Moymoy Palaboy open to the possibility of doing separate projects

"Hindi namin maisip na sikat, siguro kilala. Pag sinabi mong sikat, yung mga Aljur [Abrenica], Dingdong [Dantes] na. Yun ang mga sikat. Nare-recognize lang, pero hindi naman sikat," says brother Rudolf (left) and James Obeso—or Moyboy Palaboy—about their popularity.


Tumanggi ang magkapatid na James at Rudolf Obeso—mas kilala bilang Moymoy Palaboy—na sabihin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung magkano ang ibinayad na talent fee sa kanila para sa isang sikat na softdrink commercial.

Sinabi na lang ng magkapatid na inilagay nila sa bangko ang kanilang kinita mula sa softdrink commercial.

Kumuha lang ng konti si Rudolf para pambili ng 7D Digital SLR camera na ang halaga ay katumbas ng isang second-hand car.

Kuwento ni Rudolf, "Niregaluhan ko lang ang sarili ko, mahilig kasi akong magkukuha ng photo. Hindi naman kasi ako mahilig gumala o lumabas, sa bahay lang ako. Kaya yun na lang ang binili ko."

Si James naman ay buung-buo niyang inilagay sa bangko ang pera niya.

Ani James, "Nag-iipon lang. Plano ko kasing kumuha ng bahay. Wala akong nabili na kahit na ano kasi, nag-iipon talaga ako."

Paano nila nahahawakan ang kasikatan nila ngayon, lalo't malakas ang recall ng TV ad nila?

"Ganun pa rin naman. Okey pa rin," sagot ni James.

"Nakakatuwa kasi talagang malakas yung recall na 'brrr' [commercial] na yun. Hindi namin maisip na sikat, siguro kilala. Pag sinabi mong sikat, yung mga Aljur [Abrenica], Dingdong [Dantes] na. Yun ang mga sikat. Nare-recognize lang [kami], pero hindi naman sikat."

PRIVATE LIVES. Si James ang mas matanda kaysa kay Rudolf. Siya rin ang may asawa at isang anak kaya ninanais niyang bumili ng bahay para sa sarili niyang pamilya.

"One year pa lang akong kasal. Last year lang akong ikinasal," banggit niya.

Umamin naman si Rudolf sa pagkakaroon niya ng girlfriend. Walong buwan pa lang daw ang kanilang relasyon. "Farah" daw ang pangalan ng kanyang kasintahan na nakilala niya sa taping ng Bubble Gang, kung saan regular ang Moymoy Palaboy.

"May taping kami ng Bubble Gang sa Batangas. Nag-usap-usap kami doon. Sa umpisa, parang tropa-tropa lang. Ayun, na-develop. Noong una, hindi ko naman siya tiningnan as chicks or 'Ayos 'to, a! Trip ko 'to!' Hindi ko rin naman akalain na papatulan niya ako!" natatawang kuwento ni Rudolf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaplano naman daw kay James ang pag-aasawa kaya kahit nagsisimula pa lang sila sa showbiz ay nagpakasal na siya.

"Going straight na ako. Siguro kung mas guwapo ako kay Aljur [Abrenica] konti, siguro hindi pa ako nagpakasal," biro niya.

"Hindi, dala talaga ng puso," diin ni James

Kahit hindi mga heartthrob at matinee idol, may mga babae rin daw lumalapit sa magkapatid.

"Hindi maiwasan, e," sabi ni Rudolf.

May mga bading din bang nagpapakita ng interes sa kanila?

"Noong bata kami. Pero ngayon, hindi naman. Sakto lang. Marami kaming friends," sabi ni James.

Dumating ba sila sa point na natutukso silang pumatol sa mga babaeng nagkakagusto sa kanila?

"Siguro kung single kami, puwede," sagot ni James. "Siyempre, maa-attract ka rin kung maganda ang babae. Okey yung babae at mabait. Ngayon, medyo friends na lang talaga.

"Pero okey lang yung mga pahawak-hawak lang. Huwag lang yung mga kinse [anyos] pababa... Nadala na kami, e."

THE PUERTO GALERA INCIDENT. Hindi makakalimutan nina James at Rudolf ang isyung kinasangkutan ng kaibigan nilang si Aljur Abrenica noong 2009. Inakusahan ang young actor na nagmolestiya diumano ng isang dalagitang promo girl sa Puerto Galera. Kasama ng young actor ang magkapatid noong panahong 'yon. (CLICK HERE to read related story.)

"Hindi naman totoo yun," sabi ni Rudolf. "Nandoon kami no'ng time na yun, kami-kami ang magkakasama. Ako pa yung nagyaya sa girl na 'sama ka sa amin, dito kami', e.

"Kasi friendship lang naman. Friendly rin naman si Aljur. Usap-usap lang naman kami doon, pabilog lang yun. Kaya imposibleng may mangyaring touching doon. Wala talaga. Tapos, naghiwa-hiwalay kami."

Dugtong naman ni James, "Ako pa ang naghatid doon, e."

"Baka akala niya ako si Aljur!" birong bitaw ni James saka sinundan ng tawa.

Dagdag niya, "Hindi ako nagkainteres doon. Kasi no'ng hinahatid ko na, tinanong ko, 'Ilang taon ka na?' 'Fifteen.' 'Fifteen? Sige, tulog ka na.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si James na nagkaroon sila ng phobia sa mga dalagita matapos ang isyung ito.

"Siyempre. Hindi namin akalain na mangyayari yun, e. Kaibigan, e. As in kaibigan namin. Doon nagsimula ang pagiging magkaibigan namin. Saka nauna naming naging kaibigan yun dahil nanonood yun sa mga mall shows namin, sa mga album launching namin. Tapos, nagkita kami sa Puerto Galera.

"E, si Aljur, best friend ko. Isinama ko siya sa amin, 'Brod, halika. Sama ka sa amin.' Siyempre, sumama yun. Kaya lang umabot pa ng two months bago pumutok yung gano'n. Ang sa akin lang, bakit pa pinaabot [ng two months]?

"Kung may nangyari, dapat a day itself. Kung nangyari yun, doon mismo, dapat sa police station, doon pa lang nagsumbong ka na."

Hindi ba nasira ang friendship nila ni Aljur matapos ang isyu?

"Ay, hindi," sabi ni James. "Hanggang ngayon nagkikita-kita kami, pumupunta sa bahay. Busy lang si mokong sa Machete ngayon. Machete boy, e."

Bakit hindi sila kasama sa TV projects ni Aljur gayong kaibigan naman nila ang young actor?

"Wala siyang power!" mabilis na sagot ni James saka sinundan ng tawa.

"Hindi, ayos lang," bawi niya sa sinabi. "Mahirap kasi dahil duo kami. Hahanapan ka ng role na pupuwede sa aming dalawa. Unlike solo, kahit anong role, puwede."

TWO IS A CROWD? Wala ba sila planong maghiwalay? Magkaroon ng sari-sarili nilang mga career?

Ayon kay James, "Siguro, merong gano'n, may time na gano'n. Kailangan din naming mag-explore. Kasi tagal na rin, e. Naka-lock in na kami sa Moymoy Palaboy, three years, four years na rin.

"Pero kung may chance na may offer na individual [act], okey lang. Pero yung time namin, yun pa rin. Actually, si Rudolf nakapag-guest na siya sa Eat Bulaga!. Okey lang naman. Pero mas maganda kung grupo rin."

Maliban sa pag-aartista, bokalista rin sa banda sina James at Rudolf. Mula raw nong 2002 hanggang ngayon ay kumakanta rin sila. Bumuo nga raw ng banda si James at yun ay ang Moymoy Palaboy, Combo Meal. Mapapanood daw sila sa Nineteen East sa Sucat at Bagaberde sa may Roxas Blvd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May upcoming shows daw sila sa abroad gaya ng Singapore, Middle East, at U.S. itong taong ito.

Si Michael V ang iniidolo ni James at gusto niyang sundan ang yapak nito sa showbiz.

"Si Bitoy talaga e. Iba ang utak, e. Genius. Pag nawala si Bitoy sa Bubble Gang at saka si Ogie [Alcasid], wala na. 'Yan ang matitibay diyan. Tanggalin mo 'yan, boom! Saka pinapayuhan naman kami ni Direk Bitoy. Mentor namin, inspiration namin siya. Saka si Direk Cosme.

"Sabi sa akin ni Bitoy, 'Explore lang. Enjoy lang. Huwag kayong magpapakulong sa isang ano lang, explore kayo. Ako nga, nagawa kong mag-isa. Naparami ko ang sarili ko. Kayo pa? Dalawa kayo. Kumakanta naman kayo, sumasayaw naman kayo, gamitin n'yo,'" kuwento niya.

Ano pa ang gusto nilang gawin?

"Maging matinee idol?" tugon ni James na sinundan niya ng tawa.

"Hindi, gusto namin yung maibalik yung gaya no'ng kay Rene Requiestas, tapos ipa-partner sa ganyan. Kunwari ako, i-partner mo ako kay Maja Salvador... Sana lang.

"Gusto ko ring maging gaya ni Mang Dolphy. Nakakatuwa yung sinabi ni Mang Dolphy sa Father Jejemon, lagi pala siyang nanonood ng Bubble Gang. Sabi niya, 'Lagi ko kaya kayong pinapanood sa show ninyo. Kasi naalala ko no'ng bata ako. Sa ganyan ako nagsimula, lipsynch-lipsynch, Charlie-Charlie Chaplin.'

"So, nari-reminisce niya yung ginagawa niya no'ng nagsisimula pa lang siya as Golay. Hindi siya si Dolphy, si Golay. Idol raw niya si Tugo at Pugo.

"Ang mga idol ko, si Bitoy, Mang Dolphy, Vic Sotto, Rene Requiestas, Babalu, Jose [Manalo]... Mga buwisit lang. Yun ang mga idol ko!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN