John Apacible's uncle turns himself in to police after shooting incident

Actor John Apacible was reportedly shot by his uncle, Armando Rustia, while they were drinking at the latter's house in Greenland Executive Village, Cainta, Rizal.


Sumuko kahapon, March 20, si Armando Rustia, ang suspect sa pagpatay sa aktor na si John Apacible, kay Police Chief Ernesto Vera Eco Jr. ng Camp Crame bandang 1:30 ng hapon.

Hinanap ng Cainta Police si Armando nang tumakas ito, sakay ng isang motorsiklo, matapos barilin kahapon ng alas-tres ng madaling-araw ang sariling pamangkin sa kanyang tahanan sa 28 Primrose St., Phase 1 Greenland Executive Village, Cainta, Rizal.

Dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib ang agad na kumitil sa buhay ng 38-year-old actor. (CLICK HERE to read related story.)

Sa imbestigasyon ng Cainta Police at sa pahayag ng mga saksi, nagkaroon daw ng mainit na pagtatalo ang mag-tiyo habang umiinom ng alak. Dahil sa sobrang kalasingan, binatukan daw ni John ang kanyang 61-year-old uncle.

Diumano, umakyat sa itaas ng bahay si Armando at kinuha ang 9 mm na baril para takutin ang kanyang nagwawalang pamangkin, pero hindi raw ito nagpaawat.

Nagpambuno ang dalawa at walang nagawa si Sara, ang umaawat na asawa ni Armando.

Nakakulong ngayon si Armando sa Cainta Police Station matapos siyang i-turn over ng Camp Crame kay Police Supt. Manuel Cesar Prieto, ang Provincial Director ng Rizal.

Hinihintay pa ng Cainta Police ang pormal na pagsasampa ng kaso ng naulilang pamilya ni John laban kay Armando.

Nakaburol ang labi ng aktor sa kanilang tahanan sa 26 Primrose St., Greenland Executive Village, Cainta, Rizal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN