Ara Mina on getting married: "Wala pa ako sa ganyan."

"I'm very contented, I'm very fulfilled. Wala at peace ako sa relationship ko," says Ara Mina when asked about her current relationship with her non-showbiz boyfriend named Raymond Ilusorio-Yap (inset).


Bahagyang naging mailap ang boyfriend ni Ara Mina sa store opening ng bagong business venture ng aktres, ang Pure Glow by Ara's Secrets, sa Market! Market! sa Taguig City kahapon, Marso 4.

Naging mahiyain ang non-showbiz boyfriend niyang si Raymond Ilusorio-Yap nang tinawag siya ng entertainment media para samahan ang aktres sa interview.

Kaya naman sa halip na pilitin, nagbiro na lamang si Ara na, "Naku, baka ma-overexposed na siya! Sa lagay na 'yan, baka ma-discover na siya. Hindi ko yata keri kasi gusto ko non-showbiz boyfriend, di ba?"

Ayon kay Ara, todo-suporta ang kanyang kasintahan sa bago niyang negosyo. Bilang isang accountant, nagbibigay rin siya ng mga payo kay Ara tungkol sa business.

Nang tanungin si Ara kung ang pagtatayo ng bagong pagkakakitaan ay isang paghahanda niya para sa kanilang kinabukasan, natawa ito at pabirong sinabi na, "Ako ang maghahanda para sa kinabukasan ko?"

Pagkatapos ay inihayag niya na kung sakaling maisipan na niyang magkaroon ng pamilya, hindi naman daw niya ihihinto ang pagtatrabaho.

Aniya, "Kung mag-aasawa man ako, ayaw ko 'yong ano, e, hindi magtatrabaho. Gusto ko working pa rin. Ayaw ko na aasa lang ako."

NOT YET THINKING ABOUT MARRIAGE. Samantala, inamin ni Ara na hindi pa nila napag-uusapan ni Raymond ang tungkol sa kasalan.

"We'll see. Ayaw ko kasing madaliin, ayaw kong pangunahan," wika niya.

"Wala pa ako sa ganyan, sa marriage. Hindi ba, ang daming ideal couple diyan, nag-e-end up din sa wala? Pero ayaw ko naman isipin na gano'n. Siyempre, pinagpe-pray ko rin, and my whole family, na talagang okay.

Kung sakali ba, ano ang marrying age para kay Ara?

"Dapat after two or three years, mag-settle down na ako," sagot niya. "I still have two or three years. Pero kasal muna bago baby. We'll see, darating din tayo diyan."

Dagdag pa ni Ara, "I'm very contented, I'm very fulfilled. Wala, at peace ako sa relationship ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN