Kim Atienza says he's healthier now than before his stroke last year

"Even if I am in Showtime, or I'm doing trivia in TV Patrol kahit na nothing to do with animals, nakalagay na. Hindi ko na talaga maalis. Kasi parang weird na ang itsura, e. Parang si Randy Santiago pag nag-alis ng shades. Hindi puwede, di ba?" says Kuya Kim Atienza about his trademark safari hat.


Ibang level na ngang maituturing si "Kuya" Kim Atienza na nagsimula lang sa isang segment ng Magandang Umaga, Pilipinas noong 2005.

Matapos na pumanaw ang tinaguriang "Walking Encyclopedia" na si Ernie Baron noong 2006, si Kuya Kim na ang tila nagmana ng pagbibigay ng trivia sa mga manonood ng Kapamilya network.

Mula sa kanyang "Animalandia" segment sa Magandang Umaga Pilipinas, naging weatherman ng programa at nagsimula na ngang magbigay ng mga trivia ang panganay na anak na ito ng dating mayor ng Maynila na si Lito Atienza.

Pumatok sa mga manonood ang mga pagpapakilala niya ng iba't ibang hayop at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga ito.

Masasabi ngang pinaghalo siyang Steve Irwin (legendary Australian wildlife expert at conservationist) at Ernie Baron dahil sa kanyang expertise sa mga hayop at pagbibigay ng trivia.

Maging ang pagsusuot niya ng safari hat ay naging trademark na niya at kinasanayan na ng kanyang audience.

THE TRADEMARK HAT. Sa launching niya bilang endorser ng La Huerta Farms and Residences sa Romulo Café, kahapon, March 1, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kuya Kim tungkol sa kanyang sombrero.

"It's called the Stetson Safari Hat, which Steve Irwin popularized. Well, Steve Irwin was wearing an Australian 'akubra' hat," pagbibigay-trivia pa ni Kuya Kim tungkol sa suot na sombrero ng namayapa nang Australian TV legend.

Matapos nga ang tagumpay ng kanyang "Animalandia" sa dati niyang morning show, hindi na raw niya mahubad pa ang kanyang safari hat.

"Even if I am in Showtime, or I'm doing trivia in TV Patrol, kahit na nothing to do with animals, nakalagay na. Hindi ko na talaga maalis. Kasi parang weird na ang itsura, e. Parang si Randy Santiago pag nag-alis ng shades. Hindi puwede, di ba?" sabi ni Kuya Kim.

Wala na rin daw siyang balak palitan pa ito.

"Baka malasin ako pag pinalitan ko. Kasi suwerte, e. So far, ever since I started my TV career, hindi pa ako minalas, e. Baka talagang malasin ako pag pinalitan ko siya," nakangiti pang bida ng "Weather-Weather Lang" segment host ng TV Patrol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HEALTHIER AFTER STROKE. Pero last year ay napabalita ang pagkaka-stroke niya. Nagkaroon ng anim na blood clots sa kanyang utak at tumaas ang kanyang cholesterol level. Agad naman siyang ginamot at naka-recover.

"I'm as good as new, because they fixed the hole in my heart, which is the cause of the stroke. I have no more restrictions. By restrictions, I have the same restrictions as an ordinary person. I just have to watch my diet, I exercise a lot now.

"I'm actually better now than before the stroke. Because I run five, six kilometers a day and I eat very healthy. My energy level is better than before the stroke," balita ni Kuya Kim.

FORECAST THIS SUMMER. Tinanong na rin ng PEP kung ano ang masasabi niya sa kakaibang dating ng summer ngayon. Imbes na magsimulang uminit ay panay ang ulan.

"This is going to be a wet summer. Ibig sabihin, magiging maulan ngayong summer. So, maghanda na tayo. At kung maulan ngayong summer, mas maulan pa ang darating na tag-ulan.

"Bilang weatherman ninyo sa TV Patrol, ang masasabi kong paghandaan natin ang tag-ulan na darating, dahil baka ma-Ondoy na naman tayo, e. So be very careful and be very ready."


BATS FOR FARMLAND. Nagulat daw si Kuya Kim Atienza nang piliin siyang maging endorser ng La Huerta Farms and Residences.

"Nakikita ko kasi yung mga billboard diyan sa EDSA, e. 'Yang sina Anne Curtis dun sa SM... Tapos pag pumasok ka sa NLEX, dalawampu yata yung billboard ni Anne, e. Nauuso yata yung mga celebs na nag-e-endorse ng mga development ngayon," banggit niya.

"Pero sabi ko, bakit naman ako ang napili n'yo? Hindi ko pa alam ito, e. Ako ba yung tipong titira sa condo, sabi ko. Baka mga animals ko, yung mga ahas ko, matakot yung mga kapitbahay ko," biro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong dinala raw siya sa mismong site ng ie-endorse niyang land development ay saka lang niya naintindihan kung bakit siya nga ang pinili ng kumpanya.

"Farm property pala yung aking ie-endorse," sabi ni Kuya Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN