Rocco Nacino on rumored relationship with Sheena Halili: "We're taking it very slow kasi nga busy kami sa trabaho namin"

"Wala pong ligawan na nangyayari. Yun nga, sabi ko, we're taking it very slow kasi nga busy kami sa trabaho namin," says Rocco Nacino about his rumored relationship with Sheena Halili.


Sa pocket presscon para sa huling linggo ng Koreana, na ginanap sa Executive Lounge ng GMA-7 noong Lunes, February 20, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rocco Nacino kung totoong sila na ni Sheena Halili.

Nagkatrabaho ang dalawa sa defunct sitcom na Kaya ng Powers, at sinasabing naging close sila dahil dito.

Sagot ng young actor, hindi raw totoo na sila na ni Sheena. Close lang daw silang magkaibigan.

"Hindi po kami. Pero we have a very special relationship. Special friendship," saad niya.

Bukod pa rito, hindi rin daw siya nanliligaw kay Sheena. Nais daw kasi nilang dalawa na mag-focus sa kani-kanilang showbiz careers.

"Wala pong ligawan na nangyayari. Yun nga, sabi ko, we're taking it very slow kasi nga busy kami sa trabaho namin.

"Siya, she has Amaya and May Tamang Balita sa QTV. Ako, ito, pinaghahandaan ko yung danceserye," sabi ni Rocco.

Natatakot daw si Rocco na magiging short-lived lang ang kanilang relasyon kung isasabay nila ito sa kanilang career.

"Kaya if ever makikita n'yo po na papasok kami sa relationship na maaga pa lang, magkakaproblema kaagad. Ayaw din namin ng ganun.

"We see each other as very good friends. Pero kung darating kami dun, darating kami dun sa tamang oras. Pero ngayon, ano lang po, since Kaya ng Powers, hanggang ngayon, close and very good friends kami," paliwanag ng young actor.

BEING SINGLE. Ayon kay Rocco, nais niya munang maging single para maging magaling na aktor.

"Masasabi ko po na priority ko po ang career ko. Kunwari, Valentine's day, may trabaho ako that day. So, yun talaga, gagawin ko muna ang trabaho ko. Work comes first before anything else," sabi ng young actor.

Katunayan, trabaho pa rin ang iniisip ni Rocco kahit na patapos na ang Koreana. Humihingi pa raw siya ng acting workshop sa GMA Artist Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya naman daw si Rocco sa buhay niya kahit siya ay workaholic. Proud siya dahil mayroon na siyang mga na-invest, tulad na lang ng isang bagong Mitsubishi Montero Sport.

"I bought my first car na," nakangiti nitong banggit. "Yung ginagamit ko po, nung bago mag-taping ng Koreana, ano na yun, nine year na, e. So nag-i-start na po mag-break down. Kailangan ko na pong palitan."

Ginamit niya raw ang kaunting perang naipon na niya, at umutang siya sa kanyang mga magulang para mabili ang kotse.

"Binili ko po, December. Late November, dumating siya December. Umutang po ako sa parents ko. Yung kulang po, inutang ko po sa parents ko. Kaya ngayon, nagbabayad po ako sa kanila.

"Pero one payment, kasi pakiramdam ko, kapag may monthly, ang laki ng sayang, e, P20,00o din yun. Pagdating po agad ng kotse, sinabak ko sa taping kinabukasan.

"Kaya very proud po ako. I'm looking forward to buy my next car," sabi ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN