Former Miss International Precious Lara Quigaman renews relationship with Binibining Pilipinas Charities, Inc.

"Nakita ko na yung iba sa kanila sa screening pa lang. Pero ang dami talagang magaganda. Narinig ko na rin silang magsalita, lalo na yung mga napili as official candidates. So, hopefully, may mga winners pa rin tayo [na] international," says Precious Lara Quigaman about this year's Binibining Pilipinas candidates.


Nagkaayos na ang 2005 Miss International na si Precious Lara Quigaman at ang founder ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) na si Mrs. Stella Marquez-Araneta.

Patunay nito ang pagdalo ni Lara sa press presentation ng mga kandidata sa Binibining Pilipinas 2011 na ginanap noong Martes, March 8, sa Sofitel Hotel.

May ilang taon din kasing hindi naimbitahan sa anumang activities ng Binibining Pilipinas si Lara dahil sa pagbuo niya ng Turismo Filipina, isang nationwide search for a beauty queen.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Lara after the presentation, tinanong namin siya kung sa palagay niya ay naintindihan na ni Mrs. Araneta ang layunin niya sa pagbuo ng sarili niyang beauty search kaya siya naimbitahan uli sa Binibining Pilipinas?

"I believe so," nakangiting sagot ni Lara. "Kasi kung magkakaroon kami ng Turismo Filipina, hindi na siya magagalit sa amin. And matagal na rin kasi since yung last time na nag-organize kami no'n, two years ago na."

Tuluyan na bang nawala ang Tursimo Filipina?

"Hindi naman sa nawala, it's still there. Turismo Filipina will always be there. Kaya lang, wala lang talagang time. Siguro naghihintay lang kami ng tamang time para simulan uli yun," paliwanag niya,

THE CANDIDATES. Nagpahayag naman si Lara ng kanyang pagkabilib sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas this year.

"Nakita ko na yung iba sa kanila sa screening pa lang. Pero ang dami talagang magaganda. Narinig ko na rin silang magsalita, lalo na yung mga napili as official candidates. So, hopefully, may mga winners pa rin tayo [na] international," asam niya.

May kakaibang reaksiyon sa mukha ni Lara nang makita ang atmosphere sa loob ng ballroom at ang pagrampa ng mga kandidata sa entablado sa harap ng media.

"Nakakainggit nga kasi laging ang sarap lumaban. Parang ngayon, nararamdaman ko na tumatanda na ako, kasi... Yun, yung lang!" pinutol niya ang sasabihin 'tsaka ngumiti na parang may pinigil siyang opinyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May partisipasyon ba siya sa paghubog ng mga kandidata gaya ng coaching sa mga ito kung paano dalhin ang sarili nila sa harap ng mga tao at sa entablado?

"Nagti-train ako, pero ngayon kasi laging busy, e. Pero sinasabihan ko naman sila kung paano maglakad. More on encouragement sa mga girls," ani Lara.

Pagdating naman sa pagdadaanang buhay ng mga kandidata bago ang coronation night, inaasahan na ni Lara kung may susulpot mang awayan sa pagitan ng mga candidate dahil natural na raw 'yon sa kumpetisyon.

"Madami 'yan, hindi nawawala 'yang mga ganyang alitan," sabi niya. "Sa pageant naman, may mga gano'n. Basta huwag mo lang silang papansinin.

"Ikaw, gagawin mo yung part mo, gagawin mo kung ano yung tama. Kasi kung papansinin mo pa sila, baka maapektuhan, masira pa yung focus mo sa ginagawa mo."

Samantala, nagbigay naman ng kanyang saloobin si Lara sa pagkawala ng Bb. Pilipinas-World sa kuwadra ng BPCI.

"Oo nga, e, nakakalungkot, especially yung mga Bb. Pilipinas-World [winners] natin, nalulungkot sila dahil hindi na part ng Binibini. Pero meron pa rin naming Miss Philippines-World and we still have Miss Universe, Miss International. Yun naman ang importante," saad ng beauty queen-actress.

ACTING CAREER. Sa ngayon, mukhang kinakarir na talaga ni Lara ang pag-aartista. Kasama siya sa cast ng primetime fantasy series ng ABS-CBN na Mutya. Galing nga raw siya sa taping ng nasabing serye bago tumuloy sa press presentation ng 40 candidates ng Binibining Pilipinas 2011.

Marami ang naniniwalang dapat ay ma-expose muna sa showbiz ang isang kandidatang lalaban sa international beauty pageant para mas malaki ang tsansa nitong mapansin. Magandang training daw kasi ang pag-aartista para magkaroon ng self-confidence ang isang kandidata na kakatawan sa bansa.

"It's not necessary," opinyon ni Lara. "Hindi mo masasabi na porke nag-showbiz ka o hindi ka nag-showbiz, mas magiging better ka sa pageant. Iba talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan may advantage, minsan may disadvantage. Pero not necessarily na kailangang mag-artista ka muna, o pumasok ka muna sa showbiz para maka-gain ka ng confidence. You can get that somewhere else.

"Basta maniwala sila sa sarili na kaya nila. Halimbawa, mas maganda itong katabi nila, okey lang. Kasi ako, gano'n ako no'ng lumalaban ako. Pag alam ko namang mas maganda, mas sexy, iisipin ko, 'Ano bang mas ikakagaling ko dito?'

"Pag confident ka, alam mo sa sarili mo na kaya mo ito kahit mas maganda yung iba, mas matalino yung iba. Nakikita yun when you walk, when you talk."

Naniniwala ba siya sa suwerte?

"I believe in the will of God. Everything happens for a reason not because of coincidence," sabi niya.

ENGAGEMENT. Nang matanong naman tungkol sa nababalitang kasal nila ng aktor na si Marco Alcaraz, hindi naman ito itinanggi ni Lara.

"Wala pang details, pero next year pa yun. Inaayos pa lang namin. Pero yung sister ko, magpapakasal pa lang ngayon. Yung date, pinag-iisipan pa lang namin na baka October.

"Tuloy pa rin yung plano naming beach wedding, pero hindi pa kami nakakapag-decide kung saan," banggit niya.

Wala pang maibigay na ibang detalye si Lara sa kasal dahil hindi pa raw nila inuupuan ni Marco ang tungkol dito.

"Wala pa talaga. Inaayos pa lang namin lahat kasi next year pa naman, October 2012. Mahabang-mahabang preparasyon talaga yung pinili namin para mas maayos lahat.

"Yung maid of honor ko, yung sister ko atsaka yung best friend ko. Yung venue, dito sa Pilipinas, hindi sa abroad. Pero hindi siya talaga magastos na wedding," diin niya.

Dagdag ni Lara, "Yung sa gown naman, nagde-decide pa ako."

LIVE-IN ISSUE. Na-blind item sina Lara at si Marco na nagli-live in na raw sila dahil hindi nila kayang mahintay pa ang kanilang wedding. Pero itinanggi agad ito ng beauty queen-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa, iiyak ang nanay ko, gustuhin ko man!" tawa niya.

Pero kung may choice siya, gusto ba niya munang makipag-live in?

"Well, masaya kung lagi kaming magkasama, not because gusto kong mag-live in, pero gusto kong makasama siya palagi. Pero hindi lang tama," sabi ni Lara.

Hindi naniniwala si Lara na mas magkakakilanlan ang magkasintahan kung magsasama sila sa iisang bubong.

"Maraming nagsasabing gano'n, pero it works sa iba't ibang tao. Depende talaga sa couples kung magwu-work pa rin. Pero kung puwede...siguro."

CONTRACEPTIVES. Gaya ni Lea Salonga, may opinion din si Lara sa nabalitang kinakailangan pang humingi ng reseta ang sinuman sa barangay ng Ayala, Alabang para makabili ng condom o contraceptive pills.

"Yun yung bawal bumili kung walang prescription, di ba? I disagree. I think the people have the right to decide whether they want to use it or not. Kasi sila naman yung gagamit, e, it's not anyone else.

"It's okey to make the people aware of it. Pero to impose not to use or to use, it should not be. They should be allowed to decide for themselves," seryoso niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN