Paolo Contis and Lian Paz celebrate first birthday of their first child with the arrival of their second child

Actor Paolo Contis and partner Lian Paz will become parents anew as the former EB Babes member gives birth to their second child tomorrow, March 7, which is also the first birthday of their firstborn, Xonia Aitana.


Ngayong araw, March 6, ay ipagdiriwang nina Paolo Contis at Lian Paz ang first birthday ng kanilang panganay na anak na si Xonia Aitana.

Pero imbes na isang magarbong birthday party, isang simpleng dinner lang daw with family and some close friends sa isang restaurant sa Eastwood ang planong gawin nina Paolo at Lian to celebrate Xonia's first birthday.

Pagkatapos kasi ng dinner nila ay didiretso na sila sa St Luke's Hospital dahil bukas ng umaga, March 7, ay nakatakda namang ipanganak ni Lian ang second baby nila ni Paolo via caesarean section.

Babae na naman ang magiging anak nina Paolo at Lian.

Tulad ng paghihintay nila sa paglabas noon ni Xonia, ayon kay Paolo, ganun din ang excitement na nararamdaman nila na makita ang kanilang pangalawang anak.

"Sabi nga ng iba, parang mas mababawasan na as compared sa panganay dahil first time. Pero hindi, ganoon pa rin. Kahit yung mga gamit ng bata, halos bago lahat, pati crib. So, basically, it's the same thing," sabi ni Paolo sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang exact birthday ni Xonia ay March 7 talaga. Kaya sa panganganak ni Lian bukas, magiging magka-birthday ang dalawa nilang anak.

Dahil caesarean ang panganganak ni Lian, tinanong ng PEP kay Paolo kung sila mismo ang namili ng araw kung kailan isisilang ang kanilang pangalawang anak.

"Well, in a way, yes," sagot ng aktor. "Kasi, CS naman siya, so puwede kaming makapamili ng date.

"Ang due date niya talaga, March 14, birthday ko naman. So, okay lang din sana, pero nahihirapan na si Lian, e.

"Actually, two weeks ago pa, kahit hindi pa yung talagang full-term niya, nahihirapan na siya. Kaya nag-decide na rin kami na itapat na lang nga ng birthday ni Xonia."

May nakahanda nang pangalan sina Paolo at Lian para sa kanilang second baby. Tulad ng initials ng panganay na anak, they will name their second daughter Xalene Abrianna, which means "victorious."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN