Ramon Revilla Sr. turns 84; honored with 10-meter bronze statue and his own museum

Ramon Revilla Sr. wept while he thanked his friends and family who attended his 84th birthday celebration last Tuesday, March 8.


Ipinagdiwang ng dating action star at senador na si Ramon Revilla Sr. ang ang kanyang ika-84 na karaawan noong Martes, March 8, sa Revilla residence sa Bacoor, Cavite.



Ayon sa report ng ABS-CBN News, dumalo sa pagdiriwang ang pamilya at mga kaibigan ni Revilla Sr.



Kabilang sa mga naglalakihang pangalan na dumalo sa selebrasyon ay ang mga dating Pangulong sina Joseph "Erap" Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.



Naging emosyunal si Revilla Sr. noong unveiling ng isang 10-meter bronze statue ng dating action star.



Tampok din ang pagbubukas ng Memo Revilla, isang museo kung saan makikita ang mga lumang larawan at memorabilia mula sa mahigit 50 taon ni Revilla Sr. sa showbiz.



Naluluha si Revilla Sr. habang nagpapasalamat sa mga tagasuporta niya.



"Wala na akong mahihiling pa kundi pahiramin na lang ako ng Poong Maykapal para ako'y makapaglingkod pa sa kapwa ko at sa mga kababayan ko.



"Nandito kayong lahat, alam kong mahal ninyo ako. Wala akong masasabi kundi mahal ko kayo, salamat, salamat sa inyong lahat sa pakikipagdiwang ng aking 84th [birth]day.



"Ang luhang pumapatak sa akin, iyan ay kaligayahan at hindi galit. Sobra, sobrang sorpresa, hindi ko akalain na ma-recollect nila lahat 'yon para ipakita sa akin. Talagang it's a big surprise of my life," pahayag ni Revilla Sr.



Nagsimula sa showbiz si Ramon Revilla Sr. noong 1951. Nakilala siya sa ilang classic Filipino action films, tulad ng Nardong Putik: Kilabot ng Cavite, Pepeng Agimat: Sa Daigdig ng Kababalaghan, at Hulihin si Tiagong Akyat.



Ang pamilya Revilla ay isa sa mga malalaking pamilya sa showbiz. Ilan sa mga kasali sa pamilyang ito na aktibo sa showbiz ay ang action star at senador na si Ramon "Bong" Revilla, at ang mga anak niyang sina Jolo, Bryan, at Luigi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN