Joko Diaz recalls last meeting with his father, the legendary Paquito Diaz

May kakatwang kuwento ang maybahay ni Mang Paquito na si Gng. Nena Diaz: "Sabi ng Papa [nila], 'Merong lalaki dito sa tabi ko!' sabi niyang ganun, 'Parang niyayaya niya ako.' Sabi ng anak ko, 'Papa kung gusto mong sumama, sumama ka na para masaya ka na. Huwag mo nang alalahanin si Mama kasi kami na ang bahala sa kanya,'" salaysay ni Gng. Diaz.

Pumanaw si Paquito Diaz nitong March 3. He was 73.


Sariwang-sariwa pa sa alaala ni Joko Diaz ang huli nilang pagkikita ng amang si Paquito Diaz bago ito nalagutan ng hininga nitong March 3.

"Well nasa ospital siya nung time na nagpaalam ako sa kanya.

"Sabi ko kung anuman ang mangyari... uuwi muna ako, sabi ko, 'Magpapaalam ako sa 'yo, basta tandaan mo mahal kita. Babalikan ba kita?'

"Nag-thumbs up siya," kuwento ni Joko sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX.

Nguni't may kakatwang kuwento ang maybahay ni Mang Paquito na si Gng. Nena Diaz ng mga sandaling iyon.

"Tingin siya nang tingin sa side, ewan ko kung anong tinitingnan niya. Sabi ni Joanna, yung anak ko, 'Papa bakit ka tingin nang tingin diyan?'

"Na parang may kinakausap siya.

"Sabi ng Papa niya, 'Merong lalaki dito sa tabi ko!' sabi niyang ganun, 'Parang niyayaya niya ako.'

"Sabi ng anak ko, 'Papa kung gusto mong sumama, sumama ka na para masaya ka na. Huwag mo nang alalahanin si Mama kasi kami na ang bahala sa kanya,'" salaysay naman ni Gng. Diaz.

Sinabi naman ni Joko na...

"The thing that I will miss most is yung mga payo niya, na mahalin mo ang mga kaibigan mo dahil kaibigan mo ang kayamanan mo."

Joko's ex-girlfriend Angelu de Leon was present at the wake kasama ang anak nilang si Nicole. Nakilala rin ng mag-ina ang kasalukuyang pamilya ni Joko.

"Naging pamilya ko sila at pamilya pa sila ng anak ko so I just wanted to pay my last respects to a good man. And siyempre, for my daughter also to know her other half.

"Sabi ko nga, sad that they had to meet for the first time this way," says Angelu.

"Yung wife ko understands everything na nangyari sa akin sa past. Natutuwa nga ako, alam mo yun na everything is okay. I even introduced them," ang sabi naman ni Joko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, may plano nga bang gawan ng tribute si Mang Paquito ng pamilya via movie?

"I believe that the Filipino people would like to see his life story; it's a tribute to Dad, his last hurrah for his fans," pahayag naman ng anak ni Mang Paquito na si Cheska.

"Well, the family will talk about it first so hindi ko pa masasabi kung tuloy or hindi. Pag-uusapan muna naming pamilya," ang huling binitiwang pahayag ni Joko.

Umaga nitong nakaraang Huwebes (March 10) nang inilagak ang labi ni Mang Paquito sa Manila Memorial Park sa Sucat, ParaƱaque City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN