Bimby squeals on "real score" between his dad James Yap and Isabel Oli

"Wala talaga sa akin. Kasi okay na kami ni James, e. Hindi na kami nag-aaway. Whomever he will end up with, my main concern is pag pinakilala na kay Bimby, di ba? Magkaroon [ba] sila ng magandang relationship?" says Kris Aquino about the rumored relationship of her ex-husband James Yap and Isabel Oli.


Si Bimby—o Baby James—na mismo ang nagbuking na "girlfriend" ng kanyang ama na si James Yap ang Kapuso actress na si Isabel Oli.

May exclusive interview si Ricky Lo, para sa Startalk, kay Kris Aquino kasama ang anak nitong si Bimby. Kinunan ito sa advance birthday party para kay Bimby na ini-sponsor ng RFM Foods noong Huwebes, March 17.

Sa susunod na buwan pa magsi-celebrate si Bimby ng kanyang fourth birthday. Balak ng mag-ina mag-Disney cruise at sa mismong kaarawan ni Bimby sa April 19 ay nasa Mexico raw sila, ayon kay Kris.

Sa panayam ni Ricky kay Kris, muling naungkat ang isyu kina James at Isabel.

Ani Kris, "I made a promise to James last week na hindi ko talaga pag-uusapan iyan."

Si Bimby ang hinarap ni Ricky at tinanong kung alam ba nito kung sino ang girlfriend ng kanyang Papa.

Narito ang takbo ng kanilang usapan:

Ricky: Who's your Papa's girlfriend?

Bimby: Isabel.

Ricky: Isabel who?

Bimby: Isabel lang.

Sumali na si Kris sa usapan na "Isabel" lang daw ang alam ng kanyang anak.

Tinanong na rin ni Kris si Bimby kung nagkakilala na ba sila ni Isabel.

"Hindi pa," sagot ni Bimby

Kris: Do you want to meet her?

Bimby: No.

Ricky: Why not?

Hindi na pinasagot ni Kris ang anak at niyakap na niya ito.

Hiningan na rin ng reaksiyon si Kris tungkol sa isyu ng pagkaka-link nina James at Isabel.

"Wala talaga sa akin. Kasi okay na kami ni James, e. Hindi na kami nag-aaway. Whomever he will end up with, my main concern is pag pinakilala na kay Bimby, di ba? Magkaroon [ba] sila ng magandang relationship?" sagot nito.

Dagdag ni Kris, "Kasi wala na akong pakialam kay James kung sino man ang mamahalin niya or mamahalin siya."

Matagal na raw siyang walang naramdaman para kay James kaya wala nang selos o ano man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong uli ni Ricky si Kris kung sakaling magkasalubong sila ni Isabel, ano kaya ang gagawin niya?

Hindi na niya ito sinagot dahil nangako na raw siya kay James na hindi na siya magsasalita tungkol sa isyung ito.

Bigla namang sumingit si Bimby sa usapan at sinabi nitong "away-away mom..."

"Hay nakakaloka ka talaga!" bulalas ni Kris. "Alam mo, Tito Ricky, di ba, akong-ako?" pahayag nito na kumbinsidong sa kanya nagmana si Bimby.

Muling nilinaw ni Kris na ayaw na niyang pakialaman ang kung ano mang desisyon ni James pagdating sa kanyang love life.

"Kung anumang meron sila, kung anuman ang estado ng buhay nila, pribadong buhay nila, I want James to be happy."

Napag-alamang tinawagan ni Ricky si James kahapon para hingan ng reaksiyon sa mga pahayag ng kanyang mag-ina.

Tumanggi na itong magsalita. Pinagdiinan niyang walang katotohanan ang tungkol sa kanila ni Isabel. Magkaibigan lang daw talaga sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN