Moymoy Palaboy renews contract with GMA-7; their videos have reached 111 million YouTube views

Naging YouTube sensation ang magkapatid na si Rudolf (left) and James (right) Obeso, ang totoong pangalan ng Moymoy Palaboy, dahil sa nakakatuwang pag-lip-synch nila ng videos na "Marimar" ni Thalia at "Wanna Be" ng Spice Girls. Ngayon ay hindi lamang sa Internet mapapanood ang dalawa. Mainstay sila sa Bubble Gang ng GMA-7 at bida rin sila sa TV commercials ng Coca-Cola.


Nag-renew ng kanilang kontrata sa GMA-7 ang hit YouTube tandem na Moymoy Palaboy. Kaya patuloy silang mapapanood sa Bubble Gang at sa ibang guestings na naka-line up para sa kanila this year.

Bukod nga sa magandang pag-asikaso ng GMA Artist Center sa kanilang career, kinakatuwa nga nila James at Rudolf Obeso (their real names) ang mga endorsements nila. Kabilang nga rito ay ang one-year-and-a-half contract nila bilang endorsers ng Coca-Cola.

"Nagulat kami nang kunin kami ng Coke, malaking endorsement deal iyon para sa amin," ang sabi ni James.

"International brand ang Coke and to be part of the many who have endorsed it, parang hindi kami makapaniwala. Hanggang ngayon, overwhelmed ako sa pagkuha sa Moymoy Palaboy."

Nakadalawang TV commercials na sila para sa softdrink brand. Una ay nuong Christmas at ang pangalawa ay para sa summer campaign nila.

"Marami pa ang susunod," ayon kay Rudolf. "May iba-ibang theme kasi for the whole year. Kaya ang suwerte namin na makasama kami sa mga future TV commercials ng Coke."

Una ngang nakilala ang Moymoy Palaboy noong 2007 dahil sa pag-upload nila ng mga lip-synched videos sa YouTube. Naging YouTube sensation sila dahil sa pag-lip-synch nila ng "Marimar" ni Thalia at "Wanna Be" ng Spice Girls.

As of February 2011, umabot na ng 111 million hits ang kanilang mga videos combined. They have more than 130 subscribers worldwide.

Kuwento nga ng dalawa na ang pinakamaraming hits nila ay nanggagaling sa bansang Mexico at sa ibang South American countries. Kaya mostly ang mga comments sa kanila ay sa salitang Spanish na pinapa-interpret na lang nila.

"May ilang comments nga roon na ini-invite kami sa bansa nila. Gusto nilang makita kung totoo kami," sabay tawa pa ni James. "Gusto nilang mag-perform kami roon. Sana nga magkaroon kami ng chance na mapuntahan sila."

May isang fan pa nga sila na pumunta pa ng Pilipinas para makita sila ng personal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Taga-U.S. yata yung lalakeng iyon. Basta pumunta siya sa isang show namin at pinagtanungan kami. Gusto raw niyang makipag-picture sa amin at nanggaling pa siya ng ibang bansa. Noong malaman namin, siyempre natuwa kami at binigay namin ang hiling niya," kuwento pa ni Rudolf.

Nagkaroon nga ng album nuong 2009 ang Moymoy Palaboy under Sony BMG at nagkaroon sila ng hit single na "Lumayo Ka Man Sa Laklak."

Wish nga ng Moymoy Palaboy ay magkaroon sila ng followup album dahil nanalo ito ng dalawang award: Ang 2010 Aliw Award for Best Novelty Act at Guillermo Mendoza Foundation Scholarship Award as Most Popular Novelty Singers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN