Mar Roxas camp: "Until it's over, it's not going to be over for us."

May 10, 2016
<p>Presidential candidate and Liberal Party standard-bearer Mar Roxas is slated to meet the press this Tuesday morning, according to his spokesperson, but no word yet if he is going to concede.</p>

“Until it's over, it's not yet going to be over for us.”

Ito ang bahagi ng statement ni Akbayan Representative Ibarra “Barry” Gutierrez, spokesperson ni Liberal Party standard-bearer Mar Roxas hinggil sa partial and unofficial result ng presidential election.

Mula nang magsimula ang bilangan kahapon, May 9, ay nangunguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa nasabing presidential race.

Pumapangalawa lang si Roxas matapos nitong maungusan si Sen. Grace Poe bago sumapit ang hatinggabi.

Ngunit ayon sa pinakahuling bilang ay halos nasa anim na bilyong boto na ang agwat ni Duterte kay Roxas.

Sa kabila nito ay kalmado raw si Roxas, sabi ni Gutierrez sa isang late-night press briefing kasama ang ilang miyembro ng press nitong Lunes.

Optimistic din umano ang kampo ni Roxas.

Pahayag ni Gutierrez, “Ang attitude naman namin is until it's over, it's not yet over, dahil as I've said, yun namang kanyang calmness na 'yan springs from the realization sa loob niya.”

Continue reading below ↓

Nang kumustahin ang kanilang kampo, saad ng tagapagsalita, “Everybody is still fairly upbeat.

“Obviously, as I said earlier, there was a certain amount of disappointment dun sa initial results.

“But at the end of the day, this is a fight worth fighting, this is something that we have actually put our hearts and souls into. This is something we really believed in.

“Until it's over, it's not going to be over for us.”

Sinabi rin ni Gutierrez na sasagutin nila ang mga tanong ng press ngayong Martes ng umaga, May 10, sa LP Balay Headquarters sa Quezon City.

Wala namang naging pahayag si Gutierrez kung magko-concede na si Roxas.

Nauna nang nag-concede si Grace Poe kagabi.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Presidential candidate and Liberal Party standard-bearer Mar Roxas is slated to meet the press this Tuesday morning, according to his spokesperson, but no word yet if he is going to concede.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results