(UPDATED) Comedienne Ethel Booba almost set condo unit on fire during an angry outburst; no arson case will be filed

Former Extra Challenge host and Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate Ethel Booba is facing arson raps after setting her lampshade on fire out of anger inside a condominium unit earlier today, March 11.


Nahaharap sa kasong arson ang sexy comedienne na si Ethel Booba matapos nitong sunugin ang sariling kasangkapan sa loob ng kanyang inuupahang unit na nasa ika-walong palapag ng Prince June Condominium sa Tomas Morato, Quezon City.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, isinulat ni Ethel ang salitang "fu** you" sa pader ng tinutuluyang unit bago ibinaling ang atensiyon sa isang lamp shade atsaka sinilaban kaninang madaling araw, March 11.

Mabuti na lang daw at gumana ang water sprinkler na naka-install sa unit kaya agarang naapula ang sunog at naiwasan ang tuluyang pagkalat nito.

Sinabi ng 34-year-old comedienne na matinding galit ang nagtulak sa kanya para gawin ang insidente matapos niyang madiskubre na bakla pala ang kanyang non-showbiz Norwegian boyfriend.

Tumanggi naman si Ethel na sumama sa mga pulis nang imbitahan siya sa presinto para lubos na makapagpaliwanag.

Ilan sa mga programa kung saan napanood si Ethel ay ang mga sumusunod: Extra Challenge (2003), Komiks (2006), Ysabella (2007), Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 (2007), Talentadong Pinoy (2009), at Showtime (2011).

Nakilala rin si Ethel noon bilang kasintahan ng ex-PBA player na si Alex Crisano.

LATEST UPDATE. Ayon sa pinakahuling ulat, hindi raw magsasampa ng kaso ang building administrator ng condo unit na muntik nang sunugin ni Ethel.

Sabi ni Violy Rivera ng Prince Jun Hotel, lilisanin na raw ng komedyana ang condo unit at babayaran nito ang damages sa condo unit niya sa 8th floor.

Ang board of directors daw ng building ang nagsabi kay Ethel na umalis, at pinayagan lang siyang umakyat upang kunin ang kanyang mga gamit. Hindi na raw pinayagan ang comedienne na manatili o matulog sa condo unit dahil nabulabog daw ang ibang residente ng building.

Inamin ni Rivera na kinunsidera niyang sampahan ng arson case si Ethel pero nagbago ang isip niya nang makausap niya ito. Sinabi pa niya na tila "depressed" ang komedyana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN