Rocky Salumbides thankful to girlfriend Eula Valdes for encouraging him to try acting

"Siya yung nagmulat sa akin na umarte. Hindi ko naman alam na aarte ako, di ba? Siya yung hindi nagsasawang sabihin na may nakikita siya sa akin na, yun nga, may lalim daw siyang nakikita sa akin, na hindi ko naiintindihan kung ano. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano yun," says Rocky Salumbides about girlfriend Eula Valdes.


Um-attend si Rocky Salumbides sa Gawad Tanglaw awards ceremonies noong March 17 sa St. Dominic College of Asia in Bacoor, Cavite, para tanggapin ang kauna-unahan niyang parangal sa pag-arte, sa category na Best Supporting Actor, para sa gay indie film na Muli.

Ang kanyang direktor na si Adolf Alix, Jr. ay nasa venue rin para naman sa panalo nito bilang direktor ng Presa, isa ring pelikulang indie tungkol sa mga babaeng nakabilanggo sa Correctional Institute for Women.

Ka-tie ni Rocky sa naturang parangal si Joem Bascon para naman sa pagganap nito sa pelikulang 'Noy, a political drama directed by Dondon Santos.

"Nagpapasalamat ako sa Gawad Tanglaw at sa lahat ng bumubuo ng pelikulang Muli, lalo na sa direktor ko, si Adolf Alix," bungad ni Rocky sa kanyang acceptance speech.

With Rocky that evening was his actress-girlfriend Eula Valdes, na masayang-masaya para sa achievement ng actor-boyfriend niya.

Nasa isang table sina Rocky at Eula, katapat ng mesa na kinaroroonan naman ng grupo ng Tarima, kabilang sina Fanny Serrano, Direk Neal Tan, producer Ray Maclang, at ilang kasamahan sa media, kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Sa mga nakasama ko sa Tarima, Fanny Serrano at Direk Buboy [Neal Tan], congratulations! Maraming salamat din ho sa mga nagpunta ngayong gabi, at pati sa iba pa na umuwi na, maraming salamat!" sabi rin ni Rocky sa maikli niyang thank-you speech.

Two days later, March 19, sa last performance date ng Zsa Zsa Zaturnnah... Vack With A Vengeance! at the CCP Little Theater lobby, nakausap uli ng PEP si Rocky. We followed up kung nabanggit ba niya sa kanyang pasasalamat si Eula. We missed hearing that part, and thought hindi nga napasalamatan ni Rocky ang girlfriend niya.

But Rocky said he did. "Siyempre, nagpasalamat ako. Salamat kay Eula. Siya yung nagmulat sa akin na umarte," makahulugang banggit pa ng actor-model. "Hindi ko naman alam na aarte ako, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya yung hindi nagsasawang sabihin na may nakikita siya sa akin na, yun nga, may lalim daw siyang nakikita sa akin, na hindi ko naiintindihan kung ano. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano yun.

"So, sinubukan ko na. Eto na, blessings, sobra-sobra! Masaya!" sabi pa niya.

SINTUNADO NO MORE. Also, at the said musical's farewell performance for its current re-run at the Tanghalang Aurelio Tolentino (Little Theater) of the Cultural Center of the Philippines (CCP), many were delighted to hear Rocky sing his numbers in key — finally.

Kumpara sa nakaraan niyang performance bilang Dodong, the musical's other male lead, hindi na nga sintunado ang pagkakaawit ni Rocky, lalo na sa solo number niyang "Ikaw Ang Superhero ng Buhay Ko" (by composer Vincent de Jesus) kaya naging mas masigla ang gabi ng singer-actor, at makabuluhan ang huling pagtatanghal.

Eula has this to say on her boyfriend's triumph as actor in a musical:

"Pag relaxed siya, nasa tono siya. Pero kapag tense siya, parang may mga fireworks!" natatawang sambit ni Eula matapos ang last-night performance ng musical play.

Masaya si Eula for Rocky, especially that night na nakabawi ito sa ilang gabing pagiging "sintunado" sa pagkanta niya.

"Oo nga, kasi relaxed siya!" ani Eula na natatawa. "Kasi, siguro huling gabi na, dapat na niyang pagbutihin!"

CHALLENGES. Open si Rocky, bukod sa pagiging honest sa pag-amin sa kanyang mga kakulangan at kahinaan, na pilit naman daw niyang ino-overcome.

"Totoo, kasi sila naman, mula pagkabata, alam nila kung ano'ng gusto nila," banggit ng actor-model, referring to his actress-girlfriend at iba pang mga kasamahang artista at singer. "Alam nilang gusto nilang mag-artista, alam nilang may talent sila.

"Ako, ang pinagmulan ko, wala, e. Hindi ko alam na magiging modelo ako, na mag-aartista ako. Ang gusto ko lang noon, maging basketball player. So, ang layo, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero si Eula raw ang laging nag-e-encourage sa kanya.

"Yun nga yung lagi niyang pinipilit sabihin sa akin, na may nakikita sila sa akin, na meron daw akong ibubuga, kailangan ko lang daw ilabas," wika ni Rocky.

"So, kailangan ng practice. Kaya ko rin pinasok ito. Siyempre, open din akong matuto, lalo sa pagkanta, dahil hindi naman ako kumakanta.

"Sa pag-arte, nakukuha ko yung arte sa TV at movies, ganyan. Pero yung kakanta ka nang live, tapos walang take two sa pag-arte mo? Yun yung pinaka-challenge."

PROSPECTS. What's next, after Zsa Zsa Zaturnnah?

"'Yung Amaya," banggit ni Rocky sa action-drama series ng GMA-7. "Pero hindi pa kami nag-i-start ng taping."

Balak ni Rocky na magbakasyon muna sa kanyang showbiz commitments.

"Kasi darating yung mother ko from the States, e, tsaka yung kapatid ko, galing Dubai," ang sabi ni Rocky sa PEP.

"Death anniversary din ng grandparents namin sa March 25, so kailangang mag-reunion. Matagal na kaming hindi nagkikita-kita.

"Kaya hindi muna ako magte-taping. Five days ang hiningi ko munang bakasyon."

BALBOA FAN. Rocky is Alvin Kirby Liwanag Salumbides in real life. Rocky ang ipinalayaw sa kanya mula pagkabata dahil "fan si Mama ni Balboa [character ni Sylvester Stallone sa pelikulang Rocky], nung ipinanganak ako [in 1976]."

May showbiz lineage si Rocky dahil isa sa mga ninuno niya ang kinilalang ikalawang ama ng pelikulang Pilipino, si Vicente Salumbides, ng Quezon.

"Lolo ko daw po," pagtukoy ni Rocky. "Yung Papa ko, my late father [Bernabe Salumbides], is from Tagkawayan, Quezon.

"Hindi ko po talaga na-meet yung [relatives ko] sa father side, kasi hiwalay sina Mama at Papa. Naghiwalay sila nung kinder pa ako. Tapos, noong 2004, nabalitaan namin na namatay na yung papa ko, so hindi ako nagkaroon ng chance na ma-meet yung relatives ko, sa Salumbides side.

"I grew up in Mindanao, sa Lanao del Norte, sa mga Liwanag," pagtukoy pa ni Rocky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

His mom, the former Angeles de Jesus, also has showbiz ancestry.

"Apo raw po siya ni Ma'am Armida [Siguion-Reyna]. Si Mama ko lang ang nagkuwento. Sila yung nagsasabi," banggit din ni Rocky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN