Arci Muñoz shifts from kontrabida to bida in her first lead role on primetime drama

"Not at all kasi dito may malaking opportunity na in-offer sa akin. But I have nothing against GMA kasi hindi naman ako nawalan ng show with them. Doon ako nakilala as kontrabida. Doon ako nag-start sa StarStruck. And everything I do, I believe that everything happens for a reason. But there is a reason, you just don't know why. You just don't know what. I don't regret anything," says Arci Muñoz about her transfer to TV5 from GMA-7.


Itinuturing ni Arci Muñoz na isa sa malaking blessings na natanggap niya ngayong taon ang pagkakasama niya sa cast ng bagong primetime series ng TV5, Nagbabagang Bulaklak.

Ito kasi ang unang pagkakataon na gaganap siyang pangunahing bida sa isang drama series. Aminado si Arci na malaking challenge para sa kanya ang mag-shift mula sa pagiging kontrabida sa pagiging bida.

"Sa tagal kong kontrabida for five years, gamay ko pa din yung kontrabida," sabi niya sa pocket press conference ng Nagbabagang Bulaklak sa Katre restaurant sa Timog Ave., Quezon City, noong Miyerkules, Marso 9.

Kasamang humarap ni Arci sa pocket presscon ang Star Factor finalist na si Ritz Azul, na gaganap na kapatid niya.

Dagdag niya, "Pinaka-challenge, heaviest. Hindi lang sa sudden change of character. Sobrang sanay kasi ako to be a kontrabida. So, yung pagkakaiba ng pagiging kontrabida at bida, ang hirap talaga.

"Sabi ko, 'Okay. I'm a full-fledged artista so I can do anything.' Kasi I wanna explore. Hindi naman ako puwedeng ma-stuck lang sa kontrabida. It's time to prove them wrong na hindi lang ako pangkontrabida, I can do bida. And I'm gonna be good at it!"

Passion daw kasi talaga ni Arci ang pag-arte.

"Nae-enjoy ko kasi yung challenge. Pag nasa bahay ako, nagpra-practice ako in front of the mirror then it just comes out naturally. Organic, e.

"Ayaw ko kasi na on the set I'm gonna be another person. Yung character ko, iba. So, sa bahay pa lang, nagpe-prepare na ako para sa pag-alis si Dahlia na ako, hindi na ako si Arci," sabi niya tungkol sa kanyang character.

Isa ring estudyante ng Theater Arts si Arci sa University of the Philippines, Diliman.

DARING ROLE. Sa Nagbabagang Bulaklak ay gagampanan ni Arci ang papel bilang Dahlia.

"Probinsiyana...dreaming to become an artista and sikat na dancer. Inosente siya," paglalarawan ni Arci sa kanyang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero marami-rami rin daw siyang magiging kissing scenes, kasama na ang kissing scene nila sa batis ng co-star niyang si Victor Basa.

"First time niya [Dahlia] na maranasan yung ganun na ma-in love. Hindi naman wild yung ma-in love," paliwanag ni Arci nang tanungin kung paano naging inosente ang role niya gayong marami pala siyang kissing scenes.

Wala rin daw dapat na ikabahala ang real-life girlfriend ni Victor na si Divine Lee, isang real-estate heiress, sa kissing scenes nilang dalawa.

"Wala naman. Unang-una, nag-boyfriend ka ng artista, that's part of being an artista, if ever," sabi ni Arci.

Hindi rin daw malaking isyu sa pamilya ng young actress ang kissing scenes.

"Me, my parents, they understand that now, kasi before hindi, e. They are very strict and my family is very conservative. Before, hindi nila naiintindihan 'yan na pag artista ka, kailangan mong gawin yun.

"But now, they are starting to accept the fact on the kissing scene and a little bit of sexiness," sabi ni Arci.

Malaki rin ang pasasalamat ni Arci sa direktor ng Nagbabagang Bulaklak na si Jon Red para maging madali sa kanya ang mga naturang eksena.

"Una, sinabi sa amin ni Direk Jon na, 'O, you will be doing a kissing scene. Kailangan kilala n'yo yung isa't isa, dapat kumportable kayo sa isa't isa.' Napakalaking help nila Direk kasi they are helping us with the kissing scenes.

"I also have a rape scene. Andun siya lagi to guide me. Lagi niya sinasabi sa akin na, 'Hindi ito bastos, ha, at hindi ko naman hahayaan na ganun, e,'" kuwento ng 22-year-old actress.

Wala raw problema kay Arci ang paggawa ng maseselang eksena.

"Ako naman, if the character requires me to do it, okay lang basta 'wag lang ma-violate. Ayaw ko naman magmukhang bastos. Gusto ko yung image ko, I maintain the image na sophisticated.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi mo naman kailangan mag-bold para maging sexy, parang 'yon yung gusto ko i-portray sa kanila. Parang ito ako. This is what I can give and paano mo ipakita yung sarili mo sa harap ng maraming tao," pahayag niya.

BB. PILIPINAS. Napag-usapan din ang balak ni Arci na sumali sa Binibining Pilipinas.

"Hindi na nga natutuloy kasi, unang-una, I don't wanna join half-baked. Kasi, if I will join, I want to bring home the crown. Pangalawa, hindi ko naman matatanggihan yung ganito kalaking oportunidad," paliwanag niya.

Para sa kanya, ngayon ang tamang panahon para maisakatuparan ang dream niyang ito.

"Pero kasi when you are old, it is better to join when you are young. Okay lang din na hindi ako sumali nung bata pa ako kasi hindi pa ako hinog, e. Pero kung sasali ka, 20, 21, medyo mature na yung utak mo. Pag-aaralan mo na lang.

"Pero gusto ko talaga, e. Pero dahil nag-sign na ako ng contract sa TV5, si Tita [Annabelle Rama, her manager], sabi naman niya, puwede ako magpaalam."

Ano ba ang rason at gustung-gusto niyang sumali sa Binibining Pilipinas?

"Simula nung bata ako, dream ko na 'to. Another chapter ng buhay ko na when I'm older masasabi ko sa magiging mga apo ko, 'Beauty queen ang lola mo dati!'" sagot nito.

CAREER OVER LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife ni Arci?

"Single but not ready to mingle!" bulalas nito.

Iisa pa lang daw ang naging boyfriend niya. Ito ay ang lead vocalist ng bandang Callalily na si Kean Cipriano.

Ayon kay Arci, sa ngayon ay ayaw niya munang pumasok ulit sa isang relasyon dahil na rin sa career.

"Kasi sayang, e. Binigyan ako ng magandang oportunidad. Mahirap talaga pagsabayin ang lovelife at saka career. Career muna, puwede ko naman ipagpaliban ang lovelife, bata pa naman ako," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa din sa naging kundisyon ni Arci kung papasok siya sa isang relasyon na hindi taga-showbiz ang magiging boyfriend niya.

"But rock star, okay lang!" biro nito.

Ano ba ang rason?

"Hirap, e, pag showbiz. Maraming temptations lalo na pag partner mo showbiz. Pareho niyang alam yung ganun. You're gonna be both busy, hindi na kayo magkikita. Kasi sobrang importante yung time sa relationship," paliwanag ni Arci.

Before the presscon ay inabutan ng bouquet of flowers si Arci. Sa simula ay ayaw sabihin ng dalaga kung sino ang nagbigay sa kanya nito.

Pero matapos ang interview ay muli siyang tinanong ng PEP kung kanino galing ang mga bulaklak. Ngumiti si Arci at sinabi na hindi niya ito kilala.

After a few attempts, nadulas ang aktres at nakapagbigay siya ng mga clue. Matagal na raw silang magkaibigan nito at nakasama niya ito noon sa GMA-7 afternoon soap na Ngayon at Kailanman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN