Nonito Donaire Jr. on tiff with sportswriters: "We've learned na to forgive is divine."

Ngayong naayos na ang problema ni Donito at Rachel Donaire Jr. sa kanilang pamilya, napatawad na ba nila ang mga sportwriters na nang-intriga sa kanila?

"Forgiveness was never an issue. We've learned na to forgive is divine. But of course we will take into account yung mga ginawa nila. But definitely nandun yung forgiveness. Ayaw na naming mag-focus dun sa nangyari kasi kung mag-focus ka dun, part ng negativity yun e. Gusto namin positivity," Noni



Masayang humarap ang mag-asawang Nonito at Rachel Donaire sa entertainment press kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) para sa launching nila bilang endorsers ng Mariko Tokyo beauty and medical clinic na ginanap last March 18 sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Sunud-sunod daw kasi ang magagandang bagay na nangyayari sa kanilang mag-asawa ngayon. Una na nga rito ay ang pagkapanalo ni Nonito Donaire Jr. kamakailan ng WBC/WBO bantamweight championships nang mapatulog niya si Fernando Montiel sa second round.

Sumunod ay ang pagkakaayos ni Nonito at ng kanyang nakatampuhang ama. Ang latest blessing nga na natanggap nila ay ang pagiging endorser ng Mariko. Ang pagpunta daw sa Mariko ang isa sa bonding moments nilang dalawa.

"Sabay kasi kaming pumupunta sa Mariko. And it's kinda relaxing like yung body scrub. Nakakatanggal ng stress," sabi ni Nonito.

ISSUE WITH SPORTWRITERS. Isa nga raw sa source ng stress nilang mag-asawa ang iba't ibang kontrobersiyang kinasasangkutan nila. Tulad na lang ng naging isyu sa kanila ng ilang sportswriters partikular na si Chino Trinidad.

Dahil daw sa pangingialam ng mga ito sa kanilang private life, lalo na sa naging gusot sa kanilang pamilya, ay lumala raw ang sitwasyon. Nakapagbitiw pa nga si Nonito ng salita na dapat ay sportswriting na lang ang isipin nila at iwan na lang ang pang-iintriga sa showbiz press.

Hindi raw kasi nila maintindihan kung bakit kailangang hingin ng media ang side nila pagdating sa problema sa pamilya.

Maging si Rachel daw ay nakiusap na sa mga press, lalo na kay Chino Trinidad, na sana ay huwag na siyang kulitin na ibigay ang side niya sa isyu na siya raw ang dahilan kaya nag-away si Nonito at ang tatay nito. Dapat daw ay silang magpapamilya na lang ang umayos nito.

"I told Chino huwag na lang kasi I didn't want Nonito to get distracted sa fight niya. But he insisted na dapat I give my side. I didn't want to make things worse, di ba? There are already people being hurt. Our focus that time was for Nonito to win his fight for the country," sabi ni Rachel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong naayos na ang problema sa pamilya, napatawad na ba nila ang mga sportwriters na nang-intriga sa kanila?

"Forgiveness is never an issue. We've learned na to forgive is divine. But of course we will take into account yung mga ginawa nila. But definitely nandun yung forgiveness. Ayaw na naming mag-focus dun sa nangyari kasi kung mag-focus ka dun, part ng negativity yun e. Gusto namin positivity," ani Nonito.

Mabuti raw noong nakiusap sila ay tumigil na sa pagtira sa kanila ang ibang press.

"That's good, masaya kami doon because Pilipino tayo, e, tapos nagsisiraan tayo. Pilipino tayo, we should support each other. Ako naman, lahat ng fighters sinusuportahan ko e," sabi ni Nonito.

May plano ba sila to reach out sa ibang press na nakaalitan nila?


"We're always here naman, we're always open. We had a bunch of press conferences," sabi ni Rachel.

Alam naman daw nila na hindi lahat ay magiging close sa kanila. Ang importante raw ay marami pa ring members ng press ang kaibigan nila at sumusuporta sa kanila.

Hindi pa raw sila nagkikita ulit ni Chino Trinidad. Pero kung sakaling magkita sila, ano ang gagawin nila at sasabihin nila rito?

"Wala, hi lang. I think if there will be an incident sa GMA or even sa sports event, we're not gonna be rude naman. We'll be professional on how we will react," ani Rachel.



GOLDEN BOY PROMOTIONS. Hinaharap din ng mag-asawa ngayon ang isyu ng umano'y balak na pagdedemanda ng dating promoter ni Nonito na si Bob Arum ng Top Rank Promotions dahil daw sa breach of contract.

Pumirma na kasi si Nonito ng kontrata sa Golden Boy Promotions ng dating boxing champ din na si Oscar dela Hoya. Tumanggi namang sabihin ni Nonito kung gaano katagal ang kontrata niya sa Golden Boy at confidential daw kasi ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaninindigan ni Nonito na free agent siya kaya may karapatan siyang lumipat ng promoter sa gusto niya. May mga lawyers din daw sila na nag-aasikaso ng isyung ito kaya hindi sila nag-aalala masyado.

Diumano idinadahilan ni Bob Arum na dahil daw sa tinamong injury ni Nonito noon kaya kailangang ma-extend pa ang kontrata sa kanya ng Pinoy boxing champ. Pero pinabulaanan naman ito ng Donaire couple.

"That's not true. I think parang the contract ends when the contract is not fulfilled. Walang documentation na magsasabing he (Nonito) was unable to fight. Actually, the time they believed that we called the doctor and he said na walang fracture, walang-wala," paliwanag ni Rachel.

Dagdag pa ni Nonito, "I think it's the fact that they didn't deliver on their end. By signing with Top Rank, everyone thought na makakakuha ako ng maraming laban.

Kasi marami silang names e. I was hoping na makalaban ko yung big names nila. But it took me three years to get that big name na hinahanap ko."

Ang susunod na laban ni Nonito na naka-schedule sa May 28 ay hawak na raw ng Golden Boy Promotions.

Hindi pa raw nila alam kung saang TV network ipalalabas ang susunod niyang laban. Kahit kasi under GMA Artist Center silang mag-asawa ay nakakontrata ang Philippine TV rights ng Top Rank sa ABS-CBN. Kaya ang huling laban niya ay napanood sa Kapamilya Network. Wala raw kasi silang say pagdating sa ganitong negotiations.

Hindi ba apektado si Nonito sa sitwasyong ganito?

"Hindi naman. Pag binibigyan nila ako ng date at kalaban, wala na akong pakialam sa negotiations sa TV. For me, ang focus ko lang talaga is to be who I am. Ang focus ko ay sa laban ko. Ayokong i-embarrass ang country natin by not giving my best. Gusto ko pag nandun ako sa ring proud ako na isa akong Pilipino at gagawin ko ang lahat para manalo. I just want to fight."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa ni Rachel, "What people need to understand is that it's a business decision. It's what every boxer goes through. Manny (Pacquiao) signed with Golden Boy and then he went to Top Rank. It's also an issue before that Top Rank is with Solar before and now with ABS. It's a business decision."



LESSONS LEARNED. May natutunan naman daw na leksiyon sina Nonito at Rachel mula sa mga hinarap nilang intriga.

"Everything is a blessing naman e. Alam mo naman in this world merong pros and cons. Sa lahat ng controversies namin marami kaming natututunan just like yung patience, forgiveness at saka kung ano yung importante, di ba?

"These [intrigues] are part of it, I embrace it. So, kung may negativity, may positivity din ako in terms of inspiring the kids, inspiring many people out there.

"So, yun ang focus ko, to pay attention sa positive outcome rather than the negative. And alam ko na at the end of my career, the thoughts of my negativity will be overshadowed by my positivity. Tulungan ang mga kids at tulungan ang mga taong nangangailangan, that's my goal," sabi ni Nonito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN