Star Power winner Angeline Quinto says there's no rivalry between her and former competitor Sarah Geronimo

In 2002, Angeline Quinto (mian photo) was one of the finalists in the talent show Star For A Night. She lost out to Sarah Geronimo (inset), who is now acclaimed as the Pop Princess. Almost nine years later, Angeline tried her luck once more to join a televised singing contest via Star Power. This time, her efforts paid off when she was declared the winner.


Ang Star Power grand champion na si Angeline Quinto ang naka-one-on-one ni KC Concepcion sa segment nito sa The Buzz kahapon, March 13. Si KC ang gumanap kay Angeline sa life story nito na itinampok sa Maalaala Mo Kaya noong Sabado, March 12.

Bago ang interview, ipinalabas muna ang interview sa kinikilalang ina ni Angeline na si Sylvia Quinto.

Ikinuwento nito kung paano niya inampon si Angeline sa kanyang pamangkin na siyang tunay na ina ng singer. Hindi pa raw nakikita ni Angeline ang kanyang biological mother.

Ikinuwento rin ni Sylvia na muntik nang mag-give up si Angeline sa pagkanta nang matalo ito ni Sarah Geronimo sa Star For A Night, ang singing competition ng Viva Entertainment hosted by Regine Velasquez na ipinalabas sa IBC-13 noong 2002.

Dahil sa pagkatalo niya ay naging tampulan daw ng tukso si Angeline. Pero kinalaunan ay ipinagpatuloy ni Angeline na matupad ang pangarap niyang maging singer.

REGINE AS HER IDOL. Si Regine daw ang inspirasyon ni Angeline sa pagkanta, pati ang paraan ng training nito na inilulubog sa tubig ay ginawa rin daw niya.

Pero paliwanag ni Angeline, "Hindi naman po kasi katulad ng kay Ms. Regine Velasquez para gumanda ang boses. Bale bata pa lang po ako, mahilig na po akong maligo sa labas ng bahay namin.

"May drum po kasi sa labas ng bahay namin, tapos doon po ako pinapaliguan ng nanay ko. Sa sobrang dami ng taong nakakakita, kumakanta-kanta lang po ako do'n. Pero hindi katulad ng kay Ms. Regine sa dagat."

Kuwento pa niya, hindi raw talaga para tumaas ang boses niya ang dahilan ng paliligo niya sa drum. Ayaw lang daw kasi niyang maligo sa loob ng banyo.

Ang kuya raw ni Angeline ang palaging nanunukso sa kanya kapag natatalo sa mga sinasalihang competition. Sinabihan pa raw nito si Angeline na "pang-fiesta-fiesta" lang ang boses niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ang tanong ni KC, totoo ba na nagkaroon sila ng tampuhan ng kuya niya noon?

Hindi naman niya ito itinanggi. Ani Angeline, "Opo, kasi nangyari po talaga yun after ng Star For A Night. Parang nagulat din po kasi ako kasi nag-iba siya sa akin. Parang hindi na po siya katulad dati na sweet sa akin, bihira na lang din po kaming mag-usap."

Taon din daw ang itinagal ng tampuhan nila ng kuya niya hanggang sa sumali siya sa Star Power, ang singing contest hosted by Sharon Cuneta.

"Ngayon, okay na po kami kasi nanalo na 'ko!" natatawang sabi ni Angeline.

Sila raw ng tatay niya ay okay na rin.

"Kami po ni Papa, okay na rin po kami. At sobrang proud po sa akin ang Papa ko kasi, nanalo na rin po ako."

Ang Mama Sylvia naman daw niya ang kasama niya sa nilipatan niyang condo unit.

"Masayang-masaya po kami ngayon kasi kasama ko po si Mama sa condo na nilipatan ko, malapit po rito sa ABS. Kasama ko po ang Mama ko ngayon at saka ako ang nag-aalaga po sa kanya."

RIVALRY WITH SARAH. Since si Sarah Geronimo ang nakatalo sa kanya noon sa Star For A Night, may nagkukumpara na sa kanila ngayong nanalo na si Angeline sa Star Power.

May kumpetisyon ba sa kanilang dalawa?

"Wala naman po, sobrang wala," sagot ni Angeline. "Kasi si Sarah Geronimo po, isa rin po sa mga naging inspirasyon ko 'yan sa Star Power.

"Sa Star For A Night po noon, nagkakasabay pa po kami sa taxi kapag pauwi na po kasi medyo malapit din po ang bahay namin."

Sa ASAP Rocks last week ay nagkaroon ng "face-off" sina Angeline at Sarah pagdating sa biritan. Ano ang naging pakiramdam niya?

"Natutuwa po ako kasi sobra rin po ang suporta sa akin ni Sarah. Atsaka sobrang naramdaman ko rin po ang pag-welcome niya sa akin sa ASAP Rocks kaya sobrang bow po ako kay Sarah talaga," sabi ng Star Power winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SARAH REACTS. Sa parte naman ni Sarah, agad nitong pinasubalian ang intrigang "threat" sa kanya si Angeline.

"Masama yung iniisip na threat. Hindi, e, hindi maganda yung ganoong ugali," sabi ng Pop Princess sa hiwalay na panayam sa kanya ng The Buzz.

Ayon pa kay Sarah, masaya siya sa tagumpay na nakamit ni Angeline na itinuturing din niyang kaibigan.

"Masayang-masaya ako for Angeline. Sabi ko nga sa kanya, 'Sa wakas!' Lalo na noong marinig ko yung istorya niya, yung nangyari, masakit sa akin na malaman na ganoon ang nangyari. At itong pagkapanalo niya, sobra akong natutuwa."

May inamin naman si Sarah sa naging duet nila ni Angeline sa ASAP Rocks last week.

"Nanginginig ang tuhod ko!" tawa niya. "Hindi kasi kami dapat kabahan. Pero alam mo naman, parang laging ganoon, parang pinagso-showdown, parang contest ulit. Sana hindi na ganoon sa susunod na production namin together para magawa na namin nang maayos."

In a way, ine-expect na raw ni Sarah na palagi silang makukumpara ni Angeline ngayon.

"Lahat naman tayo, may darating na mas okay, mas okay sa 'yo. Yun naman ang challenge do'n. Kailangan mong i-sustain kung ano ang meron ka at ipagdarasal mo rin kung ano yung plano sa 'yo ng Diyos. Healthy competition lang."

Sa gitna ng sinasabing pagkukumpara sa kanilang dalawa ngayon, humble pa rin si Sarah to say good things about Angeline.

"Ang masasabi ko lang, time talaga ni Angeline ngayon. Kailangan pangalagaan ko na lang kung ano ang meron ako," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN