Hong Kong judge says Rep. Ronald Singson brought drugs for personal consumption

Ilocos Sur Rep. Ronald Singson may face a jail term of three and a half years.


Sinabi ni Wan Chai District Court Judge Joseph Yao na hindi binalak ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson na ibenta ang drogang dala niya papuntang Hong Kong.



Ito ang isa sa mga pahayag ng hukuman sa hearing na isinagawa ngayong araw, February 23, kaugnay ng kaso ng mambabatas na illegal possession of drugs.



Ayon kay Judge Yao, para lang umano sa personal na gamit ni Singson ang 6.67 grams ng cocaine at dalawang tablet ng Nitrazepam na dinala nito sa Hong Kong noong July 11, 2010.



Matatandaang "guilty" ang plea na inihain ni Rep. Singson para sa drug trafficking noong January 31.



Hindi rin tinanggap ng hukom ang apela ni Rep. Singson na siya ay addict sa cocaine, dahil imposible raw para rito na makakunsumo ng apat na grams ng cocaine sa isang araw.



Bukas, February 24, nakatakdang ibigay ng hukuman sa Hong Kong ang tagal ng jail term na ihahatol kay Rep. Singson. Tinatayang aabot ng tatlo at kalahating taon ang maibibigay na jail term.

Dumalo sa naganap na hearing ang mga magulang ni Rep. Singson na sina former Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson at ang ina niyang si Evelyn. Dumalo rin ang anim niyang kapatid at ang anak na si Samantha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN