Ogie Alcasid invites fellow celebrities to join ukay-ukay for charity

Ogie Alcasid and Regine Velasquez have started asking talent managers and celebrities to sell or auction off some of their personal items to help raise funds for the Kapuso School Development Project (KSD).


Thirty-five million pesos ang kailangang malikom na halaga ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid para sa kanilang Celebrity Ukay-Ukay na gaganapin sa April 15 to 17 sa Hall B ng World Trade Center, Pasay City.

Mapupunta ang kabuuang proceeds ng bazaar at auction event sa Kapuso School Development Project (KSD) ng GMA Kapuso Foundation, Inc.

Pangunahing layunin ng KSD ang makapagpatayo ng sapat na classrooms o mapanatiling nasa mabuting kundisyon ang mga silid-aralan ng mga pampublikong paaralan.

Ayon sa Department of Education (DepEd), tinatayang nasa 146,946 ang bilang na kailangang punan para matugunan ang problema ng kakapusan ng silid-aralan sa buong Pilipinas.

Naniniwala si Ogie sa kahalagahan ng nabanggit na proyekto dahil alam niya ang malaking papel ng edukasyon para masiguro ang pag-unlad ng isang bansa sa kasalukuyan at sa hinaharap.

"There are so many things na we are doing—parang lahat veered towards education. Kasi siguro napapansin nating lahat na dun talaga nagkukulang, e. Maraming mga kabataan natin ang hindi nag-aaral dahil walang eskwela. Maraming mga kabataan natin ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na makatapos at makaahon sa buhay.

"Education is really, really very important and I've been really fortunate that ako, nakatapos ako hanggang college. At kung ano man itong naabot ko, e, dala na rin ng pagsisikap ko sa pag-aaral. So if we can give that opportunity to others, why not?" paliwanag ni Ogie sa press conference na ginanap kahapon, March 16, sa Executive Lounge ng GMA Network Center sa Quezon City.

CELEBS PLEDGE SUPPORT. Puspusan ang paghahandang ginagawa ng mag-asawa ngayon para masiguro na magiging matagumpay ang charity project sa tulong siyempre ng kanilang mga kasamahan sa industriya.

Naikuwento ni Ogie sa press na nagkaroon ng munting salo-salo sa tahanan nila ni Regine kung saan personal nilang inimbita ang mga talent managers at ilang showbiz friends para lubos nilang maipaliwanag ang kanilang partnership with GMA Kapuso Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

That same night daw ay agad nag-donate ng P1 million si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, na ikinatuwa naman ng executive vice president at COO ng Kapuso Foundation na si Mel Tiangco.

"I think it was two weeks ago or last week when we had dinner in our house. We invited some of our celebrity friends and also some managers. Ewan ko, parang nahuli ni Tita Mel yung kiliti ni Mother," pagbibiro ni Ogie.

"We're going to have another dinner on March 26 and we'll be inviting other celebrities. Ngayon, since this is a Kapuso project, hindi lang naman puro Kapuso artists ang ini-invite namin para magdala ng wares nila. So if you're from the Kapamilya network, TV5, NBN, the other networks, you are most welcome to bring your wares."

Malaki ang kumpiyansa ng singer-songwriter at comedian na hindi magiging hadlang ang network affiliations ng mga artista pagdating sa mga proyekto na naglalayong makatulong sa mga mahihirap.

"We're not after kung sinong mas magaling na network dito. Our project is to raise money for all the classrooms found in public schools here in the Philippines that need repairs or to build classrooms perhaps in areas na walang eskwelahan," seryosong pahayag ni Ogie.

PERSONAL ITEMS. Ilan lamang sa mga personal na gamit na napipisil ni Ogie na isama sa auction-bazaar event ay ang iba niyang damit katulad ng "suits that I used in concerts."

Pinag-iisipan pa ni Ogie kung isasama niya ang kanyang Korg brand keyboard. May sentimental value raw kasi sa kanya ang nasabing instrumento dahil naging creative outlet niya ito ng ilang taon tuwing nagsusulat siya ng awitin.

"I really want it na sana makakuha siya ng magandang presyo. Kasi kung makukuha lang siya, halimbawa mabenta lang natin ng limang daang piso, sayang naman because that keyboard has produced many of my songs," sabi ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As for Regine, balak daw nitong ipa-auction ang kanyang mga gowns at ilang bags.

"Nabanggit niya sa akin na yung sofa namin, gusto niya ipamigay. Matagal na niyang pinupuntirya yun, e. Hindi ko alam, siyempre siya ang boss sa amin, so hindi ko naman siya mapipigilan dun!" natatawang banggit ni Ogie.

Iba't-ibang items ang inaasahang ilalako sa Celebrity Ukay-Ukay kaya tiyak na maraming pagpipilian ang mga nais pumunta at mamili sa three-day charity event.

Katuwiran ni Ogie: "Alam mo ang mga artista kasi, dahil taon-taon bumibili sila ng mga damit, mga gamit, kumbaga, dumadami rin yung kanilang clutter sa bahay. I'm sure they'll take advantage of the situation. Like ako, ang dami kong gamit na gusto kong ipamigay, pero mas maganda na dito, di ba? Because it's going to help the Kapuso Foundation."

HELPING AS A CELEBRITY. Sinabi ni Ogie na nais nilang magsilbing inspirasyon sa marami, hindi lang sa mga kapwa artista, na maaaring makatulong ang kahit sino maski sa maliit na pamamaraan.

"When you're a celebrity, it's easier to convince people to help you. Alam ninyo ang gobyerno natin, ang lipunan natin, ang dami-daming problema, ang dami-daming kailangang ayusin. So, kung magrereklamo lang tayo at sasabihin 'Bakit kasi ganyan? Dapat ganito...' tayo na lang ang gumawa. Tayo na lang kusang loob ang gumawa ng paraan para maayos 'yon. Kumbaga, let's offer solutions instead of complaining," saad niya.

Marami naman ang nakakapansin na kaliwa't kanan ang mga proyektong ginagawa at sinasalihan si Ogie na nalilinya sa public service. Subalit muli ay sinabi ni Ogie na wala siyang balak pumasok sa mundo ng pulitika.

"Unang-una, I was called to be a performer, yun yung talino ko, e—mag-perform, gumawa ng kanta—yun ako. Siguro another part of me is gusto kong tumulong. Pero ang maging pulitiko, merong mga taong nababagay dun at hindi ako yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN