Melissa Ricks finally gets her break via new afternoon soap Nasaan Ka Elisa?

"Sobrang thankful ako that they gave me this break. It doesn't matter if I waited six years, five years, one year, basta I was given what I deserve," says Melissa Ricks about playing the lead role in new afternoon soap Nasaan Ka Elisa?.


Isang "perfect daughter" ang ginagampanang role ni Melissa Ricks sa bagong afternoon series ng ABS-CBN, Nasaan Ka Elisa?.

Ang nasabing serye ay Pinoy version ng Puerto Rican drama series na Dónde está Elisa?. Nagawan na rin ito ng adaptation sa iba't ibang bansa gaya ng U.S., Venezuela, Spain, Chile, Croatia, at Mexico.

Nagkaroon ng beach-themed press preview ang Nasaan Ka Elisa? kahapon, March 8, sa Trellis sa ABS-CBN compound.

Pagkatapos ng pagpapalabas ng first two episodes ng serye, na magsisimula na sa March 21, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Melissa.

LATE BLOOMER? Ano ang masasabi ni Melissa sa obserbasyon ng ilan na tila "late" ang pag-launch sa kanya ng ABS-CBN kumpara sa ibang young female stars ng ABS-CBN na naunahan pa siya, gaya nina Erich Gonzales (Katorse), Empress (Rosalka), at Jessy Mendiola (Sabel)?

"Ako naman, I never asked for lead role," sabi niya. "I just wanted work. I just wanted to act. I just wanted to give inspiration to people na mapasaya ko man lang ang mga fans ko kahit maliit lang ang role ko.

"Pero I guess, this is so much na yung management, ipinagkatiwala sa akin ang ganitong role kahit alam nila na medyo conservative ako, pa-sweet. They gave me a role that will really challenge me.

"So, sobrang thankful ako that they gave me this break. It doesn't matter if I waited six years, five years, one year, basta I was given what I deserve."

Gaano siya ka-pressured sa Nasaan Ka Elisa?, lalo pa nga't ang previous shows ng Dos na nag-launch sa ibang Kapamilya stars ay pawang nag-rate?

"Lahat naman ng shows na napasali ako, thankfully, nag-rate naman po," nakangiti niyang sabi.

"Sana with this show, it would rate kasi it's different. Hindi siya pure drama. It's a mystery, adventure, and sana matanggap ng mga Filipino ang ganitong klase ng istorya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PERFECT DAUGHTER? Dahil tungkol sa pagkawala ng sinasabing "perfect daughter" ang tema ng Nasaan Ka Elisa?, ang unang tanong kay Melissa ay kung masasabi ba niyang isa siyang "perfect daughter."

"Sa totoong buhay, I'm far from being perfect naman," sagot ng young actress. "But I try to be a good daughter to my parents. I would say yes, I'm a good daughter, pero siguro ang magulang ko dapat ang tanungin n'yo do'n."

Bagamat 21 years old pa lang si Melissa, hindi raw siya magimik gaya ng ibang kabataan.

Pero umamin siyang nagpunta siya ng Republiq sa Resorts World Manila last week, kasama ang mga kaibigan niya gaya nina Kitkat at Ejay Falcon. Ginawa raw niya yun para sa character na ginagampanan niya sa Nasaan Ka Elisa?.

Aniya, "Hindi kasi talaga ako mahilig sa ganoon. Natatakot ako sa maraming tao. Pero dahil sa role ko, inaano ko na lumabas din ako more often para ma-find ko rin yung sarili ko."

Nagiging "wild" din ba siya tuwing gumigimik tulad ng character na ginagampanan niya?

"Oo, peg ko si Elisa do'n. Pero kapag nandoon lang ako, ha! Sumayaw lang naman ako. Hindi naman ako nalasing!" natatawang sabi niya.

Sabi pa ni Melissa, hindi naman siya pinagbabawalang gumimik ng parents niya, pero choice daw niyang hindi maglalalabas.

"Takot din kasi ako, e," pag-amin niya. "But I think it's better na ngayon lang din ako nag-i-start na gumimik kasi I am more responsible. I won't make mistake, the same mistake that I would have if I was younger to go out. I'm with the right people naman and I surround myself with good friends na magbabantay talaga sa akin."

Hindi raw kasama ang boyfriend niyang si Jake Cuenca nang gumimik siya.

"May taping siya noong araw na yun. Pero binabantayan naman niya ako at gina-guide naman niya ako to the right path naman," sabi ni Melissa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REBEL DAUGHTER? "Slightly!" ang natatawang sagot ni Melissa nang tanungin kung sa totoong buhay ba ay naging rebelde siya sa kanyang mga magulang.

Si Jake ba ang dahilan ng pagre-rebelde niyang yun?

"Maraming dahilan," sabi ng young actress. "Siyempre, bilang teenager ka, marami kang pinagdadaanan sa buhay mo. Hindi lang sa lovelife, hindi lang sa family, sa friendship nangyayari rin 'yan."

Pagdating kay Jake, nagrebelde na ba siya?

"Hindi ko tatawagin na rebelde yun. Happiness!" natatawa niyang sabi.

Nilinaw ni Melissa ang nabalitang paglalayas diumano niya sa kanilang bahay noon.

"Hindi siguro layas, sleepover. Nag-sleepover ako. Pero hindi kala Jake, ha... Nag-sleepover ako kay Kitkat," sabi niya.

Ano ang reason ng sleepover na yun?

"Wala lang... Hindi kasi ako pinapayagan na matulog sa ibang bahay. So, yun na ang pinaka-rebelde ko, matulog sa bahay nila Ate Kitkat."

Ayon pa sa balita noon, sa condo unit daw ni Jake siya tumuloy. Pero itinanggi ito ng young actress.

"Kung lalayas naman siguro ako at pupunta ako do'n, siguro pupunta ako na nandoon siya, di ba? Kausap ko naman siya, di ba? So, hindi, hindi totoo yun," sabi ni Melissa.

Itinanggi rin ni Melissa na si Jake ang naghatid sa kanya pauwi sa kanila pagkatapos ng kanyang "sleepover."

"Nagpasundo ako sa kotse ko actually. Sa bahay nila Ate Kitkat. Kasi, daddy ko ang naghatid sa akin do'n, e," aniya.

DARING MELISSA. Daring ang character na ginagampanan ni Melissa sa Nasaan Ka Elisa?. Although sa first few episodes, ang pagsasayaw niya sa bar ang masasabing pinaka-daring na naipakita niya.

Pero ayon kay Melissa, for a launching show, daring daw talaga siya rito.

"Kahit ako, it's very different from every single role that I did before. Ito talaga yung role na masasabi kong breakthrough para sa akin. It's a big change. At sana, matanggap ng mga tao," asam niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano ba siya ka-daring rito?

"Basta lahat po ng hindi ko ginagawa, gagawin ko rito," sagot niya.

Anong pinaka-daring ang puwede niyang gawin para sa show na ito?

"Kung dati si Matt [Evans] lang, ngayon, marami na sila [leading men] Tingnan n'yo na lang po. Hindi ko puwedeng sabihin. Yun nga po ang tanong—is she perfect or not?" saad ni Melissa.

Hindi masabi ni Melissa kung sino talaga ang leading man niya kina Aldred Gatchalian at Franco Daza sa Nasaan Ka Elisa?.

"Puwede bang lahat leading men ko rito?" natatawa niyang sabi. "Yun nga kasi ang ano...sino nga ba talaga? Kung puwedeng lahat sila, hindi natin alam kung sino sa kanila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN