Valerie Concepcion finally admits relationship with PBA player Dondon Hontiveros

"Actually, kaya hindi talaga ako nagsasalita before, kasi it was really complicated. Hindi talaga ako nakikipagplastikan. We were complicated for two years, na parang exclusively dating lang kami na walang title na parang gano'n," says Valerie Concepcion about her relationship with PBA player Dondon Hontiveros (inset).


Inamin na ni Valerie Concepcion ang pakikipagrelasyon niya sa Air21 player na si Dondon Hontiveros sa presscon ng kinabibilangan niyang dramaserye sa TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Valerie, masiglang-masigla ang mood nito sa pagsagot tungkol sa kanila ng professional basketball player.

"Tinanong nga nila ako kung bakit open na ako ngayon sa aming dalawa ni Dondon. Ano lang, parang sa akin lang, ang tagal na rin, e. Parang feeling ko, wala rin namang ibang pupuntahan," saad niya.

Ayon pa sa actress-TV host, walang kaalam-alam ang kasintahang basketbolista sa pag-amin niya sa relasyon nila.

"Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya. Siguro okey lang naman, kasi wala namang point kung bakit hindi dapat sabihin, di ba?" pahayag ni Valerie.

Wala naman direktang maisagot si Valerie nang tanungin kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang anak na si Fiona ngayong out in the public na ang relasyon nila ni Dondon.

"Ang daughter ko kasi, ang alam niya, friend. Kaya hindi namin... mahabang paliwanagan pa 'yan. Kaya rin medyo inaano ko yung privacy ng ano... Kasi ayoko siyang magulat.

"Pero kapag magkasama sila, okey. Pero pag sinabi nang, 'Mag-aasawa na si Mama, but not Kuya Don.' May gano'n! Hindi pa siya ready. Buti na lang hindi pa ako ready," nakangiting sabi niya.

Si Fiona ay anak ni Valerie sa kanyang dating non-showbiz boyfriend.

TWO YEARS. Ayon kay Valerie, two years pa lang ang relasyon nila ni Dondon.

"Actually, kaya hindi talaga ako nagsasalita before, kasi it was really complicated. Hindi talaga ako nakikipagplastikan. We were complicated for two years, na parang exclusively dating lang kami na walang title na parang gano'n.

"Binilang ko nga, e. Kaya siguro yung mga tao, takang-taka sa pag-iisip kung kailan kami magpapakasal kasi ang tagal na, parang gano'n. Pero hindi nila alam na complicated and then naging okey. So, two years pa lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin naman ni Valerie na nag-cool off sila ni Dondon.

"A, oo, no'ng FHM ko. Siguro gano'n naman talaga sa lahat ng relasyon, na parang meron kayong ups and down. Siguro isa lang yun sa mga pinagdaanan ng relationship namin na nagpa-strong lalo."

DARING VALERIE. Alam ba ni Dondon kung gaano siya ka-daring sa Mga Nagbabagang Bulaklak?


"Yeah, yeah! Alam niya," tugon ni Valerie. "Bumisita siya sa set right after the kissing scene. Dumating siya, kissing namin ni Richard [Gomez].

"Sabi ng make-up artist ko, 'Dito ka muna, ha?' 'Hindi ba puwedeng pumasok?' sabi naman ni Don. 'Hindi, dito ka lang muna.'

"Nalaman naman niya after na makauwi siya. 'A, dun pala ginawa yung ano ninyo, yung love scene?' Sabi ko, oo.

"Okey lang naman sa kanya yun kasi work is work. I'm so lucky na he's very broad-minded, he's not mahigpit. Kahit yung mga sexy outfit, hindi naman niya ako pinagbabawalan."

Maliban sa kanyang character bilang mistress ni Richard Gomez at ang pagsayaw nang naka-one piece bathing suit, kinumpirma ni Valerie na marami pa siyang gagawing daring scenes sa Mga Nagbabagang Bulaklak.

"Daring ako sa mga isusuot kong mga outfit. Tapos, may dance number ako rito na naka-bra at skirt lang. Yun nga, character-wise, daring talaga dahil mistress nga ako dito. Saka medyo on the bad side yung character ko dito. Ibang Valerie ako dito na hindi yung pa-sweet dati."

Tuluy-tuloy na ba ang pagiging daring niya sa mga susunod niyang projects?

"Naku, depende. Depende sa mga darating na projects... It doesn't mean na yun na lang ang gagawin ko.

"Kasi sa ABS-CBN naman, conservative ako. I'm like Charlotte of Sex in the City. Yung conservative doon. Dito naman sa bago kong project, aggressive ako," paliwanag niya.

ABS-CBN OR TV5? Patuloy pa rin ang pagtatanong kay Valerie kung bakit tumanggap siya ng regular show sa TV5 samantalang nasa ABS-CBN pa naman siya. Nainip ba siya dahil matagal-tagal nang wala siyang bagong project sa Kapamilya network pagkatapos mawala ng Pilipinas, Win Na Win! game show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ahm, nainip ba ako? I didn't have work for a month. And then all I did was guesting dito sa TV5. And I think that's what opened doors dito sa Nagbabagang Bulaklak," sabi niya.

Ayaw sabihin ni Valerie, pero may ongoing negotiation daw para sa isa pang project sa TV5.

Kung sakaling matuloy ang negosasyong ito, baka tuluyan na siyang balewalain ng Kapamilya Network?

"Hindi ko po alam. Actually, ipapaalam ko pa po yun. Hindi ko po alam kung allowed na ako, baka hindi pa alam ng ABS," aniya.

Hindi ba siya pini-pressure ng ABS-CBN? Paano kung papiliin siya kung saang network niya gustong magtrabaho—sa ABS-CBN o TV5?

"If in case na dumating yun, kailangan lang talaga na ipagdasal ko na i-guide kung ano ang gagawing desisyon namin ni Tita Becky [Aguila, her manager]. It's not just me naman, e. Kasama ko sa pagde-decide yung mom ko, si Tita Becky. I think lahat naman maidadaan sa usapan."

May kumalat na balitang kaya raw tinanggap ni Valerie ang offer ng TV5 ay dahil nagtampo siya sa hindi pagkakasama sa kanya ng ABS-CBN sa noontime show na Happy, Yipee, Yehey! Pero pinabulaanan niya ito agad.

"No naman," sagot niya.

"Kasi po, honestly, nung nawala po yung [Pilipinas] Win Na Win!, I already knew that they're gonna give me a morning show or a soap. Saka they told me na paghihiwalayin muna kami nina Mariel [Rodriguez] at ni Pokwang. Alam ko naman po na hindi talaga ako kasama sa noontime show na bago."

Ipinagdiinan ni Valerie na hindi variety show ang pangako sa kanya ng ABS-CBN na gagawin niya kundi morning show o soap. Binigyan na siya ng soap kaya hindi na siya bibigyan ng morning show.

Iniiwan ni Valerie ang desisyon sa kanyang manager kung dapat ba siyang manatili sa TV5 kung sakaling bigyan pa siya ng Kapatid Network ng isa pang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas gusto raw kasi ni Valerie na maging freelancer at gumawa pa rin ng projects sa ibang network.

"Kasi po, I don't wanna close any doors sa ibang network. Kung gusto pa rin nila akong kunin, I can still do projects with them," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN