Andrew Wolff refuses to mention name of ex-girlfriend Gwen Garci in interviews

"Naging past ko, minahal ko yung tao, pero ayokong banggitin pa yung name niya kasi parang... tapos na yun. Tapos na po yun, moving on na. Siyempre, kung sasabihin ko pa yung pangalan niya, baka magka-isyu na naman at mabubuhay yung nakaraan, ayoko na," explains Andrew Wolff on why he cannot mention the name of ex-girlfriend Gwen Garci.


Isang matatas managalog na Andrew Wolff ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Monday, February 21, sa Broadway Centrum.

Parte ng game-variety show sa TV5 na Lucky Numbers nina Eugene Domingo at Keempee de Leon ang model-actor.

Noon ay laging nasasangkot sa mga intriga at negatibong balita si Andrew, kaya naman kinumusta namin siya kung ready na siyang mabura ang kanyang negative image.

"Handa na, handang-handa," sagot ng hunky male celebrity.

Ano ang una niyang move na ginawa para mas gumanda ang takbo ng buhay niya?

"Una kong ginawa, nagtayo ako ng business, distribution business sa Ortigas," sabi niya.

Mga bitamina at produkto para sa health and wellness ang naturang negosyo na kasali si Andrew.

"Iyon po kumbaga ang full-time, stable job ko para sa aking kinabukasan. Corporation, may dalawang major shareholders."

Siya lang daw ang artista sa korporasyon na ito.

LUCKY NUMBERS. Bago ang P.O.5 at Lucky Numbers ay almost two years nawala si Andrew sa showbiz.

"Actually, di ba, nagtayo po kami ng business? So, nawala po ako nearly two years po sa showbiz, gawa ng pagtutok dun sa negosyo.

"Hanggang ngayon po, that's why mostly yung trabaho ko, weekends lang. Like ito [Lucky Numbers], Sunday po."

Nagmo-model pa rin ba siya?

"Pag meron po, pag meron pong offer, 'yon."

Ano ang gagawin niya sa Lucky Numbers?

"Sa Lucky Numbers, I dance, I entertain. Kasi yung concept po ng show is may mga production numbers, may games, iba-iba. Basta entertaining, masaya. Pasasayahin namin ang mga tao sa aming mga prod at sa aming mga games."

Lucky Numbers lang ang show niya ngayon.

"Opo, kasi hangga't hindi pa nai-stabilize o na-establish yung business ko, hindi ko maiwanan pag weekdays, 'yon po."

Si Eugene Domingo ay na-link na sa Brazilian-Japanese model na si Fabio Ide dahil magkasama sila sa gag show ng GMA-7 na Comedy Bar. Hindi kaya ma-link din sina Andrew at Uge?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po mangyayari 'yon kasi ako'y may girlfriend, at ako ay matuwid. Matuwid ang aking tinatahak at dinadaanan," pahayag ni Andrew, na ang ibig sabihin ay faithful siya sa kanyang girlfriend ngayon.

COLORFUL LOVELIFE. Kumusta ang lovelife ni Andrew?

"A, maayos at maganda. Non-showbiz, pero parang baka mapunta sa ganun."

Model?

"Opo. Tapos, may sasalihan siyang kumpetisyon... Basta, basta po," sagot ni Andrew, na ayaw banggitin kung anong contest ang sasalihan ng kanyang girlfriend.

Naging kontrobersiyal noon ang kanyang naging relasyon kay Gwen Garci, at hangga't maaari ay ayaw na itong pag-usapan ni Andrew. Na-disappoint ba siya sa mga nangyari sa pakikipagrelasyon niya noon?

"Well, a, parang... anong tamang word? Well, ang dahilan ng paglipat ko ng Pilipinas [mula England] ay dahil sa dati kong girlfriend, ang naturang girl...

"Kasi, na-in love ako dito, na-in love sa Pilipinas at sa isang girl. At 'yon, ginive-up ko yung edukasyon ko doon at yung buhay ko doon, natutong mag-Tagalog at ng kultura."

Girl, meaning si Gwen?

"Basta, basta, yung ex ko," sabi ni Andrew, na ayaw talagang banggitin ang pangalan ng dating karelasyon.

Ang ba ang rason niya sa pagpunta sa Pilipinas?

"Vacation from university," sagot niya. "Nag-model muna para may income din at na-discover ako. So, sabi ko, why not, di ba? Kasi, wala akong ginagawa at nakilala ko siya, itong sinasabing... itong naturang girl."

Bakit hindi niya mabanggit ang pangalan ni Gwen? Galit ba siya kay Gwen?

"A, hindi naman po. Siyempre, 'yon... naging past ko, minahal ko yung tao, pero ayokong banggitin pa yung name niya kasi parang... tapos na yun. Tapos na po yun, moving on na.

"Siyempre, kung sasabihin ko pa yung pangalan niya, baka magka-isyu na naman at mabubuhay yung nakaraan, ayoko na."

STAYING FOR GOOD. What made Andrew stay sa Pilipinas at hindi na bumalik sa England?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, unang-una sa lahat po, dahil yung [British] dad ko, lumipat ng Pilipinas. Nag-retire po siya dito. Bukod dun sa hindi ko maiwan ang daddy ko, kasi wala siyang ibang family dito.

"He has arthritis, so mahirap tumanda sa England kasi malamig po dun, e. So, [mahirap] sa sakit niya.

"Lumipat siya ng Cebu, doon siya nag-retire. So, siyempre, gusto kong maalagaan yung daddy ko, bantayan, kasi baka may mangyari po sa kanya.

"Pangalawa, dito na yung buhay ko, e, bantayan ang business..."

Hiwalay na ang parents ni Andrew. Ang ina niya ay naiwan sa England.

Wala ba siyang kapatid?

"Meron po sa kanya [Andrew's mom], isang half-brother, 14 years old, at isang half-sister na 11 years old. Nasa England din, half-brother and half-sister ko sa second husband ng mommy ko."

Hindi naman daw mahirap para kay Andrew na nasa Cebu ang ama niya at siya naman ay nasa Manila.

"Mabilis po yun, one hour lang. One flight lang tsaka mura naman ang ticket," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN