Jericho Rosales, Alessandra de Rossi, and Jake Cuenca recall their fondest memories in taping Green Rose

Jericho Rosales, Alessandra de Rossi, and Jake Cuenca all had fun time doing the ABS-CBN primetime series, Green Rose, which will bid farewell this month.


Masayang malungkot ang second to the last taping day ng primetime drama series ng ABS-CBN, ang Green Rose, na ginanap noong March 7 sa World Trade Exchange Building sa Juan Luna St., Binondo, Manila.

Umaga pa lang ay nagsimula na ang taping sa 36th floor ng naturang gusali. Early evening naman, past 6 p.m., nang bisitahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping site.

Kinukunan noon ang mga eksena nina Jericho Rosales, Jake Cuenca, at Alessandra De Rossi. Walang scheduled taping that night si Anne Curtis, ang love interest ni Echo sa ongoing primetime teleserye ng Dos.

Among the supporting cast, naroon naman sina Gardo Versoza, Smokey Manaloto, Janus del Prado, at isang newcomer na talent ng Star Magic named Pica Lozano.

Istrikto ang direktor ng serye na si Manny Palo kaya behaved ang lahat, including the cast and their staff, mga technical crew, at mga bystanders sa set.

ECHO & ALEX. After dinner break, nagpaunlak ng interview sa PEP si Jericho, na noo'y nagpapahinga habang nakikipagkuwentuhan kay Alessandra. Silang tatlo nina Smokey ang nasa isang corner ng malawak na floor area, kung saan nakapuwesto na rin ang mga kamera at iba pang taping equipment.

Doon na rin isinasagawa ang pagme-makeup sa mga artista, na maraming makeup artists ang involved, at nakahanay sa bawat sulok ang iba't ibang damit na ginagamit nila bilang costumes.

Unang kinumusta namin ang pagtatrabaho ni Jericho para sa kasalukuyang sinusubaybayang teleserye sa Kapamilya network.

"Okey naman. God has been good talaga...ang daming work!" nakangiting sambit ni Echo. "Tapos, may time din to relax. So, okay, balanse lang."

Wala nang nararamdamang grabeng pressure si Echo ngayon.

"Wala na," sabi niya. "Last na lang ito. Actually, medyo malungkot na. Patapos na kami. Almost one year din kaming magkakasama."

Napag-alaman ng PEP na ang huling taping day ng Green Rose ay sa Lunes, March 14. Kung walang magiging aberya, extension ng mga kinukunang eksena sa gabing 'yon ang kukunan sa last taping day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas ano kami ngayon, mas tight kami ngayon. Mas naging magbabarkada kami," nakangiting sabi ni Jericho when asked tungkol sa naging working relationship nila ng mga kasamang gumaganap, since middle of last year nang magsimula ang kanilang taping.

In particular, kumusta naman sila ni Alessandra?

"Nagmamahalan pa rin kami," sabi ni Echo, na ikina-react ni Alex who was seated nearby.

"Pag ikaw natsismis na naman!" babala agad ni Alex na nakangiti.

"E, kasi, ayaw nilang tumigil, e!" katwiran ni Echo, na naaliw sa pagsabat ni Alex sa interview.

IN LOVE? Naalala tuloy namin at ni-remind ang dalawa tungkol sa naging statement ng aktor sa presscon ng Green Rose, na sa mga unang buwan ng taping ay nakaramdam si Echo na "parang nai-in love" na siya kay Alex.

"Hindi totoo!" nakangiting pagtanggi naman agad ni Alex. "Siya [Echo] ang nagsabi! Nagbibiro lang siya!"

At habang nakatingin si Echo kay Alex, nag-dialogue pa ang dalagang aktres ng: "Ayaw na tuloy akong ligawan ng mga boys! They think I'm taken!"

Nang si Alessandra naman ang kaharap namin for interview, biglang tumabi sa kanya si Jericho at nag-dialogue ng "I love you."

"Ha! This will not help, ha!" masayang wika uli ng young actress.

Tumayo agad si Echo at nagsabing "Huwag n'yo kaming seryosohin."

"Tama!" natatawa lang si Alex.

Ano ba ang pinaka-mami-miss ni Alex ngayong patapos ang taping nila ng mga kasamang aktor at aktres sa Green Rose?

"Ito. Yung kakulitan naming lahat. Pero it always stays here," sabi niya.

"Sanay na ako. Dati pag last day, nag-iiyakan pa. Now, no more na. There will always be Facebook," kuwelang banggit pa ni Alex.

Last year, naging tampok si Alessandra sa hit primetime series na Agua Bendita also aired on ABS-CBN. Then, she started taping for Green Rose middle of last year, pero noong February 14 lamang sinimulang isahimpapawid ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagtatapos ng taping niya para sa Green Rose, wala pang bagong teleserye na agad sisimulan ang aktres.

FRIENDSHIP. Para naman kay Jake Cuenca, "Ang mami-miss ko dito yung samahan. Kasi lahat kami, magkakaibigan. Lahat kami, kilalang-kilala na namin ang isa't isa. So, siguro ang pinakamami-miss ko dito yung pagkakaibigan."

Sabi pa ng aktor, gumaganap bilang "villainous" na si Edward, off-cam ay na-develop talaga ang friendship nilang mga nasa Green Rose cast.

"Oo, definitely," pagkumpirma niya. "Tulad ng sinabi ko sa interviews, bago ko ginawa itong show na 'to, hindi naman kami masyadong close ni Jericho at ni Anne. Pero because of the show, may nakilala akong dalawang bagong kaibigan.

"Pagdating naman kay Alex, halos sampung taon na kaming magkaibigan. Every time naman na ipagsama kami sa isang programa, o kaya kahit hindi programa, e, masaya siyang kasama."

Taliwas ang ganitong gawi at pagsasalita ni Jake sa napapanood ng televiewers, na taglay niya ang strong presence sa ginagampanang papel na kontrabida.

Maluwag namang tinanggap ni Jake ang paghamon sa kanya bilang aktor kahit hindi sympathetic ang manonood sa kanya.

"Gusto ko ng kakaibang role kaya ko siya tinanggap," wika niya. "Coming from Agimat [bilang Elias Paniki], coming from Rubi, na sobrang bait [ng character ko], I wanted to do something different. Para hindi mapagsawaan.

"At the same time, mahal na mahal ko yung programang Rubi," banggit din ni Jake, na gumanap sa nasabing soap bilang faithful boyfriend ni Angelica Panganiban sa title role.

"Pero in terms of acting," patuloy niya, "parang I want something more. And this [Green Rose] is the project na tinanggap ko para lalo akong mag-mature.

"Siyempre, napakagaling ni Jericho, napakagaling nina Anne, ni Gardo... So, tinanggap ko ito para matuto, para ma-satisfy ang aking artistry.

"But then, isa rin yung nakakalungkot, na kailangang bitawan yung role. Mami-miss ko yung set. Matagal-tagal din, nag-Korea pa kami. Definitely, yeah, I'm gonna miss everything here."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVING ON. Ngayong tapos na ang tapings nila sa isinasahimpapawid pa ring Green Rose, ano ang mga susunod nilang gagawin?

Jake said may dalawang shows na nakatakda siyang simulan.

"I'm doing another soap which I cannot talk about yet. Kasi, nasa planning stages pa. But it's another drama. I'm also gonna do a weekly show. Tuwing Sabado yun, it's also undisclosed pa. Hindi puwedeng pag-usapan," sabi niya.

But Jake hinted at the possibility of him being paired with Shaina Magdayao sa bagong teleserye. And another weekly action-drama series.

Kasali rin si Jake sa Aga Muhlach-Angel Locsin feature na Huling Sayaw for Star Cinema, directed by Olive Lamasan.

As for Echo and Alex, as earlier stated, wala pa silang immediate follow-up TV series after Green Rose. Pero tampok si Alessandra sa isang indie film na natapos na niyang i-shoot para sa Cinemalaya 2011.

Si Anne Curtis naman, matagumpay uli bilang bidang aktres ng romance-comedy opposite Luis Manzano, Who's That Girl? ng Star Cinema at Viva Films, habang balik-hosting sa Showtime.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN