Kris Bernal hurt by criticism about Aljur Abrenica's acting

"Alam ko na ginagawa ni Aljur talaga yung best niya, e, sa trabaho niya. Alam ko ginagawa niya yung best niya. Pero siguro lahat naman tayo kailangan ng improvement. Kahit ako, hindi naman ako magaling, kailangan ko ring mag-improve. So, 'yon siguro talaga yung kailangan namin," says Kris Bernal about perennial screen partner Aljur Abrenica.


Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris Bernal sa presscon para sa pagtatapos ng Koreana ngayong linggo. Ginanap ang presscon noong Lunes, February 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Dahil medyo nagkalaman at hindi na payat, naitanong ng PEP kay Kris kung handa na ba siyang mag-sexy pictorial para sa FHM. Inalok na ba siya na mag-pose for the said men's magazine?

"Dati, ipinaalam sa akin kung gusto ko ba daw na mag-cover, sabi ko hindi pa ako ready, e. Hindi ko alam kung good move sa akin yun, e, na mag-FHM," sabi ni Kris tungkol sa alok sa kanya last year na maging FHM cover girl.

Ngayon, tatanggapin na ba niya?

"Parang hindi ko yata kaya, e. Kaya ko ba?" balik-tanong ng young actress. "Siguro tatanggapin ko kung ia-advise sa akin ng GMA Artist Center, kasi siyempre kailangan ko pa rin ng opinyon nila, di ba?"

Ang GMA Artist Center ang namamahala sa career ni Kris.

Pero kung siya mismo ang magdedesisyon?

"Okay lang, pero ano lang ha, huwag naman masyadong sexy, huwag naman masyado," sabi niya.

DEFENDING ALJUR. Naging matagumpay ang Koreana na makakuha ng consistent na mataas na ratings sa buong season ng airing nito. Habang ang Machete naman ni Aljur Abrenica ay iniintrigang kailangan pang ipasok si Kris sa show para mas tumaas ang ratings nito.

Kaya may mga nagsasabing nang maghiwalay ang loveteam nila nina Kris at Aljur, si Kris ang tila mas umangat ang career.

Ano ang masasabi ni Kris dito?

"Hindi naman, pareho naman kami," sabi ng young actress.

"Siguro ano lang din, sinuwerte lang ako, sinuwerte lang talaga ako siguro na mas patok ako sa panghapon. Mas maraming nanonood sa akin sa hapon."

Inamin ni Kris na nalulungkot siya kapag may mga pambabatikos kay Aljur, pati na rin sa acting nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre nalungkot ako para kay AJ, kapag nakakabasa ako ng mga hindi masyadong magagandang comments sa kanya na ayun nga.

"Pero kasi sa akin, alam ko na ginagawa ni Aljur talaga yung best niya, e, sa trabaho niya. Alam ko ginagawa niya yung best niya.

"Pero siguro lahat naman tayo kailangan ng improvement. Kahit ako, hindi naman ako magaling, kailangan ko ring mag-improve. So, 'yon siguro talaga yung kailangan namin," saad niya.

May mga pintas pa nga ang ilan na "parang tuod kung umarte" si Aljur, na napag-iwanan na ni Kris na malaki ang inihusay bilang aktres.

"Siyempre nahe-hurt ako para kay Aljur kapag may mga nababasa akong ganun," sabi ni Kris.

Napag-uusapan ba nila ito? Binibigyan ba niya ng advice ang kapareha?

"Hindi!" tawa ni Kris. "Dyusko, wala rin naman siguro akong karapatan para i-advice siya sa acting!

"Pero yun nga, siyempre nahe-hurt ako, nasasaktan ako kasi sabay kaming pumasok dito sa showbiz, e. So, parang sabay kami ng pinagdaanan, halos lahat ng shows magkasama kami.

"Pero, 'yon nga, siyempre sabi ko nga, sa lahat naman ng bagay, ginagawa namin ang best namin. Kung hindi pa talaga enough, nasa sarili na namin 'yon, na i-improve namin ang sarili namin.

"So, kung may naririnig siyang ganun, kailangan natin ng improvement. Ako naman, hindi rin naman ako perfect, e."

ROCCO NACINO. Noong Sabado, February 19, sa guesting ni Kris sa Startalk, sinabi niyang mahilig mangiliti ang isa sa leading men niya sa Koreana na si Rocco Nacino.

Ang kuwento ni Kris sa PEP, sa bewang siya madalas kilitiin ni Rocco. Pero wala raw malisya iyon.

"Para sa akin, walang malisya yun. Ganun lang siguro talaga siya, malambing lang siguro talaga siya," sabi ng young actress.

Ano ang pinakamami-miss niya kay Rocco ngayong patapos na ang Koreana?

"Mahilig siyang mang-surprise," sagot ni Kris. "Katulad noong bago mag-Valentine's, sinorpresa niya ako, binigyan niya ako ng flowers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos sa taping, kunwari nagpaparinig ako na may gusto akong pagkain, biglang ilang oras lang, 'andiyan na yung pagkain, nagpabili na siya.

"Sweet 'yan e, sweet!"

Sino ang mas mami-miss niya kina Rocco at Steven?

"Si Rocco dahil mas madalas ko siyang kaeksena, at saka ewan ko, parang mas nagkakasundo kami, e.

"Pero ang bait ni Steven, ha," pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN