Ruffa Gutierrez on her reconciliation with Kris Aquino: "It's just the right timing."

"I'm just happy na okay na kami ni Kris. Kasi, I think time heals all wounds, di ba? So, it's just the right timing," says Ruffa Gutierrez about patching things up with former The Buzz co-host Kris Aquino.


Masayang ibinahagi ng TV host-actress na si Ruffa Gutierrez sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang pagbabating naganap sa pagitan nila ng dati niyang co-host sa The Buzz na si Kris Aquino.

Nangyari ito noong nakaraang Biyernes, Pebrero 25, sa Tatak EDSA 25 concert na inihanda para sa ika-25 annibersaryo ng Edsa People Power.

Ayon kay Ruffa, naisip na rin niya na posibleng mangyari ito nang tanungin siya ni Ogie Alcasid, isa sa mga commissioner ng Edsa People Power Commission, kung puwede siyang mag-host sa naturang event. Kasama niya sa paghu-host sina Kris, Ai-Ai delas Alas, at Dingdong Dantes.

Hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na nagkita sila ni Kris simula nang lumipat siya sa TV5 kung kaya hindi na siya nagdalawang-isip.

"For me, wala nang problema 'yon," sabi ni Ruffa sa pocket interview para sa ilang cast ng ikalawang dramaserye ng TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak, na ginanap kahapon, Marso 1, sa Max's Restaurant, Scout Tuazon, Quezon City.

Patuloy pang kuwento ni Ruffa, "Kasi, Kris and I saw each other twice na. Una, sa Opus with Ai-Ai, 'yon talaga ang unang pagkikita namin.

"The second was in Taylor Swift's concert. Lorin and Venice saw her and she was with Vice Ganda. So, natuwa ang mga anak ko, mahal din nila si Kris. 'Tita Kris, Mommy. Can we say hi? Can we say hi?' Sabi ko, 'Okay, go.'

"E, wala akong alalay noon, it was just really me and the kids, kasi sold out na 'yong tickets. Ayun, lumapit ang mga kids, and then, tumingin si Kris sa akin and nag-wave sa akin.

"So, this is our third time. Dito na kami talaga nag-usap. Nagkaayos na kami talaga dito, nagkapalitan na kami ng numbers.

"Sabi nga ni Kris, matagal na kaming magkaibigan, high school pa lang. So, this is something na kababawan lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanilang pagbabati, hindi na raw napag-usapan ng dalawa ang sanhi ng kanilang di pagkakaunawaan.

"Hindi na namin diniscuss. Kumbaga, para sa kanya, wala na rin 'yon," sabi pa ni Ruffa.

TIME HEALS ALL WOUNDS. Sa puntong ito, naniniwala si Ruffa na sa paglipas ng panahon ay magiging maayos din ang anumang di pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang tao.

Ayon kay Ruffa, kapwa naging emosyunal lamang sila ni Kris noong panahong nangyari ang insidente sa pagitan nila sa huling araw ni Ruffa sa The Buzz noong Marso 2010. (CLICK HERE to read related article.)

"I'm happy na nagkaayos kami," sabi ni Ruffa.

Pagkatapos, inalala ng dating beauty queen ang mga kaganapan noon. Aniya, "'Yon nga, ang sabi ko sa kanya, I was very sensitive. Siyempre, iiwanan ko na ang ABS-CBN. I was with them for three years. So, malungkot, emotional ako noong time na 'yon, may pinagdadaanan talaga ako.

"Hindi ko alam na mayroon din pala siyang pinagdadaanan, na hindi na pala sila nag-uusap ni James [Yap, Kris's husband]. Hindi ko naman alam, hindi naman ako manghuhula. So, I didn't know.

"Ang alam ko lang talaga dati, she was just ignoring me kasi galit siya sa akin, kasi lilipat ako sa TV5. Siyempre, nag-ano ang imagination ko.I think at that time, we were just both emotional."

Sa ngayon, ayon kay Ruffa, marapat lamang na maayos na ang naging gusot sa kanilang dalawa.

"Nakikita ko naman na she's moved on and happy na siya sa buhay niya. Same with me, nandito na ako sa TV5 and I'm very happy. So, there's no reason for us to have a rift or for us to have any problems anymore. Tutal, lahat naman ng kasamahan ko sa ABS-CBN, hanggang ngayon, kaibigan ko pa rin. Kumbaga, I didn't burn any bridges at all."

Sa kabila ng mga nangyari, walang anumang sama ng loob umano ang namuo sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Ruffa, "With Kris and I, you know, minsan they might say na we're a little bit frank or we can be maldita, or we have strong personalities. I think, at the end of the day, we have no mean bone in our body. We're really mabait. You know, minsan we go through mistakes in life.

"I'm just happy na okay na kami ni Kris. Kasi, I think time heals all wounds, di ba? So, it's just the right timing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN