Regine Velasquez-Alcasid gave Ogie Alcasid a Rolex watch as Valentine's gift

"Si Honey ko, gano'n siya lagi. Hindi siya nawawalan ng idea kung paano magiging special yung kung ano yung isini-celebrate namin," says Regine Velasquez-Alcasid about her husband, Ogie Alcasid.


May kakaibang kislap sa mga mata ni Regine Velasquez-Alcasid nang matanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nabalitang Valentine's date nila ng mister niyang si Ogie Alcasid noong February 13.

Kinumpirma niyang niregaluhan siya ni Ogie ng Tiffany heart-shaped silver locket. Pero maliban sa nasabing regalo ng singer-songwriter sa kanya, ang nakapagpatuwa kay Regine ay ang dinner nila sa kanilang bahay.

Kuwento ni Regine, "Ang sweet nga ng honey ko, kasi kumuha ng chef to cook for our dinner. Tapos, nag-hire siya ng dalawang musicians para tumugtog sa amin. Actually, yung chef at saka yung wife niya, nakasama rin namin sa dinner date namin.

"Actually, it's a wonderful idea na doon na lang kami sa house nag-celebrate ng Valentine's day namin. Kasi nga, hindi naman talaga ako palalabas ng bahay. Mas gusto ko sa bahay na lang nag-i-stay kaysa lumalabas.

"Once in a while, okey rin naman yung lalabas kayo para kumain. Pero pag mga gano'ng special occasion, mas gusto ko sa bahay.

"Si Honey ko, gano'n siya lagi. Hindi siya nawawalan ng idea kung paano magiging special yung kung ano yung isini-celebrate namin."

ROLEX WATCH. Bilang pagpapakita rin naman ng pagmamahal ni Regine sa kanyang asawa, niregaluhan niya ito ng Rolex watch noong Araw ng mga Puso.

"Gustung-gusto talaga niya yung watch," sambit ng Asia's Songbird. "Actually, dalawang piece lang yun na ibinibenta sa kanya. Pero pinag-iisipan pa niyang mabuti kung bibilhin niya o hindi.

"Ganun ang honey ko. Pagdating sa sarili niya, hindi siya yung bibili agad, pag-iisipan muna niya nang matagal. Pero pagdating sa ibang tao, o sa akin, pag may nagustuhan siyang ibigay sa akin, kahit mahal, binibili niya.

"Bagong labas nga yun [Rolex watch] sa market. Nabili na yung isa. Sabi nga niya, kung mabibili yung last piece, it's not meant for him. Kung hindi, para sa kanya yun. Gano'n siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, hinabol pa namin yung relo kasi baka nga mabili pa ng iba."

Hindi makakalimutan ni Regine ang scenario kung paano niya ibinigay ang mamahaling relo sa asawa.

"Ipinatong ko siya sa bed namin. So, no'ng nakita niya, sabi niya, 'Ano yan? Ano 'yan?' Gano'n si Ogie kapag nasu-surprise, or kapag may ibibigay ako, lumiliit ang boses, nagiging si Bentot!

"So, nakita niya, natuwa siya nang husto. Pero siyempre, may mga dialogue pa yun. Sabi niya, 'Hindi ko matatanggap 'yan. Isosoli ko.' Sagot ko naman sa kanya, 'E, di isoli mo!'

"Hindi naman niya isinoli, siyempre bigay ko yun. Ayaw na ngang hubarin yung watch. Suot-suot niya hanggang sa pagtulog!

"Si Ogie, hindi 'yan natutulog nang may suot na relo. Yun lang sa iniregalo ko sa kanya!" tawa ni Regine.

Patuloy niya, "Paggising namin, tinanong niya ako, 'Hon, ask me what time is it now?' Sagot ko, 'Why?' 'Basta, ask me what time is it now.' 'Sige, what time is it now?' Sabay taas, basa doon sa relo niya na nakasuot talaga sa kanya.

"He deserves that watch kasi matagal na niyang gustong bilhin yun. Saka ang cute-cute niya kasi hindi talaga niya hinuhubad yung watch na yun."

Ayon kay Regine, walang sandaling hindi sila masaya ni Ogie. Palagi raw punung-puno ng pagmamahal ang bawat araw ng kanilang pagsasama.

Ramdam na ramdam din daw ni Regine ang malaking pagmamahal sa kanya ni Ogie. Isa na ngang pruweba ay ang pagbibigay sorpresa nito sa kanya gaya ng nakaraang Valentine dinner date nila.

"Sabi ko sa honey ko, 'Hanggang kailan mo gagawin ito para sa akin?' Sagot no'ng honey ko, 'Walang katapusan,'" kinikilig na kuwento ni Regine.

PROUD OF OGIE. Malabo na ba talaga ang plano nilang honeymoon ni Ogie sa Positano, Italy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May chance pa naman," sagot ni Regine. "We're still hoping na matuloy.

"Pero kung hindi, okey lang naman, marami pa namang araw. Ngayon kasi, pareho kaming busy ng honey ko.

"Yung honey ko kasi is handling the People Power anniversary program. Aside from that, meron pa siyang OPM sa PAGCOR.

"I'm proud of him kasi yung mga trabaho niya, kung papansinin ninyo, hindi pansarili niya. Para sa lahat.

"Like yung sa People Power anniversary celebration, it's for us. Yung sa OPM naman with PAGCOR, para naman sa mga aspiring talents na gusto nilang bigyan ng chance or opportunity to make it in the industry.

"Siyempre, hindi ako mawawala sa mga projects niya, like I'll be performing for the People Power anniversary. Hindi ko pa lang alam kung sinu-sino pa yung ibang mga artists na magpe-perform. But definitely, I'll be there," paniniguro ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN