Star Factor runner-up Morissette Amon wants to follow the footsteps of her idol Sarah Geronimo

IMAGE 0

"It's an honor po kasi idol ko po siya. Pero, 'yon nga po, I have to make my own identity or my own image dito sa showbiz," says Morissette Amon about Sarah Geronimo.


Si Morissette Amon ang naging first runner-up sa Star Factor, ang talent search ng TV5. Ngayon, siya ang ipinapareha sa young balladeer na si Gerald Santos na nasa bakuran na rin ng TV5.

Magkasama sina Morissette at Gerald sa bagong musical-variety show ng TV5, Fantastik, na napapanood tuwing Linggo. May segment sila na tinatawag na "Heartbeats."

Noong nasa bakuran pa ng GMA-7 si Gerald ay madalas siyang ipinapareha sa kapwa niya Pinoy Pop Superstar winner na si Jonalyn Viray. Handa ba si Morisette na maikumpara kay Jonalyn, na regular performer naman sa Party Pilipinas ng GMA-7?

"Okay lang po," sagot ni Morissette nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa palagay niya, sino sa kanila ni Jonalyn ang mas magaling na singer?

"Hala!" natatawa niyang reaksiyon. "Siguro po siya kasi she's older, so mas marami siyang experience. Ako, dapat mag-explore pa po ako."

Ano naman ang nararamdaman niya kapag may nagsasabing magkahawig sila ni Sarah Geronimo, na tulad niya ay produkto rin ng talent search?

"It's an honor po kasi idol ko po siya. Pero, 'yon nga po, I have to make my own identity or my own image dito sa showbiz," sagot ng 14-year-old newcomer.

Gusto ba ni Morissette na sundan ang mga yapak ni Sarah, na regular namang napapanood sa ASAP Rocks ng ABS-CBN?

"Opo!" mabilis niyang sagot. "Yung footsteps niya na singing po muna, then acting, hanggang mag-improve ako."

Handa na ba siyang makipagsabayan ng talento at husay kina Sarah at Jonalyn?

"Opo. Pero I know meron pa akong maibibigay. Pero sa ngayon, I think kaya naman," sabi ni Morissette.

Handa ba siyang sumabay sa mga ito in terms of talent kahit nagsisimula pa lang siya?

"Yes po, I will have to say yes," sagot niya.

Ang winner sa Star Factor finals na ginanap noong December 5, 2010 ay si Eula Caballero. Hindi ba nagsa-suffer in comparison si Morisette kay Eula? Na hindi siya ang nanalo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po, kasi po iba-iba naman po ang skills namin. Si Eula is more on acting, ako po, performing. So, nabibigyan talaga kami ng kanya-kanyang chances," saad niya.

Bukod sa pagkanta, gustro rin daw ni Morisette na mag-artista.

"Opo! Ano naman, nagte-take naman po ako ng mga workshops, yung ano po namin sa Star Factor na dapat versatile," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN