Maja Salvador happy to be in the cast of Minsan Lang Kita Iibigin

Is romance brewing between Maja Salvador and Matteo Guidecelli?

"Nagkikita [kami] dahil sa movie naming Basted. Pero yun lang. Kung ang sinasabi ninyo ay labas-labas, wala... Balita lang 'yon sa amin. Baka may something special tapos dinadamay lang ako," Maja explains.


Sa mga proyektong ipinagkatiwala ng ABS-CBN kay Maja Salvador, napatunayan ang kakayahan at versatility niya bilang isang actress.

Patutunayan uli ang husay niya sa bagong teleserye, Minsan Lang Kita Iibigin, na magsisimula March 7 sa Primetime Bida ng Kapamilya Network.

Sa special screening last February 23 sa Podium, excited na humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) si Maja at kinuwento ang kasiyahan niya sa pagkakasama sa teleserye kung saan gaganap siya bilang isa sa love interests ni Coco Martin.

"Masaya ako na nakabilang ako sa cast. Ang daming artista at lahat magagaling talaga. I play the role of Krista, isa sa mga iibig kay Javier (Coco Martin) at ipaglalaban ko ang kanyang pag-ibig kahit sa kamatayan pa," kwento ni Maja.

Ayon sa mga press na nakapanood ng special screening, para daw isang pelikula ang pagkakagawa ng nasabing teleserye.

"Yung pagod, puyat, hirap, nawala lahat dahil sa magagandang narinig namin sa inyo. Hindi lang ito basta-basta teleserye, talagang pinaghirapan namin, talagang pinaganda namin," dagdag pa niya.

Sa nabalitang tampuhan ni Kim Chiu at ng barkadahan nila ni Empress Schuck (pinagselosan daw ng grupo ang grabeng closeness ni Kim at Maja), natuldukan na ang nasabing isyu nang dumating si Kim sa debut ni Empress last February 20.

"Hindi naman nawala yung barkadahan nila, di naman nasira, di ko nga rin alam kung bakit nagka-issue, e, talagang okey naman kami ng grupo nila," paliwanag ni Maja.

"Sa akin kasi walang dapat pagselosan dahil sa liit ng mundo namin, dapat magkakaibigan kaming lahat. Yun nga lang di talaga ako kasama sa grupo nila pero kahit ganun, kaibigan namin ang isa't-isa."

Nauugnay din ang pangalan niya kay Matteo Guidecelli. May special relationship na raw namamagitan sa kanila. Agad naman itong binigyan linaw ni Maja.

"Okey ako sa friendship namin ni Matteo. Ngayon kasi bihira kaming magkita nila Kim kasi may kanya-kanya kaming trabaho. Mag-i-start na yung soap nila tapos kami ni Matteo, nagkikita dahil sa movie naming Basted. Pero yun lang. Kung ang sinasabi ninyo ay labas-labas, wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Balita lang 'yon sa amin. Baka may something special tapos dinadamay lang ako," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN