Moi Marcampo likes KC Concepcion for her boss Piolo Pascual; stars in her first teleserye with GMA-7

"Nahihiya na nga ako sa kanya, nagi-guilty na ako kasi hindi ko na nga siya naasikaso. Kaya nga madalas tinatawagan ko siya, kinukumusta ko siya kung ano ang lagay niya, kung ano ang kailangan niya," says personal assistant turned TV and movie personality Moi Marcampo about her boss, matinee idol Piolo Pascual.


Ang early primetime series na Magic Palayok ang kauna-unahang regular series sa GMA-7 ni Moi Marcampo, o kilala bilang si Yaya Moi sa nakaraang Suvivor Philippines Celebrity Showdown.

Si Yaya Moi ang personal assistant ni Piolo Pascual na nabigyan ng break na maging isang aktres at maging isang commercial endorser.

Noong nakaraang Martes, February 22, kasama si Moi sa cast na ipinakilala sa press para sa Magic Palayok. Ginanap ang presscon sa Studio 7 ng GMA Network.

Nagpakita naman ng kanyang katuwaan ang personal assistant turned movie and TV personality nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Nakakatuwa kasi hindi ko naman talaga in-expect na magiging ganito yung buhay ko. Dati kasi, ang mundo ko nakatutok lang kay Piolo. Pero ngayon, iba na, nasa harap na ako ng kamera, umakting-akting," nakangiting sabi ni Moi.

LIFE-CHANGING EXPERIENCE. Ang laki raw ng nagawa kay Moi ng paglabas niya sa Survivor Philippines para mapansin siya ng mga tao.

"Oo nga, e. Pag nagpupunta ako sa isang lugar, nakikilala nila ako. Ang lakas kasi ng dating ng Survivor para matandaan ka ng mga tao.

"Siyempre, gabi-gabi kami napapanood kaya matatandaan kami ng mga tao. So, kapag tinatawag ako ng mga tao, pangiti-ngiti lang ako, tapos kumakaway na ako ng gano'n," kuwento niya.

Hindi raw akalain ni Moi na masasabak siya sa showbiz at magkakaroon ng acting career.

"Yung una kasi, di ba, sa Kimmy Dora, tapos nasundan na nga no'ng Survivor, tapos may mga guestings ako. Tapos, may commercial pa akong ginawa kasama si PJ [palayaw ni Piolo]. Ngayon, may regular series na nga ako. Hindi ko talaga ma-imagine."

Yun nga lang, parang kontrabida ang role niya sa Magic Palayok bilang malditang katulong.

"Oo nga, e. No'ng binasa ko yung script, medyo nagulat ako. Sabi ko, 'Kaya ko ba ito?' Hindi naman kasi ako mataray sa personal. Pangiti-ngiti lang nga ako. Sweet kaya ako!" sabay ngiti niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sabi nila, kaya ko raw yun. So, sabi ko sa sarili, 'Sige na nga, gawin ko na, trabaho lang naman ito.' Sana lang huwag magalit sa akin yung mga tao, kasi mabait ako sa personal."

Ayon kay Moi, dapat sana ay magiging ABS-CBN talent siya, pero naudlot ito.

"May ginawa na ako sa kabila, nakapag-taping na ako. Kaya lang binawi ako ng GMA-7 kasi nga may kontrata ako sa kanila. Tapos 'eto nga, pumasok nga yung series na gagawin ko. Okey lang. Sila [GMA-7] na lang ang bahala sa akin," sabi niya.


PIOLO AS MOI'S MANAGER? Si Piolo ba ang tumatayong manager niya ngayon? Ang pagkakaalam kasi ng PEP ay si Piolo ang tumanggap ng offer ng GMA-7 dito sa Magic Palayok para kay Moi.

"Hindi ko naman manager si PJ, pero siya yung nag-a-advice sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Gina-guide niya ako kasi mas alam niya ang takbo dito. E, ako, wala naman akong kaalam-alam sa ganyan," paliwanag niya.

Maliban sa kanyang acting career, balak ding mag-venture ni Moi sa restaurant business.

"Ga-graduate na ako sa Culinary," banggit niya.

"Si PJ yung nag-support ng pag-aaral ko. One year yun. Alam niya na gusto ko talagang magtayo ng resto kaya siya yung nag-support sa akin.

"Nagpursige talaga akong mag-aral para matapos ko. Nakakahiya naman kung hindi ko tapusin.

"Naghahanap na ako ng lugar na puwede kong pagtayuan, dito lang sa atin."

STILL WITH PIOLO. Hanggang ngayon, nakatira pa rin si Moi sa poder ni Piolo. Kahit may sarili na siyang career, hindi pa rin daw siya aalis sa poder ng aktor dahil ayaw naman daw nito na iwan siya ni Moi.

Binibiro nga namin si Moi na mas busy na siya ngayon kaysa sa alaga niya.

"Oo nga, e. Nahihiya na nga ako sa kanya, nagi-guilty na ako kasi hindi ko na nga siya naasikaso. Kaya nga madalas tinatawagan ko siya, kinukumusta ko siya kung ano ang lagay niya, kung ano ang kailangan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May tini-train na bagong alalay niya. Siyempre, hindi naman puwedeng siya [Piolo] at yung driver lang yung kasa-kasama niya. Kailangan meron pang isa na nakabantay or nakaalalay sa kung ano ang yung kailangan niya.

"Iniisip ko nga, hindi kaya nahihirapan yun? Kaya nga kahit sa telepono, nakaalalay pa rin ako sa kanya. Then, siya naman, tumawag sa akin pag nasa taping ako kung kumusta na ako.

"Nakokonsensiya ako, kasi talagang minsan, hindi ako nakakasama sa kanya. Gaya no'ng last concert niya, hindi ako nakapunta kasi nasa taping ako ng Magic Palayok. Sabi ko nga, 'Sorry ha, kasi nasa taping ako.' Naiintindihan naman daw niya."

PIOLO & KC. Nang mabanggit ng PEP kay Moi ang girlfriend ng alaga niyang si KC Concepcion, ngumiti siya nang pagkatamis-tamis.

"Okey naman si KC, napakabait, saka humble siya," sambit ni Moi. "Siguro kung hindi siya kilalang artista, or anak ni Ms. Sharon Cuneta, napaka-humble niya at napaka-down to earth. Napakasimple lang talaga."

Pero inamin ni Moi na nanibago siya sa pagkakaroon ng lovelife ni Piolo.

"Ewan ko ba kung ano, pero parang nanibago lang ako, parang may konting selos na, 'Hmp! Inalagaan kita ng halos sampung taon, tapos ganyan ka!'" na ang tinutukoy nito ay ang pagbibigay ng atensiyon ni Piolo sa ibang babae.

"Pero nakita ko naman na masaya yung alaga ko kay KC, masaya sila at saka mabait nga si KC kaya happy na rin ako."

Inamin ni Moi na isa siya sa mga unang-unang nakaalam ng tungkol kina Piolo at KC. Pero dahil nirerespeto niya ang alaga at gusto rin niyang maging private ang personal life nito, itinikom niya ang bibig.

Sa ngayon, walang balak mag-boyfriend si Moi. Mas priority raw niya ang kanyang career at ang planong pagtatayo ng negosyo.

"'Wag muna, kasi hindi naman na ako bata. Kailangan paghandaan ko naman yung future ko. Yun din kasi ang sabi ni PJ, na focus muna ako sa career at sa kung ano pa ang gusto kong gawin. Saka may mga sinusuportahan pa akong pamilya sa probinsya," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling magkakaroon siya ng boyfriend? Ano ang gusto niya—foreigner o Pinoy?

"Ayoko ng foreigner, mas gusto ko ng Pinoy," sagot ni Moi.

SURVIVOR PHILIPPINES. Noong una, ayaw sabihin ni Moi kung magkano ang nakuha niya sa Survivor Philippines, pero umamin din siyang higit daw sa kalahating milyon ang natanggap niya. Ito ay sa kabila ng hindi naman siya nanalo o nakasama sa Final 3.

"Itinabi ko yun para magamit ko nga sa pagtatayo ng restaurant ko after ng graduation. Yung iba, siyempre ipinadadala ko sa pamilya ko sa probinsiya," sabi niya.

Binigyan ba sila ng balato ni Akihiro Sato na siyang nagwaging Sole Survivor? Naibigay ba yung pangako nitong iPad?

"Naku, hindi 'no!" bulalas ni Moi. "Hanggang ngayon, wala pa. Sabi nga ni Solenn [Heussaff, isa rin sa mga castaway], huwag na raw naming asahan yung pangako ni Akihiro.

"Siguro sinabi lang niya yung no'ng time na yun sa Survivor para siyempre makuha niya yung tiwala namin sa kanya.

"Wala na, wala na kaming communication. Hindi na namin siya nakakausap.

"Nakakaloka, yung mga foreigner na 'yan, sinungaling pala! Hindi tumutupad sa mga pangako nila!" natatawang sabi ni Moi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN