PEP EXCLUSIVE: Bianca Gonzalez is the recent subject of "bashing" on Twitter

Diplomacy is the best policy. This approach converted a hater into an admirer of Bianca Gonzalez, who became the subject of bashing on Twitter recently.


Nagmimistulang freedom wall ng ilang fans ang microblogging site na Twitter, kung saan ang pinakahuling subject of "bashing" ay si Bianca Gonzalez.

Kamakailan, isang supporter ng Azkals ang nakabangayan ni Angelica Panganiban, na nag-post ng kanyang opinyon tungkol sa balitang pagkakaroon ng indie film ni Phil Younghusband.

Nitong nakaraang Sabado, Marso 5, isang Tweeter—na may-ari ng account na @Kristina_PJ at nakarehistro sa pangalang Yzabelle Aquino—ang nag-post ng isang pagbabanta sa timeline ng SNN co-host.

Heto ang nilalaman: "fyi, malapit na matapos ang career ni @iamsuperbianca with the video we are soon to upload."

Ang Tweeter ay unang nag-post noong Enero 2009. Pero almost a year pa ang lumipas bago ito ulit nag-post noong Disyembre 2010. Simula noon, umabot na sa 126 ang tweets ng user. Kasama rito ang isang panawagan: "pls help me in bashing Bianca G."

Nagpakilala si @Kristina_PJ bilang isa sa mga kaklase ni Bianca noong high school sa De La Salle Santiago Zobel School. May isa ring tweet kung saan nabanggit niya na kaklase rin niya ng model-turned-host sa kolehiyo. Si Bianca ay nagtapos ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University.

Ayon pa sa "hater" ni Bianca, ang kanyang paninira ay bunsod daw ng isang pangyayari noong nasa high school pa sila. Hindi naman niya tinukoy kung ano ito.

"@iamsuperbianca it seems you have forgotten what you did to me way back in highschool at Zobel. now its my turn," sabi ng Twitter user noong Enero 11.

Noong Enero 25, idinagdag nitong nagtrabaho siya sa Kapamilya network: "i got to know the real Bianca Gonzalez when I am still working at ABS so I have the right to bash that [expletives]."

Bukod sa tweets, nag-upload na rin ng isang sexy photo ni Bianca noong Marso 5. Naka-address ito sa ilang Twitter users, kasama ang PBA player na si JC Intal na napapabalitang nakaka-date ngayon ng Pinoy Big Brother host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinundan pa ito ng isang pagbabanta na, "i am going to upload the video soon on how a [expletive] she is!"

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na ang naturang larawan ay nailathala sa 10th anniversary issue ng Preview magazine noong Hunyo 2005.

DEFENDING BIANCA. Bagamat naging sunud-sunod ang mga mapanirang Twitter posts ni @Kristina_PJ, nanatili namang tahimik si Bianca.

Hindi naman nagkulang ang mga followers at kaibigan ng Kapamilya celebrity sa pagtatanggol sa kanya. Isa na rito ang Star Cinema Adprom director na si Roxy Liquigan.

Sa Twitter, heto ang isinagot niya: "@Kristina_PJ sa tweet mo, sinisiraan mo si @iamsuperbianca helloooo! Insecure ka ramdam ko. Nananahimik yung tao kung anu ano pinagkakalat mo. Insecure ka."

At tungkol naman sa sexy photo, sinabi ni Liquigan, "I like this photo of @iamsuperbianca . Feeling ko naiinggit ka kay bianca! Feeling ko di ka masyadong maganda kaya sinisiraan mo si bianca. tigilan mo na yan."

Hindi rin naniniwala ang Broadway actress na si Lea Salonga sa mga negatibong tweet tungkol kay Bianca. Sa kanyang Twitter post noong Marso 1, sinabi niya sa "hater" ni Bianca, "Bianca is a friend of mine and a class act all the way. If she was like that in college, maybe she's grown up since. I'll give her the benefit of the doubt."

BIANCA CALLS FOR "PEACE LOVE HAPPINESS." Samantala, kalmado lang si Bianca sa kabila ng "bashing" ng kanyang "hater." Sinabihan pa nga nito ang mga followers na huwag magpapaapekto sa mga paninira.

Una, sinabi ni Bianca na, "Some people have lots of free time and yun ang trip nila? tayo, let's just be happy."

Pagkatapos, sinabi rin niya sa isa pa niyang kakilala, "no, no, no don't get irritated! that's what they want to happen. let them be na lang. dun sila masaya eh."

At sa statement na ipinadala niya through Backroom's Mary Ann Sta. Ana, na siyang nag-forward sa number ng PEP managing editor na si Karen Pagsolingan, mahinahon niyang hiniling na ayusin ang mga bagay-bagay kung may dapat mang ayusin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Heto ang nilalaman ng text message ni Bianca:

"Before answering, i made sure i was aware of all the tweets of @Kristina_pj or Yzabelle Aquino so i took a screen capture of all her posts. As much as i try to recall i don't think i have met Yzabelle. Her posts say she met me high school, then college, then at work, so I'm not really sure which of those it is.

"If it is true that i have wronged her, i do hope i get to meet her personally to fix things, because that's always the best way for people to resolve things.

"The photo posted on her twitter page that she sent to other twitter users isn't a stolen sexy photo of me but a photo from a fashion editorial of Preview magazine a few years ago. :-)

"I don't know where she heard that I've said bad things about Cristine R, Angelica P, Sarah G as her tweets say, because i never have and in fact i admire these girls! I of course have not said anything bad against Toni G, who is a sister to me.

"I am all for freedom of expression and opinion on twitter and other social networking sites, i too post whatever opinion i have and we are all free to do so.

"But this great freedom also comes with a huge responsibility. Posting tweets with curse words or foul language and posting tweets to purely malign someone crosses the line to irresponsibility.

"I hope everyone can use social media as the great tool it is for development, connectivity, and change. :-) Peace, love, happiness! :-)"

"HATER" TURNS INTO AN "ADMIRER." Ang huling post ni @Kristina_PJ tungkol kay Bianca ay bandang 4:00 p.m. kahapon.

Pinadalhan siya ng PEP ng limang tanong tungkol sa "bashing," subalit wala itong sinagot. Bagkus, nag-email ito ng isang pahayag, kung saan pinupuri na niya ang host:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"sorry for the late response. honestly, i have nothing against Bianca. trip ko lang talaga na asarin siya or magpapansin something like that! i find her kasi so perfect. yung tipong walang bad blood in her. plus i got bored so i decided to create an account at twitter. another reason why i sent those hate tweets for Bianca Gonzalez is to test her patience, and how she deals with basher. and to be honest i admire her after that. hindi siya pumatol sa mga tweets ko and instead sent me a DM with no hatred at all. her DM to me was so nice and from their [sic] you can tell na she do have [sic] breeding and class."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN