Valerie Concepcion to appear in soap operas on TV5 and ABS-CBN simultaneously

"Feeling ko napaka-blessed ko kasi nagbakasyon ako ng dalawang buwan, puro guestings. But now, babalik ako sa regular show. Dalawang shows, dalawang network. Di ba, what more can I ask for?" says Valerie Concepcion about being able to work on TV5 and ABS-CBN at the same time.


Maituturing na isa sa mga mapapalad na local celebrity si Valerie Concepcion dahil hindi siya napapasailalim sa exclusive contract ng anumang TV network.

Dahil nga rito, mapapadalas ang paglabas ng dating Wowowee co-host sa primetime slot dahil sa kanyang mga gagawing teleserye. Isa sa ABS-CBN na pagbibidahan umano ni Xyriel Manabat at ang Mga Nagbabagang Bulaklak sa TV5.

"Okay nga 'yon dahil pinayagan ako pareho. Pinayagan ako sa TV5 and pinayagan ako sa ABS-CBN," masayang sabi ni Valerie sa pocket press conference na inihanda para sa Mga Nagbabagang Bulaklak kaninang hapon, March 1, sa Max's restaurant, Scout Tuazon, Quezon City.

Ayon pa sa actress-TV host, "Feeling ko napaka-blessed ko kasi nagbakasyon ako ng dalawang buwan, puro guestings. But now, babalik ako sa regular show. Dalawang shows, dalawang network. Di ba, what more can I ask for?"

Bagamat mas madalas na nakikita si Valerie sa Kapamilya network noong mga nakaraang taon, hindi naman daw ibig sabihin na lilipat na siya sa TV5 dahil sa pagtanggap niya ng role sa Mga Nagbabagang Bulaklak.

Ani Valerie, "Hindi naman sa gano'n. Kasi, kung pinapayagan naman ako both networks... Di ba, parang I'm one of the few [celebrities] who get to do that. Gusto kong i-enjoy din muna na puwede akong mag-work sa parehong network."

EXCITED TO ACT AGAIN. Sa pagkukwento ni Valerie ng kanyang magiging bahagi sa ikalawang dramaserye ng TV5, halatang excited siya dahil matagal-tagal na rin nang huli siyang umarte sa harap ng camera. Nakadagdag pa umano rito ang mga makakasama niya sa programa.

Sabi ni Valerie, "Medyo may pressure, most especially kasi ang kaeksena ko talaga is Mr. Richard Gomez and Ms. Ruffa Gutierrez. Alam mo 'yon, parang ano talaga, hindi kinilala dahil sa sobrang ganda, guwapo, kung hindi dahil very talented talaga sila when it comes to acting.

"Medyo nakakakaba and nakaka-pressure. Parang hindi ko alam kung papaano ako makikipagsabayan sa kanila. Kumbaga, for three and a half years, nag-hosting ako, hindi ako nag-acting. Parang ngayon na nagbabalik-acting ako, isasabak ako agad na sila 'yong kasama ko. So, medyo kinakabahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat may kaba, hindi naman daw ito hahayaan ni Valerie na makaapekto sa kanyang trabaho.

"Of course, nando'n din naman 'yong confidence na na-miss ko rin naman 'yong acting. So, siguro mabibigay ko 'yong todo-todo, mabubuhos ko lahat kasi nga na-miss ko. Usually, di ba, magpapakitang-gilas ka and all?" wika ng dating teen actress.

TV HOSTING. Sa loob ng mahigit na tatlong taon, naging regular na parte na ng kanyang pang-araw-araw na gawain ang mag-host ng isang noontime show.

Kahit noong mawala ang Wowowee, nanatiling kasama si Valerie sa tanghalian ng mga televiewer dahil kasama pa rin siya sa pumalit na show rito, ang Pilipinas Win na Win!.

Subalit, kahit matagal na niyang ginagawa ito, hindi naman daw niya nami-miss ang pagho-host.

Sabi ni Valerie sa PEP, Ako, walang halong plastik, surprisingly, hindi [ko nami-miss]. Kasi, parang feeling ko nga, after three and a half years na nag-host ako, feeling ko, sobrang laki ng pagbabago sa buhay ko, matagal akong makakapag-adjust.

"Pero hindi, kasi kahit noong nawala ako, every day pa rin akong wala—out-of-town, guestings, and nagbabakasyon ako kung saan-saan. Kasi, hindi ko 'yon nagawa noong nagho-host ako. Kumbaga, na-enjoy ko ang pagbabakasyon ko. Hindi ko pa naman nami-miss ang hosting."

Gayunman, hindi naman daw tatanggihan ni Valerie kung sakaling magkaroon ng pagkakataong makapag-host ulit siya ng isang programa.

"If I would be given a chance, siguro after my acting stint," sabi ni Valerie. "Kumbaga, gano'n naman 'yon, e. Noong nagho-host ako, nami-miss ko 'yong acting. Ngayong nag-a-act ako, mami-miss ko ang hosting."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN