No more breakup drama for Jericho Rosales

"Alam ko siyempre na ang daming magagandang babae, ang daming puwede... Pero hinihiling ko talaga sa Diyos na sana Siya na lang yung... magbigay sa akin, kung sino man 'yon, na maibibigay ko sa kanya yung atensiyon ko," says Jericho Rosales about finding a new love.


More than ever, mas malayang nakakapagpahayag ng kanyang damdamin si Jericho Rosales matapos maging "official" ang ulat tungkol sa breakup nila ng pinakahuli niyang nobya na si Cesca Litton.

"Oo naman, yeah, we're friends naman kasi," sabi ni Echo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mga huling pagte-taping niya para sa Green Rose noong nakaraang linggo.

Whatever speculations tungkol sa love life ng aktor—whether or not mayroon siyang bagong girlfriend, o kung sila ni Cesca ay hindi pa "officially break"—ay tiniyak ni Jericho sa pakikipag-usap niya sa PEP.

In fact, napabalita ngang nanood si Cesca sa pre-Valentine's Day concert ni Echo sa Music Museum, pero hindi na "in a relationship" kapwa ang status nila.

"Medyo mabilis na naging magkaibigan na kami," sabi ng aktor. "Matagal na niya akong gustong panoorin sa concert, hindi pa nga lang natutuloy."

Sadly, natuloy ngang manood ang dalaga kay Echo, pero "Wala na kami," aniya.

"Okey lang, we're friends, e. Wala namang problema."

Naging madali ba para kay Echo ang maka-move on matapos ang breakup nila ni Cesca?

"Hindi," sagot ni Echo. "Siya [Cesca], masyadong madali nung time na 'yon dahil somehow, medyo... But at least we could see each other as friends talaga. And we could support each other, respect each other... that's the most important thing."

After the concert, kuwento pa niya, "Hindi na lang kami masyadong tumambay. Hi, hello lang, ganyan....

"Yes, may communication kami. That was one of my best relationships. Kasi after that, naging friends [kami]."

Compared to his past relationships?

"Hindi mo maiaalis 'yon, e, di ba?" pagtukoy ni Echo sa naging animosity after the breakup with former girlfriends such as Kristine Hermosa at Heart Evangelista.

THERAPY. At best, how is Jericho's emotional condition?

Natawa ang aktor pagkarinig sa tanong. "Wow, ano ito, therapy?" tanong niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Upon realizing our point sa pagtatanong, dahil public knowledge din na after each breakup, Echo would appear on television at umiiyak sa mga interview.

"A, hindi na, hindi na. Ayoko na ng gano'n," sabi niya.

Patunay nga ang hindi "madramang" breakup at post-breakup nila ni Cesca.

Sabi ni Jericho, "Kasi very quiet kami sa relationship, e. Which worked naman for us. Which is good. I'd rather not talk about it na kasi tapos na 'yon. We're friends naman."

NEW LOVE PROSPECTS. Kasunod ng mga pahayag ni Echo, matapos ang huli niyang pakikipagrelasyon, ay ang prospects for a "new love" na hindi puwedeng hindi maibahagi sa publikong tumatangkilik sa kanya.

"It will come," positibong banggit niya. "Well, I hope, if the right one [comes], parang... I'm praying about it. Ipinagdarasal ko yung tao na 'yon—kung sino man yung tao na 'yon...

"Alam ko siyempre na ang daming magagandang babae, ang daming puwede.... Pero hinihiling ko talaga sa Diyos na sana Siya na lang yung... magbigay sa akin, kung sino man 'yon, na maibibigay ko sa kanya yung atensiyon ko.

"Siyempre, mahirap naman dahil may mga araw na nakakalungkot, araw na nangangarap ka, na may kasama ka, mga gano'n," seryosong wika ni Jericho.

Dagdag pa niya, "Madalas mangyari 'yon. So, every time that happens, nagpre-pray na lang ako kay God. Nagpe-pray na lang ako sa Kanya. 'Yon ang the best na puwede kong gawin.

"And I'm really joyful! Happy ako dahil alam ko na there's someone for me.

"Patience ang ipinagdarasal ko... tsaka self-control!" kuwelang banggit pa ng aktor.

ECHO AND JEROME DELGADO. Bago maging emosyonal uli ang aktor, kinumusta ng PEP ang kanyang family life at kasalukuyang takbo ng career habang patapos na ang mga eksena niya sa Green Rose.

"I'm okay with my life now," sabi niya. "Kailangan ko nang mag-search. Kailangan ko nang i-reward ang sarili ko. I've been working so hard!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagkakatulad sina Jericho at ang character niya sa Green Rose, si Jerome Delgado.

Sa mga susunod na episode ng ABS-CBN teleserye, unti-unting bumabangon ang nalugmok at naaping character ni Jerome Delgado (Jericho). Nagsisimula na ang kanyang paghihiganti laban kina Edward Fuentebella (Jake Cuenca) at David Tobias (Gardo Versoza).

Para kay Echo, mahalaga ang pakikipag-collaborate niya sa writers at directors ng teleserye.

"I believe that in every scene, it's the relationship of the actor and the director that's important," aniya. "If they don't work closely, or wala silang time mag-usap, something [could go wrong].

"Dun mo mapapansin yung sasabihin, 'Ay, ang OA naman!' O kaya, 'Ay, ang galing naman!"

When there are flaws sa scene execution at pag-arte, ang sabi naman ni Echo, "I'm not blaming anybody... maybe hindi nabigyan masyado ng panahon na pag-usapan yung flow ng character, o flow ng story.

"But, with us, I'm happy about it na dikit kami ng direktor ko. We try to shoot chronologically, pero mahirap talaga, e. Babalik-balikan mo talaga, e."

POSITIVE FEEDBACK. "Excited ako, nagpapasalamat ako!" sabi pa ni Jericho, na totoong overwhelmed sa positibong feedback na natatanggap para sa Green Rose.

Sa mga text messages at Twitter ay nababanggit kay Echo ang pagbati.

"Marami," natutuwang sabi ng aktor. "Lalo sa Twitter. We really worked on the story from beginning to end. So, binalanse namin lahat 'yon. That was the time si Direk Dondon [Santos] pa yung nagsimula ng show.

"Binalanse naming maige 'yon, pinag-aralan namin yung flow. Hindi namin basta shinoot yan, na, 'O, ganito ka, ito, ganito...' Hindi. Binalanse, tinimpla talaga namin.

"Tsaka yung intensity ng eksena, yung approach ko doon sa scene, angkop 'yon. Inaral talaga namin 'yon. Kasi, parang bale wala namang mag-hysterical ka kung... Sayang lang kung OA, di ba?" aniya.

"So, masaya ako. Kinikilig ako! Kasi ang daming bumabati sa akin—babae, lalake, bata...lahat ng ano. From all walks of life, ang daming bumabati, sa mga mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masyadong masaya ako sa gano'n. Kasi maganda talaga yung script namin and I'm very thankful that they get to see and they get to watch the show, kasi maganda ito. One of my favorites talaga."

Speaking of his "other" favorite teleseryes na pinagbidahan, aminado si Jericho na wala pa ring makakatulad sa impact na nalikha ng Pangako Sa 'Yo na naisahimpapawid sa mga unang taon ng kasalukuyang milenyo.

"Oo nga. Classic na 'yon, e," pagtukoy pa ng aktor, who added na ang naturang drama series ng ABS-CBN ay naisahimpapawid na rin sa iba't ibang bahagi ng mundo.

"Sa China, sa Africa, Malaysia, Singapore, sa Kenya... sa Ghana, Africa... ang dami na!

"God is good!" sambit pa ni Jericho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN