John Lapus on suing Jobert Sucaldito: "Feeling ko, kapag hindi ko siya idinemanda, patuloy pa rin niyang gagawin ito."

"Hinahamon niya ako na mag-file ng kaso. Wala namang problema. Mapagtanggap naman ako ng hamon," says John "Sweet" Lapus about Jobert Sucaldito.


Pinag-uusapan ngayon ang planong pagdedemanda ng comedian-TV host na si John "Sweet" Lapus laban sa entertainment columnist na si Jobert Sucaldito dahil diumano sa "imbentong" write-up nito sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Sweet, dati ay pinapalampas lang niya ang "paninira" sa kanya ni Jobert, pero ngayon daw ay talagang tila nasagad na siya dahil sa inilabas nitong diumano'y pagwawala niya sa bar. At hindi rin matanggap ni Sweet ang headline na lumabas sa tabloid: "Sweet nagwala sa bar."

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kay Sweet sa presscon ng pelikulang Who's That Girl? kagabi, February 21, aniya, "Hindi naman ako pikon na tao. Pero parang this time, parang over na. Feeling ko, kapag hindi ko siya idinemanda, patuloy pa rin niyang gagawin ito.

"Kaya ang sinabi ko nga, yung pagdemanda ko sa kanya, not just for me, not just for my family, for my fans, it's also for the people na sinulatan niya ng maling artikulo at nilait niya noong araw sa kanyang mga articles or sa kanyang radio program. At marami ang mga artista na 'yan, and all of them are actually happy for me for doing this and filing a case against Jobert."

Sabi pa ni Sweet, ang pag-iimbento raw ng writeup sa kanya ang talagang ikinagalit niya.

"Yung pagwawala, nagwala raw ako. Nambastos daw ako ng isang lalaki ro'n. Yung lalaki raw, sa sobrang pikon, halos hampasin na raw ako ng bote. Na ako raw, kapag nalalasing, nag-iiba ang pananaw sa buhay, nagwawala. So, these are all false.

"At para bagang kinu-confirm mo. He wrote the article na parang nandoon siya. E, yung mga taong nandoon, nagsalita naman na walang katotohanan ang article ni Jobert Sucaldito.

"We're talking about Andrew de Real, the owner of the Library, Philip Lazaro, mga credible people, at hindi naman po magsisinungaling ang mga taong ito. Kahit naman po yung mga waiters sa bar, puwede nilang kausapin, wala pong ganito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORD WAR. Pero naninindigan si Jobert na totoo ang kanyang isinulat. Sa column niyang "Expose" sa Bandera na lumabas ngayong araw, February 22, ay isinulat niyang nakausap niya ang lalaking "binastos" diumano ni Sweet at pinatotohanan daw nito na "umabot sa point na parang gusto ko na siyang [Sweet] basagan ng bote."

Ano ang masasabi ni Sweet dito?

"Naku, walang problema," sabi niya. "Ako naman, I have nothing against the guy. Sabi ko nga, okay kami. So, my case will be against Jobert Sucaldito at yung kanyang tabloid.

"So, okay kami noong lalaki. I would rather not comment about that. Tingnan ko na lang."

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi diumano ng lalaki na may insidente raw talagang naganap?

"Siyempre, it would be the word of the guy and against my word, word of Philip Lazaro, Andrew de Real. Although, the more na yung mga friends ng lalaki, nakausap din namin at nagsasabi naman na walang nangyari," sagot ni Sweet.

JUST A JOKE. Iginiit ng Showbiz Central host na biruan lang daw talaga ang namagitan sa kanilang lahat, kunsaan tinutukso nila si Kiko sa comedian na si Shalala.

Ani Sweet, "Biruan! At yung lalaki... Sige, hindi nga lang ako, pero sige, aakuin ko na. Binibiro namin siya, yung lalaking yun.

"Actually, bago napunta sa kanya, may isa pa. Ako, si Philip. O ikaw, si ganito, si ganyan, yung guy, pinapili pa namin kung sino ang pipiliin niya sa tatlong bakla. Biruan, tawanan.

"Yung mga barkada niya, nandoon. So, masayang inuman. Noong nauna silang umuwi, nagbeso-beso at nagpaalam sila nang maayos sa amin.

"At yung mga lalaking nabanggit sa artikulo ni Mr. Jobert Sucaldito ay mga disenteng lalaki. Okay sila. Mababait sila. Kaya nakakapagtaka kung bakit may artikulong ganito. Na all along, yung isa pala, hahampasin daw ako ng bote. Parang, 'Huh? Saan nanggaling yun?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang sinabi niyang bakit pinatulan ng lalaki si Shalala?

Paliwanag ni Sweet, "Kasi, pinapili siya ni Mamu. 'Kung ikaw ang papipiliin, sino ang gusto mo, si Shalala, si John Lapus, or ako?' Tapos, ako yata ang pinili niya.

"Tapos sabi ko, 'Naku, hindi kita type kasi kung type mo ako, dapat matagal na.' So, it was a joke, it's really a joke.

"At hindi siya nagalit, nandoon siya. Nakikipagbiruan siya, as a matter of fact.

"At ang maganda pa sa guy, siya ang nagbanggit na friend niya si Shalala. First time ko naman siyang nakita at hindi ko naman malalaman na friend niya si Shalala kung hindi niya nabanggit na friend niya."

LIBELOUS. Hindi naman nababahala sa sinasabi ng iba na magkatugma ang kuwento ni Jobert at ng lalaking sinasabing binastos niya diumano.

"Naku, bahala na sila. Ang case ko naman ay para kay Jobert dahil yun naman ang nakita sa tabloid, at saka yung tabloid na walang pasintabi na naglalagay ng headline na ni walang daw, walang diumano, walang question mark for that matter.

"Kitang-kita naman talaga na sa article, kunsaan ako ay headline, ay isang classic case ng irresponsible journalism na kadema-demanda," diretsong pahayag ni Sweet.

Maging ang lawyer ni Sweet ay nasabing "libelous" ang headline ng artikulo tungkol sa kanya.

"Naloka siya!" sabi ni Sweet. "Hindi pa niya binabasa ang article, yung headline alone, sinabi na niya na libelous.

"As much as ayaw na sana naming isama ang publisher at ang editor, ang problema kasi, alam ko rin naman 'yan, it's the editor na naglalagay ng headline. Kung okay ang headline, baka kahit si Jobert na lang ang idemanda namin. Ganoon pala na headline, ang naglalagay, editor."

Hindi kaya dahil galit lang siya kay Jobert kaya niya idedemanda ito?

"Alam n'yo, to be honest, hindi nga ako galit kay Jobert. Sanay na sanay na ako sa lahat ng ginagawa ni Jobert sa akin," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May paraan kaya para hindi matuloy ang pagdedemanda niya kay Jobert at sa sinusulatan nito?

"I'm sure yung publication... Kasi, this is the third time na magdedemanda ako. Usually, yung publication, nakikipag-ayos.

"Pero si Jobert na ang pinag-uusapan. Parang paulit-ulit naman na 'to. Kailan ako nito titigilan? Sa DZMM, umabot na ako na nakikiusap ako sa vice president ng ABS-CBN for radio at nangako naman sila sa akin na it would never happen again.

"It's one thing to give an opinion, but it's another thing to tell a lie at sirain ang reputasyon ng isang tao. Ako, naiintindihan ko, nag-radio rin ako before. Sumusulat din ako ng article, ng blog. Iba yung nagsasabi ka ng opinion mo at iba yung naninira ka ng tao at nagsasabi ka ng kasinungalingan," saad niya.

Dagdag niya, "Hindi man lang nilagyan ng question mark or daw. The headline alone is already kadema-demanda. Worse pa ang article.

"Sino ba ang gustong magdemanda? Ayaw natin ng stress. But in this case, talagang si Jobert na naman po ang reporter in question. Aba, tama na! Kung hindi pa niya ito gagawin, aba, talagang hindi na niya ako titigilan. Ano ba, taon-taon or every quarter may iisyu siya sa akin?"

What if mag-retract at kausapin siya nang personal ni Jobert?

"I'll cross the bridge when I get there," sagot ni Sweet. "Pero wala, e. As of kanina, napakinggan ko ang kanyang radio program. Talagang lumalaban naman talaga. Matapang.

"Hinahamon niya ako na mag-file ng kaso. Wala namang problema. Mapagtanggap naman ako ng hamon."

JOBERT'S COLUMN. Gaya ng nabanggit ni Sweet, tila hindi nga uurong si Jobert sa bagong isyu na ito sa kanilang dalawa.

Sa column niya sa Bandera ngayong araw, isinulat ni Jobert na: "Lalaban tayo hanggang sa huli. Hindi ako papayag na basta masira ang credibility ko ng mga taong ayaw magpakatotoo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa radio host-columnist, hawak daw niya ang recorded audio ng pagtatalo ni John at ng lalaking nagngangalang Kiko. Dagdag pa ni Jobert, "Pinipilit daw ni John si Kiko na sumama sa kanya, pero ayaw daw ng guy at dito na raw nagkaroon ng pagtatalo."

Sinagot din ni Jobert ang naging pahayag ni Sweet sa Showbiz Central noong Linggo, kung saan sinabi nito na ilegal ang pagre-record ng isang private conversation.

Sabi ni Jobert, "Talaga? Illegal ang pagre-record ng isang conversation, and what makes of one's pambabastos sa kanyang kapwa legal?"

Kinuwestiyon din ni Jobert ang "pakikiisa" ng mga "barkada" ni Sweet na sina Andrew de Real at Philip Lazaro para pasinungalingan ang source ng kolumnista na "nagkaroon ng pagtatalo at tensiyon" noong gabing iyon.

Tinawagan din daw ni Jobert si Kiko at tinanong kung totoong nag-beso sila ni John nang umalis siya.

Ito raw ang sagot ni Kiko kay Jobert: "Paano akong bebeso kay John, e, binastos nga niya ako. In fact, pag-uwi namin, tinext ko si Philip at sabi ko, sa tinagal-tagal na namin magkakaibigan, mga 6 to 7 years na nga yata, ngayon lang ako nabastos ng ganito."

Dagdag pa raw ni Kiko, "Narinig pa naman ng mga kaibigan kong naroon. Nahihiya lang ako Mamu (Andrew de Real) dahil sa nangyayari, tapos dadagdagan ko pa ng pambabastos din. Kaya kinontrol ko na lang at umabot sa point na parang gusto ko na siyang basagan ng bote."

Sabi naman daw ng isa pang source ni Jobert, "Si Philip, nakatayo lang sa likod ni John. Tahimik lang siya na parang naiilang. Alam nilang may tensiyon kaya gumagawa sila ng paraan para ma-appease ang sitwasyon dahil sa ginagawa ni John."

Ayon kay Jobert, may karapatan daw si Sweet na idepensa ang kanyang sarili. Pero hindi raw niya nagustuhan ang pandadamay nito sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"How dare him na idamay ang anak ko. Bakit hindi na lang niya harapin ang isyu? Bakit kailangang niyang mandamay ng mga taong wala sa isyu," sabi ni Jobert sa kanyang column.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN