Angelica Jones sues Illac Diaz for "grave oral defamation"

"Ang ginawa ni Illac—eto ang katotohanan, at ako ay may hawak ng video at witness—ang sabi ni Illac sa mga kababayan ko: 'Halika na kayo, pumunta na kayo dito! Kilala n'yo ba ang inyong bokal Angelica Jones Alarva, isang magnanakaw! Ninakaw niya ang pera ng panlalawigan para sa project!'" says Angelica Jones about the alleged incident that happened between her and Illac Diaz (inset).


Halatang nagpupuyos sa galit ang aktres at Laguna Board Member na si Angelica Jones nang humarap siya sa PEP (Philippine Entertainment Potral) at iba pang press kahapon, March 17, sa Max's restaurant sa Roces Avenue, Quezon City.

Pagkatapos lumabas ang isyu tungkol sa gulo nila ng My Shelter Foundation Chairman Illac Diaz, ngayon lang daw niya ilalabas ang "buong katotohanan" kaugnay sa gulo nilang dalawa.

Ang ugat ng kanilang conflict ay ang mga kinukuwestiyon ni Illac na mga gastos ni Angelica sa sinimulan nilang project na Laguna Bottle School sa San Pablo City.

ENCOUNTER WITH ILLAC. Sinimulan ni Angelica ang kanyang litanya ng reklamo sa isang writer sa People's Tonight, kung saan may inilabas na balitang nakipagsabunutan daw siya sa isang staff ni Illac kasama ang kanyang inang si Mrs. Beth Jones.

Aniya, "Walang katotohanan itong sabunutan, kaya nagulat ako dahil maraming nag-react, even mga ilang politician sa Laguna, pati na mga kababayan ko at mga NGOs, na bakit ganito ang lumalabas na walang katotohanan.

"Dahil doon sa pinangyarihan, nandun ang dalawang pulis, nandun lahat ng mga staff namin, nandun ang district officer ko, nandun ang aking mga kabarangay na [nakita] kung ano ang totoong nangyari."

Ayon sa dating sexy comedienne, nangyari raw ang naturang insidente nung nakaraang Biyernes ng hapon, March 11, nang pumunta si Illac sa site ng kanilang project na Laguna Bottle School.

"Pagpunta ko doon, mainit ang ulo ni Illac. Nagsalubong kami sa site. Sabi ko, 'Illac, puwede ba tayong mag-usap?'

"'Tingnan mo itong memorandum of agreement.' Ito ang papel kung saan siya nakapirma at kung ano yung kontrata namin bago siya mag-react, bago niya kunin ang mga gamit sa bottle school. Ang ginawa niya, ginusot niya ang papel, sinigawan ako," mangiyak-ngiyak na kuwento ni Angelica.

Patuloy niya, "Dinuru-duro niya ako, minura niya ako sa harap ng mga tao. Nag-composure pa rin ako, ang sabi ko sa kanya, 'Basahin mo ang kontrata.' Ang sabi niya sa akin, 'Ilabas mo ang pera ng panlalawigan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ginawa ni Illac—eto ang katotohanan, at ako ay may hawak ng video at witness—ang sabi ni Illac sa mga kababayan ko: 'Halika na kayo, pumunta na kayo dito! Kilala n'yo ba ang inyong bokal Angelica Jones Alarva, isang magnanakaw! Ninakaw niya ang pera ng panlalawigan para sa project!'

"Masakit yun sa isang katulad ko," sabi pa ni Angelica. "Masakit sa isang katulad ko na tawagan ang mga kababayan ko para bastusin ako nang ganun. Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak dahil wala namang katotohanan ang lahat nun," kwento ni Angelica.

"May hawak akong video. Walang sabunutang nangyari, walang suntukan. Ako ang binastos dito. Akong hinalal ng taong bayan.

"Bilang isang board member, puwede ko siyang ipakulong, puwede ko siyang ipabugbog, pero hindi ko ginawa yun dahil nahabag ako sa sarili ko. Naawa ako sa sarili ko, umalis na lang ako para makaiwas sa gulo. Nanahimik ako, hindi ako nagsalita."

MONEY MATTERS. Inilabas ni Angelica ang isang papel. Certification daw yun mula sa Treasurer's Office ng Laguna na wala pa silang na-i-release na pera para sa Laguna Bottle School. Anong pera ng taumbayan daw ang tinutukoy ni Illac?

Ayon kay Angelica, ang ginagastos daw nila na pera para sa proyektong ito ay galing sa kanilang mga sponsors at inabono raw niya ang ibang gastusin para matuloy lang ang project.

Ang pinipilit daw ni Illac na liquidations ay isinumite naman daw niya. Pero ang sinasabing resibo na dapat i-produce nito ay hindi naman daw puwede yun dahil hindi pa naman tapos ang project.

Ang isa pang pasabog ni Angelica laban kay Illac ay sinasabi raw nito na dapat palabasing tapos na ang project para makahingi pa raw ito ng dagdag pang pondo mula sa kanilang sponsors.

Ani Angelica, "Ang pinapalabas ni Illac Diaz ay tapos na ang Bottle School. Pinapalabas niya sa interbyu niya na nagagamit na ang classroom. Ipinapakita niya every time na ini-interview siya, na merong silya, merong white board. Pero sa totoo lang, walang white board, wala pang silya, [bare] yung classroom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang gusto niyang mangyari is kapag hindi nag-sponsor, ipapakita niya talaga na tumutulong siya, nagkaklase, nagbubuhat siya ng kung anu-ano, na naglalagay siya sa bote.

"Pero pag walang sponsor, wala siyang pakialam. Ni minsan hindi siya dumadalaw sa site. Ang ginagawa lang ni Illac, pumupunta siya dun sa site pag may interbyu sa media ABS-CBN, GMA-7, international channel CNN, papakita niya talaga na nandun siya. Ipapakita nya sa media na tumutulong siya."

JULIA CLARETE. Nadawit na rin ang kasintahan ni Illac na si Julia Clarete sa gulong ito.

Matatandaang nagsimula ang lahat ng isyung ito sa column na isinulat ni Giselle Sanchez sa Manila Bulletin noong February 22 tungkol diumano sa "love triangle" sa pagitan nina Illac, Angelica, at Julia Clarate. Ayon sa artikulong lumabas, sinugod daw ni Julia si Angelica sa Laguna at nagkaroon ng gulo. Si Julia ang kasalukuyang girlfriend ni Illac. (CLICK HERE to read related story.)

Sa presscon kahapon ay inamin ni Angelica na walang nangyaring suguran.

Aniya, pumunta raw sila ni Illac sa simbahan sa Nagcarlan at narinig daw niyang parang nagtatalo sina Illac at Julia sa telepono.

Nabalitaan na lang daw niya bandang huli na pumunta roon sa Laguna si Julia, pero hindi raw sila nagkita.

Sabi pa ni Angelica, tungkol lang daw sa project ang kanilang pag-uusap ni Illac at wala raw personal na isyu silang pinag-usapan.

Pero ang totoo, ayon sa kanya, nanligaw daw sa kanya si Illac bago pa mag-eleksyon.

"Gusto kong linawin sa inyong lahat na hindi ko naging boyfriend si Illac Diaz at hindi kami nagdi-date ni Illac Diaz habang kami ay gumagawa ng proyekto. Si Illac ay matagal ko nang kilala. Bago ako naging board member, magkakilala na kami.

"Pero sinabi ko rin sa PEP, na I admit before naging board member, almost two years ago, nagdi-date kami ni Illac before. Actually, wala na akong masasabi kung idi-deny niya dahil meron siyang karelasyon ngayon. Kahit sino namang lalaki ay magdi-deny habang may karelasyon ka," pahayag ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

CASE AGAINST ILLAC. Kaya raw nagsalita si Angelica ay dahil ang gusto lang sana niya ay lumabas ang katotohanan.

Nag-file na raw siya ng kasong "grave oral defamation" laban kay Illac dahil sa pambabastos daw nito sa kanya.

Gusto rin daw niyang makausap ang nagsulat sa People's Tonight na nakipagsabunutan daw siya dahil gusto niya itong ikorek.

Kung wala raw pagbabago na gagawin ang nagsulat ng balitang yun, mapipilitan din daw siyang magsampa ng kasong libel.

Ang gustong iparating ni Angelica kay Illac ay ito:

"Gusto ko lang iparating kay Illac, ano bang kasalanang nagawa ko sa iyo? Saan ba ako nagkulang? Lahat ng ni-request mo sa provincial government, at bilang bokal ng Laguna, ay ginawa ko ang aking trabaho.

"Pinaghirapan natin ang bottle school project, bakit mo kailangang magsinungaling, sirain ang pangalan ko? Bakit mo kailangan na magsinungaling sa media at magsinungaling sa mga tao?

"Ginagawa ko lang ito, mag-file ng demanda against you para ituwid ang iyong kasinungalingan at ituwid ang iyong pagkakamali. Gusto kong ilabas ang katotohanan. Sana naman Illac, e, makonsensiya ka!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN