Ariel Villasanta's Mommy Elvie returns with a new reality show on GMA News TV

"Na-miss din ni Mommy yung may camera sa harapan niya. Parang kulang ang araw niya kapag walang tao sa paligid niya. Gusto kasi ni Mommy na may ginagawa siya kahit na nakaupo lang siya!" says Ariel Villasanta about his mom, Mommy Elvie.


Excited na ang comedian na si Ariel Villasanta—the other half of the comic duo Maverick & Ariel—dahil malapit nang mag-premiere ang reality show ng kanyang inang si Mrs. Elvie Villasanta na Mommy Elvie@18 sa GMA News TV on March 12 at 10:30 AM.

Ito ang pagbabalik ni Mommy Elvie sa TV after makansela ang reality show niya sa TV5 na Mommy Elvie's Problematic Show. Pero bago 'yon ay nagsimula si Mommy Elvie bilang guest sa reality show na The Misadventures of Maverick and Ariel na umere sa ABC-5 noong 2004.


MOMMY ELVIE'S PUNCHLINES. Ngayon ay si Ariel na ang producer ng reality show ni Mommy Elvie. Ginawa niya ito para hindi raw mainip ang kanyang ina. Marami na rin daw ang nakaka-miss sa mga punchline ni Mommy Elvie.

"Si Mommy kasi, wala na siyang masyadong ginagawa talaga. Nasa bahay lang 'yan talaga. E, napansin ko, parang nanghihina siya lalo na noong mawala na yung show namin ni Maverick [Realova].

"Na-miss din ni Mommy yung may camera sa harapan niya. Parang kulang ang araw niya kapag walang tao sa paligid niya. Gusto kasi ni Mommy na may ginagawa siya kahit na nakaupo lang siya!" natatawang sabi ni Ariel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kaligayahan din daw ni Mommy Elvie na "laitin" si Ariel.

"Ewan ko ba, wala naman siyang choice, e, ako lang naman ang anak niya," sabi ng comedian. "Parang lambing na ni Mommy sa akin 'yon. Siyempre, wala naman akong angal. Ganyan talaga kami sa bahay araw-araw. Kasama ang panlalait niya sa mother-son relationship namin."

Hindi raw scripted ang punchlines ni Mommy Elvie. Lahat daw iyon ay galing mismo sa bibig ng kanyang ina.

"Si Mommy kasi, natural na komedyante 'yan. Minsan lang magsalita 'yan pero matatawa ka sa kanya. Kaya nga naging hit siya sa unang show namin sa ABC-5. Akala nila scripted, pero hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Galing kay Mommy ang mga punchlines niya. Ako nga mismo nagugulat sa mga sinasabi niya. May timing sa comedy ang mommy ko," sabi ni Ariel.

18 WISHES. Ang concept ng Mommy Elvie@18 ay ang paglista ni Mommy Elvie ng kanyang 18 wishes as she turns 81 years old this year. Lahat ng gusto niyang gawin sa kanyang birthday ay pipilitin niyang matupad.

"Para nga siyang magde-debut. Binaliktad lang namin ang 81 to 18. Imbes nga naman magkaroon ng 18 roses at 18 candles, 18 wishes na lang. Lahat ng ilista ni Mommy, gusto naming matupad.

"Kaya sa show, mapapanood n'yo ang mga kabaliwan namin ni Mommy. May mga playtime kami. Inayusan namin si Mommy ng kung anu-ano. Isa kasi sa wishes niya 'yon. Basta matatawa sila sa mga pinaggagawa namin sa show," pagtiyak ni Ariel.

Pero may konting drama rin daw ang naturang reality show. May isang episode nga raw sila na naospital si Mommy Elvie.

"Yearly check-up 'yon ni Mommy sa doctor. Siyempre, every time naman na pinapatingin namin siya sa doctor, lagi naming ipinagdarasal na okey siya. Lahat naman tayo, gusto nating magtagal pa ang mga ina natin, di ba? Kaya medyo emotional ang episode na 'yon para sa akin," sabi ni Ariel.


ARIEL'S MARRIED LIFE. Sa personal na buhay naman ni Ariel, happy ito sa kanyang married life with businesswoman Cristina Decena. Kaka-celebrate nga lang daw nila ng kanilang sixth monthsary bilang mag-asawa.

Aniya, "Ever since naman na ikinasal kami last year, maganda ang takbo ng buhay naming dalawa. Kahit na busy siya sa negosyo niya at busy ako sa work ko naman, we always make it a point na magkasama kami at the end of the day.

"Kahit na maipit ako sa traffic at kahit na mainit ang ulo niya sa sobrang stress sa trabaho, gustung-gusto niya na pinapatawa ko siya kapag magkasama na kami. Parehong nawawala ang stress namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam n'yo naman, matagal akong naging single. Hindi ko na alam kung ano ang pakiramdam ng may asawa. Kay Babes ko ulit naramdaman 'yon at masarap pala na may kasama kang umuuwi sa bahay at kapag magising ka sa umaga ay magkasama pa rin kayo."

Next month ay lilipad ang mag-asawang Ariel at Cristina papuntang Las Vegas para magpakasal doon. Ito ang pang-apat na nilang destination para sa kanilang "Wedding Around The World" series. Nauna na silang ikinasal sa Hong Kong, sumunod sa Bangkok, Thailand, at huli ay sa Singapore.

Wala na raw problema sa estado ni Ariel dahil meron na siyang divorce papers mula sa unang niyang asawa.

"Finally, maayos na. Dumating na yung mga papers na hinihintay namin. Twenty-four years na akong hiwalay sa first wife ko and she's already married to somebody else sa U.S. Kaya matagal na kaming may kanya-kanyang buhay.

"Kaya ang pagpunta namin sa Las Vegas ay para maayos na ang divorce ko at sabay magpakasal kami ni Babes sa isa sa mga chapels doon. May costume na nga kaming isusuot, e. Naka-Elvis Presley ako at siya naman ay naka-Marilyn Monroe," nakangiting sabi ni Ariel.

Tuloy pa rin ang pagpapakasal nila sa iba't ibang countries tulad sa Paris, Ukraine, Rome, London, Madrid, South Africa, at kunsaan-saan pa. Gagawin nila itong reality series at ipapakita nila kung ano ang wedding tradition sa mga bansang pupuntahan nila.

Ang pinakahuling wedding destination nila ay dito sa Pilipinas kunsaan isang engrandeng wedding ang nasa planning stage na.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN