Rubi-Rubi joins cast of fantaserye Magic Palayok

Rubi-Rubi and her husband have been married for 10 years. They have three dogs: Gypsy, a Belgian Malinois; Jacko, a Shih Tzu; and Summer, a teacup Chihuahua. "Sa mga doggies na lang namin binubuhos ang pagmamahal namin ng mister ko. Para na rin kasi silang mga anak namin. Kasi nga ang trato mo sa mga aso ngayon ay parang tao na rin, 'di ba? Papaliguan mo, papakainin mo nang tama, dadalhin mo sa [vet], dadamitan mo at kasama mo sa pagtulog," she says.


Kasama nga sa cast ng bagong early primetime series ng GMA-7 na Magic Palayok ang TV, film and live show comedienne na si Rubi-Rubi.

Huli ngang napanood si Rubi-Rubi sa fantaserye ng ABS-CBN na Kokey@Ako pero matagal na pala siyang naging suki ng GMA-7 noon sa ilang shows.

Ngayon ay parang nagbabalik lang siya sa Kapuso Network via Magic Palayok kunsaan gaganap siya bilang Rosa, ang piping katulong sa karinderia.

"Kahit naman may show ako before sa ABS-CBN 2, nakakapag-guest naman ako sa ibang shows ng GMA-7. Sa totoo lang, nakailang shows din ako noon dito sa GMA-7 kaya kilala na ako ng ibang talent coordinators.

"Naging mainstay ako ng Impostora, Obra at yung soap drama noon ni Assunta de Rossi na Hawak Ko Ang Langit. At noong meron pang Kasangga, suki ako lumabas doon.

"Nagkataon na after ng Kokey@Ako, walang bagong dumating na show. Sabi kasi ni Direk Wenn [Deramas], hindi muna siya gagawa ng series kasi may mga tatapusin siyang mga pelikula.

"Natuwa naman ako at napasama ako sa Magic Palayok. Si Joel Lamangan ang director namin, na director ko rin sa indie film na Patikul," ngiti pa ni Rubi-Rubi.

Unang nakilala si Rubi-Rubi sa mga sing-along bars kunsaan naging regular performer siya. Nakapag-show na rin siya sa mga kilalang sing-along joints tulad ng Music Box (kunsaan nakasabay pa niya sila Gladys Gueverra at Ai-Ai delas Alas), The Library at Basilica. Ngayon ay may regular set si Rubi-Rubi sa 22nd Street Comedy Bar sa Las PiƱas City at sa Marcos Highway, Antipolo City.

Nakagawa na rin ng ilang pelikula si Rubi-Rubi tulad ng Sabado Ng Gabi... Linggo Ng Umaga with Robin da Roza and Mickey Ferriols; I Think I'm In Love with Piolo Pascual and Joyce Jimenez; Bikini Open with Alfred Vargas, Diana Zubiri and Francine Prieto; Hide & Seek with Jennica Garcia and Mart Escudero; at Manay Po 2: Overload with Polo Ravales, Jiro Manio and John Prats.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa personal na buhay ni Rubi-Rubi, masaya naman daw ang married life niya kahit na hindi pa sila nabibiyayaan ng sarili nilang anak.

"Ten years na rin akong kasal sa mister ko. Yun nga lang, wala kaming mabuong bata. Bulok yata ang matris ko!" sabay tawa niya.

"Tanggap ko naman ang katotohanan na baka nga hindi na kami magkaroon ng sarili naming baby. Kaya sa mga aso na lang namin binabaling ang pagmamahal namin para sa bata."

Tatlo nga ang asong alaga ni Rubi-Rubi. Isang Belgian Malinois named Gypsy; isang Shih Tzu named Jacko; at isang teacup Chihuahua named Summer.

"Sa mga doggies na lang namin binubuhos ang pagmamahal namin ng mister ko. Para na rin kasi silang mga anak namin. Kasi nga ang trato mo sa mga aso ngayon ay parang tao na rin, 'di ba? Papaliguan mo, papakainin mo nang tama, dadalhin mo sa [vet], dadamitan mo at kasama mo sa pagtulog.

"Siguro nga ang pangungulila namin para sa isang bata ay napupunuan na nila. Masaya naman kami kapag kasama namin ang mga doggies sa mga lakad namin," ayon kay Rubi-Rubi.

Hindi ba kinonsidera ni Rubi-Rubi at ng kanyang mister ang mag-ampon?

"Napag-usapan din namin 'yan before, pero 'di na namin binalikan kasi nga naging abala na kami sa mga aso namin. Tapos nagtayo pa kami ng negosyo namin na maliit na tindahan kaya parang hindi na namin napag-usapan ulit ang pag-ampon.

"Okey lang naman kasi sa paraan ng pagtrabaho ko, hindi ko makakayang mag-alaga ng bata. Kailangan may isasakripisyo ka, 'di ba? Unlike ng mga aso namin, dinadala ko sila sa trabaho. Tapos behave naman sila habang nagsu-show ako. Kaya tama na nga siguro na sila na ang mga anak namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN