Jake Cuenca declines to give details about his character in drama series, Green Rose, but opens up on his relationship with Melissa Ricks

Understandable na hindi pabor si Jake Cuenca na ma-reveal ang mga huling eksena niya sa Green Rose para ma-sorpresa ang manonood na excited na nag-aabang sa bawat episode ng primetime drama series sa ABS-CBN.


May matinding trahedyang magaganap sa buhay ng karakter na ginagampanan ni Jake Cuenca, bilang ang tusong business executive na si Edward Fuentebella, sa ongoing teleserye ng ABS-CBN, ang Green Rose. Makapanindig-balahibo ang comeuppance ni Edward, na ikagugulat ng televiewers.

Noong Lunes ng gabi, March 7, kinunan ang naturang eksena ni Jake, sa World Trade Expo Building, sa Binondo, Manila (at may pagpapatuloy 'yon, bilang huling taping, this Monday, March 14, ayon sa taga-produksiyon).

Understandable na hindi pabor si Jake na ma-reveal ang mga huling eksena niya sa teleserye para ma-sorpresa pa ang manonood na excited na nag-aabang sa bawat episode ng primetime drama series.

ON MELISSA RICKS. Pero sa usapang personal, tungkol sa estado ng relasyon nila ng young actress na si Melissa Ricks, at iba pang sensitibong isyu sa buhay niya ay "game" si Jake Cuenca.

"Yeah, okey kami! Okay!" simula ni Jake tungkol sa actress-girlfriend, sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"May ginagawa siya ngayon, Nasaan Si Elisa, ipalalabas next week. Siya si Elisa. Ang ganda! Sexy, drama-thriller."

Dahil may pagka-sexy ang plot, at ang mga eksena ng girlfriend, maiisip na posibleng magka-problema si Melissa sa paghingi ng pahintulot sa kanyang boyfriend.

Agad namang itinanggi ito ni Jake sa PEP interview. "No, no... walang problema... ano lang naman, [trabaho]..."

At sa hiwalay na interview kay Melissa Ricks, aired on SNN (Showbiz News Ngayon) last Wednesday, March 9, sinagot ng bagong teleserye female lead ang naging usapan na diumano'y pinag-awayan nila ni Jake ang pagsabak niya sa daring role.

"Ah, hindi. Kasi, sobrang suportado niya ako dito and, sabi niya, [to] just do my best and [not to] worry about anything," sabi ni Melissa. "Yun ang importante; gagawin ko lang yung gusto kong mangyari. Natural [na] nag-aaway kami, pero... sabi niya, 'Go lang nang go!'"

Samantala, payag ba si Jake na magka-trabaho din sila ni Melissa, either sa telebisyon o sa pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tingnan natin. Pero, okey na rin na may sarili kaming landas pagdating sa trabaho," sabi pa ng binatang aktor. "At least, nakahiwalay ang personal at ang trabaho. Maganda rin 'yun. Nagtatawagan, o [nagko-communicate] sa text, di ba?"

Ano ang traits ni Melissa Ricks na dahilan para hindi niya ito iwanan, o magkahiwalayan?

"Mabait siya. Sobrang bait. Wala akong problema [sa kanya]; not at all," sagot ni Jake.

Mabait rin ba si Jake kay Melissa?

Natawa muna si Jake pagkarinig sa tanong, at sumagot ng, "Mabait 'yon..."

FLINGS. Bukod kay Roxanne Guinoo, na may iba nang ka-relasyon at nagka-baby na, may iba pang mga babaeng na-link, romantically, kay Jake Cuenca. Call it one-night stand, fleeting relationship, fling, whatever, nabanggit ang mga ito ugnay sa aktor.

"Ah, aminado ako, [but] I don't really want to talk about my past relationships," wika rin ng aktor. "Kumbaga, sa nakaraan ko noon... at kung anuman ang ngayon, e, yun na yun! Di ba?

"Natuto na lang ako sa mga pagkukulang ko; sa mga pagkakamali ko. Yun na yun! Ayoko nang pag-usapan," seryosong sabi pa ni Jake.

At nakatulong 'yon para mag-mature ang binata. "Oo naman. Definitely. Totoo," pag-amin din ni Jake.

NASTY RUMORS. "Tsismis?" tanong agad ni Jake, nang madako ang usapan hinggil sa mga pag-uulat, in print o broadcast, na di man direktang binabanggit ang pangalan niya'y may "hints" na diumano'y involved siya, bilang showbiz personality, sa isang gay, or, worse, he's being pimped to gays and matrons.

"Trabaho nila 'yan. Lahat tayo, ginagawa natin ang trabaho natin sa industriya," pag-intindi ng aktor. "So, kung may nasulat mang hindi maganda sa akin, kasama sa trabaho 'yon. Matangal ko nang tinanggap'yan; matagal ko nang alam. Kumbaga, may lalabas at lalabas na... kung totoo man, 'di toto. Kung hindi totoo, hindi ko pinaniniwalaan.

"Sa akin, nagpapasalamat din ako sa press, kasi napapansin nila ako. Pero, lahat naman tayo, may kanya-kanya tayong trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang sa akin. Tulad ng sabi ko, basta alam ko yung totoo, okey na ako doon. Kanya-kanya tayo ng trabaho. 'Wag lang madamay ang pamilya ko; mga taong mahal ko," sabi rin ni Jake.

FAMILY. Sa pamilya nila ay pangalawa sa tatlong magkakapatid si Jake, 23. Ang eldest nila, si Rufo, ay 29 years old. Ang youngest, si Bea, ay 9 years old.

Hindi niya gustong mag-artista ang bunsong kapatid.

"Siguro, pag nasa tamang edad na siya. Pero, sa ngayon, mag-aral muna siya. Ako rin ang nagbabayad ng schooling niya. So, mag-aral muna siya nang mabuti.

"I'm blessed and I'm thankful," pagpapasalamat niya. "Hindi ako nakatapos; hindi rin ako nag-college after high school. [Or] tingnan natin. Sa ngayon mahirap [magtuloy sa pag-aaral, kasi yung schedule, lalo sa araw-araw. Mahirap mag-balanse ng dalawang bagay."

He talked about his parents: "They're good, nandito sila. Magkasama sila. My dad is an entrepreneur; mom is a housewife," na si Jake din ang nag-aalaga. "My parents, they have their own thing. But, siyempre, I do my part, tumutulong din ako sa kanila."

Ang eldest nila, Jake's brother, Rufo, "Ano siya, executive assistant ni Ian King, may-ari ng Victoria Court," pag-inform din ni Jake.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN