Quezon City police recovers sexy star Jen Rosendahl's stolen vehicle

Former Viva Hot Babes member Jen Rosendahl was able to recover her L-300 van after unidentified men stole it from her driver and secretary.


Noong Sabado, February 26, ay nakarating sa staff ng Showbiz Central ang balitang naitakas diumano ng mga holdaper ang L-300 van at isang bagong cell phone na pagmamay-ari ng dating Viva Hot Babe na si Jen Rosendahl.

Nangyari ang insidente sa Quezon Avenue matapos mag-post si Jen sa Internet ng isang ad upang ibenta ang kanyang mamahaling cell phone.

Kuwento ni Jen sa panayam sa kanya ng Sunday showbiz talk show ng GMA-7, "Basta magkikita lang yung sekretarya ko, driver ko, at yung tao na bibili ng cell phone sa may Shakey's dapat, sa loob. E, ngayon, na-meet na ng sekretarya ko yung tao, the day before.

"Nakausap ko sa phone, English-speaking...so, siyempre, kausap ko. Japanese daw siya, pero lumaki sa Amerika. Na yung kaibigan niya, naghahanap ng phone na ganyan, iPhone 4 [model ng cell phone].

"O, di kanina, 2:30 [p.m.] daw sa Shakey's. So, sabi ko [sa sekretarya], 'Sige basta diresto kayo, sama mo yung driver, dalawa kayo sa loob ng Shakey's. So, siyempre dapat mag-ingat.'"

Hindi kasama si Jen nang nakipagkita ang kanyang sekretarya at driver sa nagpanggap na bibili ng cell phone.

"So, dapat mag-ingat, di ba, baka mamaya joke time 'yan or ano, sa loob kayo. E sa bait daw, parang inuto sila. 'Hoy, kumain na lang tayo doon, mas masarap doon.'

"So, yung sekretarya ko 'tsaka yung driver ko, magaan yung loob, ginamit yung kotse namin, yung L-300 na van. Pagpasok ng kotse, tinutukan na ng baril yung driver ko sa ulo, yung secretary ko dito sa tiyan."

"Biglang after 10 minutes, nakakuha na ako ng call ng driver, 'Ma'am, emergency, nadala yung L-300 pati si Veron [pangalan ng secretary]!' Sabi ko, 'Ano?!' Sabi ko, 'Nasaan na, nasaan na?!'

"Sabi ko, 'Saang banda tumakbo?' Bandang Timog daw. Super-takbo kaming Timog, tapos may nakita na lang akong pulis, pinara ko, ibinigay ko plate number, tapos 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung driver ko, nakatakas. Yung secretary ko, itinapon nila sa may Timog area."

Kuwento naman ng driver ni Jen, na nagngangalang John, tungkol sa mga suspek, "Hindi mo aakalain dahil mukhang disente yung mga damit. Disente, tapos mahusay namang makipag-usap. Buti na lang nakatakas agad ako, dahil nga natutukan ako ng baril."

Umiiyak naman ang sekretarya ni Jen na si Veron habang nagbibigay ng pahayag. Aniya, "Sa sobrang takot na takot talaga ako nung time na yun, hindi ko na matandaan. Kahit telephone number, wala. Kasi akala ko 'yon na talaga yung katapusan ko."

Kinakabukasan, February 27, nakatanggap ng balita si Jen na natunton na ang kanyang sasakyan. Natagpuan ng QCPD Anti-Carnapping Unit operatives ang ninakaw na sasakyan sa may A. Roces Avenue, Kamuning.

"Sa kabilang police station, e, sa kabila nakita nila, yung barangay 'ata. Kasi naka-radio na naman yun, at saka yung mga cameras around the metro, dito sa Q.C. [Quezon City]. So, nakita nila na naiwan yung kotse na walang driver, tapos tsinek na nila iyon na yung amin."

Kasalukuyan iniimbestigahan ng mga pulis ang sasakyan ni Jen kung may naiwang fingerprints ang mga suspek.

Pero ayon kay Jen, "Talagang holdup, holdup lang talaga kasi if not... Siguro natakot na rin sila, di ba? Lalaki nang sobra-sobra, pati yung kotse kinuha, kaya iniwan na lang nila somewhere."

Nagbigay rin ng mensahe si Jen sa mga suspek na patuloy na hinahanap ng mga awtoridad.

Aniya, "Sana naman hindi ninyo ginagawa yun, kasi siyempre masama yun, e. Lahat tayo may pamilya, lahat kami kinakabahan. Lahat tayo nagtatrabaho."

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang kasong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN