John Lapus signs up with Viva Films but will still do movies for Regal Films

"Sa mga litrato ko lang nakikita na nakikipagkamay ang artista sa mga producers kapag may pirmahan ng kontrata, di ba? Never kong nakita ang sarili ko sa gano'ng sitwasyon in real life. Inaambisyon ko na lang 'yon. Pero naganap na nga ngayon at hindi ako pumayag na wala kaming picture ni Boss Vic na kinakamayan namin ang isa't isa. Naku, feeling ko ako si Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Anne Curtis, at kung sinu-sino pang mga big stars ng Viva Films!" says John "


Inamin ni John "Sweet" Lapus na naging malaking pagsubok para sa kanya ang nagdaang two weeks, hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang mga mahal sa buhay. Pero unti-unti na raw nagkakaroon ng magandang resulta ang lahat.

Kaya malaki ang pasasalamat ni Sweet na biglang nagkaroon ng magandang offer ang Viva Films sa kanya para gumawa ng dalawang pelikula. Magandang senyales raw ito para sa kanya at tuwang-tuwa siya dahil for the first time ay pipirma siya ng isang non-exclusive contract with Viva Films.

"Very thankful ako kasi after ng two weeks na kabuwisitan at medyo na-stress ako at ang pamilya ko, heto at may positive news naman for a change," sabi ni Sweet nang makausap siya ng PEP sa naganap na contract signing niya sa Viva Entertainment Office kahapon, March 2.

"Natuwa talaga ako nang iparating sa akin ng Star Magic na gagawa ako ng two movies with Viva. At may contract signing pa raw. Akala ko naman yung simpleng pirmahan lang tulad ng dating ginagawa ko. Laking tuwa ko at makakasama ko pala ang mismong big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario!

"Sabi ko nga, 'Dyusko po, totoo ba ito?' Ilang beses kong kinurot-kurot ang sarili ko. Kasi never pang nangyayari sa akin ang ganyan, na pipirma ako ng kontrata na kasama ang mga bossing. Tapos yung logo ng film company, nasa background. Parang nananaginip talaga ako.

"Sa mga litrato ko lang nakikita na nakikipagkamay ang artista sa mga producers kapag may pirmahan ng kontrata, di ba? Never kong nakita ang sarili ko sa gano'ng sitwasyon in real life. Inaambisyon ko na lang 'yon.

"Pero naganap na nga ngayon at hindi ako pumayag na wala kaming picture ni Boss Vic na kinakamayan namin ang isa't isa. Naku, feeling ko ako si Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Anne Curtis, at kung sinu-sino pang mga big stars ng Viva Films!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NON-EXCLUSIVE CONTRACT. Nilinaw ni Sweet na non-exclusive contract ang kanyang pinirmahan for two pictures. Hindi raw 'yon managerial contract.

"For two movies ang kontrata ko," sabi niya. "Ang Star Magic pa rin ang manager ko when it comes to movies and live shows. Tapos si Ricky Gallardo naman ang manager ko sa mga shows ko sa GMA-7, tulad ng Showbiz Central at Show Me Da Manny.

"Ang Viva naman, naging napakabait nila sa akin noon pa. Marami na akong nagawang movies with them tulad ng Ang Kailangan Ko'y Ikaw, Pangarap Ko Ang Ibigin Ka, Mahal Kita: Final Answer, Buhay Kamao, Ang Kabit Ni Mrs. Montero, Masikip Sa Dibdib, Ang Cute Ng Ina Mo, Apat Dapat... Dapat Apat, Ikaw Pa Rin: Bongga Ka Boy, at itong latest nga na Who's That Girl?.

"So, naging maganda na ang working relationship ko with Viva kaya noong may offer sila, go talaga ako at walang dalawang-isip pa. Bata pa lang ako, Viva Films na 'yan. Lahat ng Sharon Cuneta-Gabby Concepcion na movies nila, napanood ko. Kaya in a way, parang ginawa na rin nila akong part ng Viva family."

Sa panayam ng PEP kay Boss Vic, sinabi niya na sa dalawang pelikulang pinirmahan ni Sweet sa kanila ay pareho itong bida at magagandang projects ang ibibigay nila rito.

Ano ang reaksiyon dito ni Sweet?

"Nakakatuwa namang malaman na nanggaling pa 'yan kay Boss Vic mismo. Kaya ngayon pa lang, hindi pa kami nagsisimulang mag-shooting, maraming salamat sa Viva!

"Next week daw, magmi-meeting na kami for possible stories. Gusto nilang maging part ako ng pagbuo. Oo naman ako, siyempre. Magandang pagpapahalaga ito ng Viva Films para sa akin kaya hindi ko sila dapat biguin," sabi niya.

VICE GANDA. Hindi nga lang si Sweet ang gay comedian na kinontrata ng Viva Films. Contract star din ng Viva si Vice Ganda at sinisimulan na nito ang ikalawang solo movie niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sweet, magkaibigan sila ni Vice Ganda at mas maganda nga kung magsasama sila sa isang movie.

"Matagal na kaming magkaibigan ni Vice. Kaya masaya ako sa narating niya. I would love to do a movie with Vice Ganda. Kung ano ang gusto ng Viva sa aming dalawa, sila naman ang masusunod," aniya.

REGAL FILMS. Hindi kaya magkaroon ng conflict sa pangako ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films na ito ang magbibigay ng first solo project ni Sweet?

Ayon kay Sweet, "Nagpaalam naman ako nang maayos kay Mother Lily. Pumayag naman si Mother Lily at natuwa pa siya. Nag-congratulate pa nga siya sa akin.

"Sinabi naman ni Mother Lily na tuloy pa rin naman ang pagbigay niya ng projects sa akin. Wala raw problema sa kanya. Sa katunayan nga, may two movies akong gagawin for Regal. Una ay ang Temptation Island at pangalawa ay ang Shake, Rattle & Roll 13.

"Promise ni Mother Lily na hindi na ako mamamatay sa 13th edition ng Shake, Rattle & Roll!" tawa pa ni Sweet.

Pahabol pa ni Sweet, sa May naman ay magaganap ang kanyang 18th anniversary live comedy show na Sweet@18. Nasa planning stage na nga raw sila at pangako niya na malalaking artista ang kanyang mga magiging special guests.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN