Mommy Elvie fights memory loss by memorizing the capitals of all the countries

"Gusto ko lang patunayan na kahit sa edad kong ito, kaya pa rin natin. Hindi tayo dapat magpatalo sa sakit o sa edad. Kapag may desire ka to learn and know something, you will still get it. Pagsusumikap lang naman 'yan," says Mommy Elvie, the mother of comedian Ariel Villasanta.


Masayang-masaya si Mommy Elvie Villasanta dahil sa mataas na rating na nakuha ng pilot telecast ng kanyang reality-comedy show na Mommy Elvie@18 sa GMA News TV Channel 11 last March 12.

Nakakuha ng 1.9 percent rating ang reality show ni Mommy Elvie. Para sa isang blocktimer na hindi masyadong todo ang naging promotion ay mataas na ito.

May fan-base na kasi si Mommy Elvie at marami ang nag-aabang sa kanyang pagbabalik sa isang reality show. Hit na hit kasi ang kanyang shows noon sa Channel 5 na The Misadventures of Maverick & Ariel at Mommy Elvie's Problematic Show.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mommy Elvie sa set ng Mommy Elvie@18 sa Provident Village, Marikina City, natuwa ito sa nakarating sa kanyang magandang balita. At least daw ay may magandang resulta ang pangungulit niya sa kanyang anak na si Ariel Villasanta, na siyang producer ng kanyang reality show.

"Sinabi ko kasi kay Ariel na bigyan niya ako ng gagawin. Kasi nabu-bore ako sa bahay. Wala akong makausap kapag nasa trabaho na siya. Ang kasama ko lang ay yung kasambahay namin. Siyempre, may ibang gawain din siya.

"Mas gusto ko itong may taping sa bahay kasi maraming tao parati. Marami akong nakakausap. Ayoko kasi ng walang ginagawa. Feeling ko, magkakasakit ako kapag wala akong ginagawang productive every day," sabi ni Mommy Elvie.

MOMMY ELVIE'S MEMORY. Ang pagte-taping ang isang paraan ni Mommy Elvie para parating aktibo ang kanyang utak at upang hindi siya magkaroon ng Alzheimer's disease. Ito ay isang sakit na nakakaapekto sa memory, thinking, at behavior ng isang tao.

Naikuwento nga ni Mommy Elvie sa PEP na noong malubog ang bahay nila ni Ariel sa Provident Village noong Bagyong Ondoy in September 2009, sobra siyang na-trauma sa lahat ng pangyayari. Para nga raw hindi na niya matandaan ang mga pangalan ng mga dati niyang kilala dahil sa namuong takot sa kanyang isipan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa sobrang takot ko kasi, parang yung ibang memories ko ay nawawala na. Hindi naman ako gano'n bago mangyari ang Ondoy. Kaya para ma-exercise ang utak ko, sinubukan kong magbasa-basa. Lahat ng puwedeng basahin, binabasa ko. Sa kakabasa ko, may gusto akong hanapin sa globe ang isang country na nabasa ko.

"Imbes na globe, nagpabili na lang ako ng world map. Doon ako nag-start na mag-memorize ng iba't ibang bansa at ang mga capitals nila. Sa awa ng Diyos, naaalala ko pa silang lahat kapag may nagtatanong sa akin."

Nakakabilib nga ang memorya ni Mommy Elvie dahil kabisado niya lahat ng mga capitals ng mga bansa sa continent ng Asia, Europe, America, Oceania, at maging sa Africa. Sinubukan namin siyang i-test at nasagot nga niya ang capital ng mga bansang tinatanong namin sa kanya randomly.

"Gusto ko lang patunayan na kahit sa edad kong ito, kaya pa rin natin. Hindi tayo dapat magpatalo sa sakit o sa edad. Kapag may desire ka to learn and know something, you will still get it. Pagsusumikap lang naman 'yan.

"Kaya nga parati kong sinasabi kay Ariel na gusto kong active ang pag-iisip ko. Mas lalo akong mapapagod at maiisip ang edad ko kung wala akong ginagawa. Sa awa ng Diyos, yung mga natutuwa sa show namin noon ay nandiyan pa rin.

"Sana ay abangan nila parati ang Mommy Elvie@18 tuwing Sabado ng umaga [10:30 a.m.] sa GMA News TV," pagpu-promote pa ni Mommy Elvie, na ngayon ay inaaral ang mag-Facebook at makipag-chat sa Internet bilang isa sa 18 wishes niya sa kanyang reality show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN