Gardo Versoza misses the chance to work with "crush" Maricar Reyes

Gardo Versoza has just finished work for the ABS-CBN primetime series Green Rose. He will then move to GMA-7 to do the epicserye Amaya starring Marian Rivera.


Kabilang si Gardo Versoza sa cast ng ABS-CBN primetime series na Green Rose na maagang nakapag-last day taping noong Lunes, March 7, sa World Trade Exchange Building sa Binondo, Manila.

Natutuwa ang aktor dahil maagang nakunan ang dalawa niyang mahahalagang eksena early that day, at nang dakong gabi ay ilang maiikling eksena na lamang, separately with Jericho Rosales and Jake Cuenca.

Habang inaayos ang kanyang makeup at costume ay nakausap ng PEP (Philiippine Entertainment Portal) si Gardo.

Kumusta ang trabaho niya sa Dos?

"Okey naman. Kanina, kinunan yung sa may ending na, kami ni Jake," ani Gardo, although hindi maaaring ma-reveal agad ang detalye ng mga eksena dahil mahaba pa ang itatakbo ng teleserye.

"Sa tumatakbong episodes ngayon, bale magkikita na kami ni Echo, yung mga characters namin [as Jerome Delgado and David Tobias, respectively].

Set in the high-profile corporate world, angkop ang mga naturang karakter sa pagkakaganap nina Echo at Gardo, ugnay sa iba pang karakter ng teleserye, tulad nina Anne Curtis (Angela Tuazon), Jake Cuenca (Edward Fuentebella), Alessandra de Rossi (Geena Rallos), at Ricardo Cepeda (Ricardo Tuazon, ama ng karakter ni Anne), among many others.

Of his co-actors in the series, Gardo has all but good words. "Magagaling silang lahat—sina Echo, si Anne, si Jake, si Alex. Si Jake, siya yung kontrabida na kalmado lang, pero intense."

Ayon kay Ivy Vicencio, Gardo's girlfriend at kasalukuyan din niyang manager, naging close friends sina Gardo at Jake mula nang magkasama sa Rubi last year at hanggang sa regular nilang pagtatrabaho sa Green Rose.

REAL FRIENDSHIPS. Tulad ng iba niyang kasamang artista, o cast members ng Green Rose, tinanong ng PEP si Gardo kung anu-ano ang pinakamami-miss niya sa naging pagtatrabaho sa nasabing teleserye.

"Oo, mami-miss ko yung company nila," sabi ni Gardo, referring to the cast members. "Yung grupo dito, masaya, e. Naging close na rin kami kahit papaano."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Jake, who's a close friend of Gardo's from way back, calls it "real friendship" na na-develop among them while working on the series.

Gardo agreed. "Tsaka, di ba, may mga soaps na medyo parang mabigat? Ito, magaang! Wala ring pasaway sa mga cast members kaya enjoy yung working relationship namin."

REUNION WITH KATHERINE LUNA. Meanwhile, sa isasahimpapawid pa lang na episode ng TV5's Star Confessions (tentatively set on Wednesday, March 23, at 8 pm), muling nagkasama sina Gardo at ang sexy-dramatic actress na si Katherine Luna.

Life story ng controversial actress na si Rosanna Roces ang tampok sa nasabing SC episode. Si Katherine ang gaganap bilang Osang at si Gardo ang dating mister ni Rosanna, named Tito Molina.

Kumusta ang muling pakikipagtrabaho niya kay Katherine after some seven or eight years? Magkasama sila sa acting debut film ni Katherine, ang Babae Sa Breakwater (2004) by director Mario O'Hara. Ginampanan ni Gardo sa pelikula ang papel ng isang underworld syndicate leader.

"Okey naman. Para lang din nung nagkatrabaho kami sa Breakwater," sagot ni Gardo.

Tuwing may kakausap kay Katherine, hindi nito maiwasang hindi magsalita o mag-open up hinggil sa mga sama ng loob sa nakarelasyong aktor na si Coco Martin.

Sabi naman ni Gardo, "Wala naman siyang [Katherine] gaanong kuwento..." At hindi nga raw nabanggit sa kuwentuhan nila ang tungkol kay Coco.

MOVING ON. Ngayong tapos na ang work niya para sa Green Rose, maraming magagandang career prospects si Gardo. Maingat siya sa pagpili, although hindi maiiwasang may kailangang piliin in favor or another project.

Tulad sa nabanggit na offer ni Gardo mula rin sa ABS-CBN para sa bubuksang teleseryeng may title na Reputasyon.

Nanghihinayang kapwa sina Gardo at Ivy na hindi na maaaring gawin ni Gardo ang bagong teleserye.

When informed na balitang itong Reputasyon ang magiging launching vehicle bilang female lead ng dramatic star na si Maricar Reyes, lalong nanghinayang si Gardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun, crush ko 'yon!" pag-amin ng aktor, na ikinatuwa naman ng kanyang manager-girlfriend.

"O, hanggang crush ka lang, ha!" biro pa ni Ivy kay Gardo, who added, when asked kung bakit at anong mga qualities ni Maricar ang nagustuhan niya, "Kasi tahimik, disente, matalino, at siyempre, maganda siya."

"Dati pa 'yon," sabi rin ni Ivy, bilang pagsang-ayon. Nagmu-modelo pa lamang daw si Maricar, o bilang endorser ng isang sanitary napkin ay binabanggit na ni Gardo kay Ivy ang paghanga ng aktor.

Sayang nga lang at hindi akma ang pagkakataon ngayon para magkatrabaho sina Gardo at Maricar sa telebisyon.

AMAYA. PEP confirmed with Gardo na ang bubuksang teleseryeng Amaya ng GMA-7 ang dahilan ng schedule conflict ng aktor para sa panibagong assignment sana niya sa Kapamilya network.

Gayunman, tinatanggap ni Gardo nang maluwag sa kalooban ang mga bagong pangyayari. Katunayan, puspusan na siyang nagsasanay para sa action routines sa gagawing epicserye, kung saan gagampanan niya ang papel ng isang datu o chieftain sa Amaya, a period drama set during the pre-Hispanic times.

Si Marian Rivera ang lead actress sa Amaya, na makakapareha nina Sid Lucero at ng baguhang discovery named Mikael Daez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN