Sara Duterte challenges Duterte non-believers to shave their heads

May 10, 2016
<p>Sebastian and Sara Duterte thank the supporters of their father, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, for their prayers and support. Duterte is now leading the presidential race and is expected to win.</p>

Ngayon pa lang ay nagdiriwang at nagpapasalamat na ang mga anak ni presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sina Sara at Sebastian dahil sa napipintong pagkapanalo ng kanilang ama.

Sa pinakahuling resulta ng unofficial and partial tally of votes, nangunguna pa rin si Duterte na mayroon nang higit 15 million votes as of 10 A.M. ngayong Martes, May 10.

Sinundan siya ni Liberal Party standard-bearer Mar Roxas na may higit 9 million votes at pumapangatlo si Sen. Grace Poe na may tinatayang higit sa 8.5 million votes.

Ibig sabihin, anim na milyon ang kalamangan ni Duterte kay Roxas at 90 percent na ng mga boto ang nabibilang.

Sa post ni dating Davao City Mayor Sara Duterte, hinamon niya ang mga nagduda noon sa kanyang ama na mananalo kapag tumakbo ito bilang pangulo.

October 2015 nang magpakalbo si Sara, gayundin ang kanyang mga kapatid at ilang tagasuporta bilang pagpapakita ng suporta sa presidential bid ni Duterte.

Continue reading below ↓

May mga bumatikos dito at sinabing sila ang magpapakalbo kapag nanalo si Duterte bilang presidente.

Ngayong umaga, nag-post si Sara sa Instagram ng larawan niya na nagpapakalbo.

Banat niya sa caption: “Sino yung nagsabi na magpa-kalbo sila kung manalo si Digong? It's your time to shine, kaya ninyo ‘yan.

“Konting kembot at todo dasal ako ngayon at parang feeling ko kalbo na kayo by next week.

“Kami noon, kayo na naman ngayon. Ganyan lang ang buhay.”

Pasasalamat naman ni Sara sa mga sumuporta sa ama, “Thank you sa prayers ninyong lahat.”

Nag-post din si Sebastian sa kanyang Twitter account tungkol sa “sure win” ng kanyang ama, at nagpasalamat sa lahat ng tagasuporta nito.

Read Next
Read More Stories About
Sara Duterte
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Sebastian and Sara Duterte thank the supporters of their father, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, for their prayers and support. Duterte is now leading the presidential race and is expected to win.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results