Agot Isidro not giving up singing in favor of acting, but "kasi ngayon, mas gusto nila yung mas bata"

"Alam niya that this is her first, kumbaga, starring role niya, e. Siya yung Elisa, siya yung title role. So, you can see that she really tries very hard," says Agot Isidro about Nasaan Ka Elisa? co-star Melissa Ricks.


Isang "perfect mom and wife" ang ginagampanang papel ni Agot Isidro sa bagong afternoon soap ng ABS-CBN, Nasaan Ka Elisa?.

Marami nang nagawang soaps si Agot sa bakuran ng Kapamilya network, kabilang na ang di malilimutan niyang pagganap sa Tayong Dalawa. Kaya sa press preview ng Nasaan Ka Elisa? noong Martes, March 9, ay tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung may challenge pa ba sa kanya ang bagong character na ginagampanan niya.

"Oo naman," nakangiting sagot ni Agot. "Iba 'to, may twist ang character. Siyempre, hindi pa lang ipinapalabas kasi first three days pa lang yata yung napanood n'yo. Pero eventually, yung character ko, may development siya, kakaiba rin.

"Pero siyempre, hindi ko puwedeng sabihin kung ano yun. Basta lahat naman kami, may mga sikretong ilalabas na later on. Parang ganoon...as you go along."

Ang Nasaan Ka Elisa? ay Pinoy remake ng isang drama series na nagmula sa Puerto Rico at ginawan ng iba't ibang versions sa maraming bansa. Pero ayon kay Agot, ang napanood niya lang daw ay ang Mexican version.

"Iba rin siya. Ibang flavor. Ibang acting na nangyayari. So, ito, in-adapt talaga for the Filipino audience," sabi ng singer-actress.

WORKING WITH MELISSA. Si Melissa Ricks ang pangunahing bida ng Nasaan Ka Elisa?. Mag-ina ang ginagampanang roles nina Agot at Melissa sa serye.

Hindi ito ang unang pagsasama nina Agot at Melissa na sa isang serye.

"This is my third time working with her," sabi ng singer-actress. "The first time was Pedro Penduko. Bagets na bagets pa siya noon. Even yung demeanor, yung acting niya. Siyempre, hindi pa masyadong gano'n.

"Pero second time, sa Tanging Yaman, parang anak ko na siya do'n. May improvement na, pero goody-goody pa rin.

"But this time, medyo challenge sa kanya at challenge din sa akin kasi lumaki na sa akin ang batang 'yan. Nakita ko siya from the very start until now. So, parang sinasabi ko sa kanya, 'Melissa, okay ka lang?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya sa ipinapakita ni Melissa ngayon sa launching project nito?

"Okay siya. She works hard," sabi ni Agot. "Alam niya that this is her first, kumbaga, starring role niya, e. Siya yung Elisa, siya yung title role. So, you can see that she really tries very hard.

"Maano pa rin, maayos siyang umarte. Although, siyempre, hindi natural sa kanya yung character niya ngayon kaya nakikita ko ang struggle. But when you see her naman onscreen, okay."

SINGING CAREER. Sunud-sunod ang TV assignments ni Agot, at nag-e-enjoy naman daw siya rito.

"Oo, e. Sa TV, talagang dire-diretso na ang trabaho sa pag-arte. Okay naman lahat ng mga nagiging shows ko. Naniniwala naman ako na... I mean, part of it, luck 'yan, e. Suwertihan talaga. But the big part also is, trabaho. I mean, magtatrabaho ka talaga."

Mas naunang nakilala si Agot as singer. Pero tila hindi na niya napagtutuunan ng pansin ang kanyang singing career.

"Yung singing nga ang hindi ko na nagagawa, pero okay lang," sambit niya. "Marami na rin kasing singers na iba. Mahirap din to penetrate the market, kasi ngayon, mas gusto nila yung mas bata."

"Mas bata talaga? In-accept ko talaga?" natatawa niyang sabi.

Is she giving up her singing career?

"Hindi naman," sagot ni Agot. "Kapag meron pa ring mga gigs na kunwari, maganda, anything that will require me to sing, okay sa akin, gagawin ko talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN