Startalk TX si Ervic sa taping ng Captain Barbell, hindi naman ito itinanggi na sila nga ang nasa larawan.

Ayon kay Ervic sa panayam sa kanya ng Startalk TX at ipinalabas nuong February 19...

"Ano po kasi, bakasyon po ng family ko yun so niyaya ko lang po siya. E may mga kaibigan din pala siyang nandoon so sumama po siya."

Pero paano nga ba nagkakilala sina Ervic at Aifah?

"Kay Aira [Bermudez] po, sa Survivor po. Yung mga party po ng Survivor, siyempre best friend po niya si Aira, yun medyo... kakuwentuhan ko si Aira, ah ano po, parang naging barkada po."

Inamin ni Ervic na lumalabas sila ni Aifah.

"Tapos yun hanggang sa... ano naman po, parang... nagdi-date po kami! Ganun, getting-to-know."

Sa puntong ito, nasa anong estado na ang relasyon nilang dalawa ni Aifah?

"Medyo close na po kami ngayon."

May posibilidad ba na maging sila na?

"Ah, getting to know pa nga po," ang tumatawang sagot ni Ervic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN