Basil Valdez seals 33-year partnership with Boss Vic del Rosario

"Our working with one another has been there from the beginning. When Viva Films was put up, isa ako sa mga parating kinukuha niya to sing the theme songs of the movies being produced. That's why I have no second thoughts about being managed by Viva," says Basil Valdez about signing up with Viva Artists Agency, which is owned by Mr. Vic del Rosario (inset).


Officially, nasa pamamahala na ng Viva Artists Agency (VAA) ang legendary balladeer na si Basil Valdez. Pumirma siya ng managerial contract with VAA kahapon, March 2, sa Viva Entertainment Office sa Tektite Towers, Ortigas Center.

Naikuwento ni Basil sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na matagal na ang professional relationship niya with Viva big boss Mr. Vic del Rosario. Kung tutuusin daw ay 33 years na niyang katrabaho si Boss Vic.

"I've worked with Boss Vic for such a long time now. When I started my solo singing career in the mid-'70s, I was with Black Gold Records and Boss Vic was already running it.

"So, our working with one another has been there from the beginning. When Viva Films was put up, isa ako sa mga parating kinukuha niya to sing the theme songs of the movies being produced. That's why I have no second thoughts about being managed by Viva."

Since the start of his singing career, isa lang ang naging manager ni Basil—si Wyngard Tracy, na sumakabilang-buhay noong November 2010.

Dahil naghanap si Basil ng isang manager na kasing-competent and driven ni Wyngard, si Boss Vic ang kanyang naisip.

"Like what I said, it's been a 33-year relationship and finally we sealed the deal," ngiti ni Basil.

"I'm excited to record a new album and do more live shows. Yun pa lang ang mga alam kong gagawin ko with my new management office."

BASIL'S SONGS. Isa si Basil Valdez sa pinakasikat at hindi mapapantayang singer sa ating bansa. Nagsimula siya bilang miyembro ng sikat na '70s band na Circus Band until he pursued a successful solo career.

Kabilang sa classic songs na pinasikat ni Basil ay ang mga sumusunod: "Ngayon At Kailanman," "Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan," "Kahit Ika'y Isang Panaginip Lang," "Nais Ko," "Ngayon," "Iduyan Mo," "Kastilyong Buhangin," "Say That You Love Me," "Sana Ay Ikaw Na Nga," "You," "Sometime... Somewhere," "Let The Pain Remain," "Corner of the Sky," "Lead Me Lord," "Hindi Kita Malilimutan," at "Lift Up Your Hands."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala rin si Basil bilang "Undisputed King of Movie Theme Songs." Ilan sa mga inawit niyang movie themes ay para sa mga pelikulang: Gaano Kadalas Ang Minsan?, Paano Ba Ang Mangarap?, Muling Buksan Ang Puso, Paraisong Parisukat, Kung Ako'y Iiwan Mo, Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?, at Sinungaling Mong Puso.

Nakagawa ng 10 albums si Basil at lahat ng ito ay certified multi-platinum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN