Angelica Panganiban gets into a fight with "Phil Younghusband's fan" on Twitter

Makahulugan ang mga huling mensahe ni Angelica Panganiban sa Twitter.

"lumaki sa yaman kaya,kaya ko maging bastos. Pero nagiisip akong tao.lumaki akong tondo.pero d ibig sabihin wala kaming modo. BOW

"Kadalasan,mas may breeding kaming lumaki sa hirap dahil marunong kaming rumespeto ng kapwa tao at nakakataas samin."


May nakaalitan ang isang young actress sa isang social networking site na Twitter. Ang sanhi: Phil Younghusband, ang striker ng Philippine football team na Azkals.

Ngayong araw, March 3, naganap ang sagutan ni Angelica Panganiban (@IamAngelicaP) at ng isang "Baby Morales" sa micro-blogging at social networking site.

Nag-react si Angelica sa napapabalitang indie film, kung saan lalabas umano si Phil.

Ayon kay Angelica, "si phil may indie film... Akala ko ba football player sya??? :( lahat na lang artista na :( sad..."

Dagdag pa ni Angelica, sana raw ay mag-concentrate na lang si Phil sa football para tuloy-tuloy ang panalo nito.

"Sila rooney ba gumagawa ng movie? I dont think so :) mukhang busy lang sila kkpractice para laging manalo :)" saad niya.

Si Wayne Rooney ay isang sikat na football player mula sa England.

Ito pa ang ilang tweets ni Angelica tungkol sa isyu (in no particular order):

"masama. Sana lang mag focus muna silang lahat sa football. Para sa pinas kasi yun. #justsayin' after na lang ng tourny mag artista."

"Ang kitid ng utak ng iba. D ko sinasabing ang gusto ko eh ako lang ang artista. Kung gusto pala nya mag artista, sana d na sya nag football."

"Sana sa pbb sya sumali :) d sa azkals. Baka mapuyat sya sa shooting d sya makalaro ng maayos. Gets nyo ba ko? O buong araw natin to issue?"

"Magaling mag football si phil. Stick to that muna :) kakasimula pa lang natin sa football. Baka mas magenjoy sya sa acting. Sayang."

"Ayan. Ok na ha? Concerned citizen lang po ako. Theres no need to promote FB everynight na sila nasa news. Magandang promotion na yun."

Paglilinaw ni Angelica, hindi naman sa ayaw kay Phil. Ayaw niya lang daw na paghaluin nito ang paglalaro ng football at ang showbiz.

"Ok lang naman. Sana lang wag pabayaan ang paglaro :) para d mapahiya :) like pacman," saad niya sa isa pang tweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang naging personalidad din sa showbiz si Phil bago pa siya nasali sa Azkals. Sumali siya sa Celebrity Duets ng GMA-7 noong 2008, at nag-guest sa iba't ibang programa sa telebisyon. Naging endorser na rin ito ng iba't ibang produkto.

"FAN" REACTS. Dahil sa mga tweet ni Angelica ay may mga nag-react na tweeters, at sinasagot naman ito ni Angelica nang maayos. Kahit ang ilang below-the-belt na hirit ng isang nagpakilalang "Baby Morales" ay sinasagot din ni Angelica nang mahinahon.

Gayunpaman, lumala ang palitan nila ng salita. Ilan sa mga ibinato ni "Baby Morales" kay Angelica ay mga salitang "dumb," "stupid," at "bitch."

Sinabi rin nito na dapat hindi nagsasalita laban kay Phil si Angelica dahil wala pa itong nagawang "ikakaproud ng mga pilipino."

Dinamay rin nito ang boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay sa pagsasabing "trying hard" itong magpaka-athlete.

Si Derek ay professional na frisbee player, na nakapag-uwi na rin ng ilang award mula sa ilang kumpetisyon sa ibang bansa.

Binanggit na rin ng fan ang isyung pinaampon lamang si Angelica dahil iniwan siya ng kanyang ama noong maliit pa lamang siya. (CLICK HERE to read related story.)

Sa ngayon ay lampas 70 na ang tweets ni "Baby Morales" laban kay Angelica.

Bukod sa kanyang pangalan, larawan, at account—wala nang ibang detalyeng makikita sa profile ng kaalitan ni Angelica. Pero kung babasahin ang mga previous posts nito, makikita ang mga mensahe ni "Baby Morales" sa Twitter account ni Phil (@PhilYHusband) at ang Azkals' goal-keeper na si Neil Etheridge.

ANGELICA FIGHTS BACK. At 7:45 p.m., ang pinakahuling post ni "Baby" ay "four minutes ago."

Dahil sa tuloy-tuloy na paghirit niya (@anilmorales) laban kay Angelica ay nagbigay na rin ito ng maaanghang na sagot. Tinawag niya namang "bakla," "bastos," at "nakakahiya" si "Baby."

Bandang huli ay pabirong sinabihan ni Angelica ang kanyang fans na "ipatumba" at "paglaruan" si Baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa palitan ng tweets na ito ay nagpa-interview na si Angelica sa news program ng ABS-CBN na TV Patrol at mamaya sa SNN.

Pinag-iisipan na raw ng aktres kung sasampahan niya ng kaso ang fan na kasagutan niya sa Twitter.

Samantala, kinontak na rin ng PEP si "Baby" sa pamamagitan ng pag-post din sa account niya subalit wala pa itong reply.

Bukas ang PEP sa paglalathala ng panig ng mga personalidad na napapaloob sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN