Eugene Domingo turns into game show host in TV5's Lucky Numbers

"I have to understand the mechanics of the game and I have to be convinced na masaya siya at madaling maintindihan ng mga tao. Kasi Sunday afternoon 'yan, e. Buo ang pamilya sa bahay, so huwag mo na silang pahirapan, di ba?" says Eugene Domingo on being a game show host.


May bagong challenge na naman sa career ng comedienne na si Eugene Domingo. Ito ay bilang game show host sa bagong programa ng TV5 na Lucky Numbers.

Ano ang kanyang pakiramdam na game show host naman siya this time?

"Siyempre, gusto mong pagbutihan kasi binigyan ka ng chance na mag-host ng game show na isa rin sa mga pangarap ko, tapos live show pa ito," wika ni Eugene nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng Lucky Numbers noong Biyernes, February 18, sa Broadway Studio ng TV5.

"For the past two years, na-train ako as host dahil binigyan ako ng Cool Center na live show din, tapos Comedy Bar," banggit pa ng comedienne sa dalawa niyang programa sa GMA-7.

Patuloy niya, "Hindi man ito (Lucky Numbers) live, pero it's still a hosting job. And then nariyan din ang Wachamakulit (also from GMA-7) kasama ang mga bata, na game show, so kahit paano pamilyar na rin ako. Favorite ko kasi manood ng mga game shows.

"Nang tumawag ang TV5 at inalok sa akin to do Lucky Numbers, ganoon din ang feeling ko—lucky!"

Paano niya inihahanda ang sarili niya for this new challenge in her career?

"I have to understand the mechanics of the game and I have to be convinced na masaya siya at madaling maintindihan ng mga tao. Kasi Sunday afternoon 'yan, e. Buo ang pamilya sa bahay, so huwag mo na silang pahirapan, di ba?

"Entertain mo na lang sila and give them the chance to win dahil lahat ng may cell phone puwedeng sumali rito. E, lahat naman tayo may cell phone, so it's going to be a different Sunday afternoon na ino-offer ng TV5. Alternative viewing fare ito para sa buong pamilya."

LOSING WEIGHT. Kasama ba sa paghahanda sa kanyang bagong TV show ang pagpapayat niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyong pagpapayat ko, parang sumakto na lang na kailangan ko pala sa mga trabaho. Siyempre you have to be active," sagot ni Uge.

"Ang katawan ng artista ang puhunan niya... Well, in general, ang puhunan ng lahat tao ay ang katawan niya. Kailangan naman na we think of our health kasi paano ka makakapagtrabaho kung pagod ka? Lalo na sa aming mga artista na ang lifestyle namin at working hours namin ay unpredictable.

"Yes, I did lose weight for health reasons at para rin naman may makitang bago sa iyo. Makapagsuot ka naman ng ibang damit, di ba?

"Hindi ko naman sinasabing gusto kong maging sexy star, pero bakit hindi ko naman subukan once in an while... magpaandar ka ng konti?" saad niya.

MY VALENTINE GIRLS. Successful sa box-office ang My Valentine Girls at marami ang nagsasabi na malaking bahagi ng success ng trilogy movie na ito ay dahil kay Eugene. Pinakamaganda at pinakamasaya raw kasi ang episode nila ni Richard Gutierrez na "Gunaw."

Ano ang masasabi niya rito?

"I believe malaking bahagi ng success ng episode namin is our director Chris Martinez. He wrote the material and he knows his material very well.

"Sa palagay ko, kontroladong-kontrolado niya lahat and I think nakipag-cooperate lahat pati ang production staff niya, ang creative staff niya at kaming mga artista. Hindi kami nagkaroon ng problema sa kanya. We all believed in his vision.

"Ako naman, artista lang ako and I can only do so much. Lahat nang nakapanood [nasiyahan] because the material was very good."

Ito rin daw ang best performance niya since Kimmy Dora and Here Comes the Bride. Mas magaling daw siya rito, ayon sa mga nakapanood.

"Siyempre naman mahal ko ang parehong pelikula na 'yon. And hindi naman sa kinokontra ko ang mga magagandang comments na narinig ko about the movie, pero iba rin naman kasi ang flavor ng My Valentine Girls in the episode 'Gunaw' kasi hindi pa ako nakikita na ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero it's also very important when people see you reinvent yourself at iyon ang nangyari dito sa 'Gunaw.' Biro mo, nagka-loveteam ako sa edad kong ito. Kailangan lang talagang magunaw ang mundo!" nakangiting sagot ng 39-year-old actress.

WHO'S THAT GIRL? May bagong movie si Eugene, ang Who's That Girl?, where she plays a very rich woman na nabiyuda. Anak niya rito si Luis Manzano.

Kuwento niya about the film, "Noong mamatay ang asawa ko sa movie, biglang may dumating sa burol na babae, played by Anne Curtis. Nabaliw ang character ko. Hindi niya matanggap na may shobit [kabit] ang asawa niya, e, buong buhay nilang mag-asawa, ang alam niya, siya lang. Ikinabaliw niya 'yon, lalo na noong naging boyfriend ng babae ang anak niya...

"But I am very proud of Anne Curtis and Luis Manzano. Nakasama ko sila sa unang soap nila sa ABS-CBN. Talagang nag-mature sila sa lahat ng bagay. And they do not take themselves seriously, that's why I like them."

Kumusta katrabaho sina Anne at Luis?

"Para silang mga bata. Baka naman magkapatid sila in their past life. Parang they can do anything together. Parang hindi sila mag-aaway. Ang sarap nilang panoorin. There's a connection sa kanilang dalawa," pahayag ni Uge.

OTHER PROJECTS. Bukod sa Who's That Girl? na showing na on March 2, at ang Lucky Numbers na magpi-premiere telecast na on February 27, magsisimula na si Eugene ng movie niya with Toni Gonzaga for OctoArts Films and Star Cinema under the direction of Joey Reyes.

Gagawin din niya ang Cinemalaya entry, Ang Babae Sa Septic Tank, na isinulat ni Chris Martinez at ididirek ni Marlon Rivera

"Wala pang title ang movie namin ni Toni," sabi ni Uge. "Although ang kuwento nito ay tungkol sa nagaganap ngayon na maraming gustong magpakasal, pero marami rin gustong magpa-annul.

"I see to it na yung mga naging director ko noon, like Direk Joey, pag kinuha ako ulit, I make it a point na makatrabaho sila uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nata-touch kasi ako pag kinuha ako ulit for a project kasi naalala mo when you first worked with them. Hindi lang sila basta director, kundi kaibigan na rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN