Marian Rivera convinces Heart Evangelista to return to Temptation Island

Aside from three TV shows on GMA-7, Marian Rivera will also be very busy doing movies this year. She is slated to reprise Azenith Briones's character in the remake of Temptation Island and she has accepted the role of a dragon in Panday 2.



Bukod sa tatlong TV shows niya sa GMA-7—Amaya, Bampirella, at Show Me Da Manny—magiging abala din this year si Marian Rivera sa paggawa ng pelikula. Nakatakda niyang gawin ngayong taon ang remake ng Temptation Island at ang Part 2 ng Panday ni Senator Bong Revilla.

Sa katapusan ng buwang kasalukuyan sisimulan ni Marian ang shooting ng Temptation Island, kung saan makakasama niya ang kapwa niya Kapuso stars na sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Heart Evangelista.

Si Marian ang gaganap sa role na unang ginampanan ni Azenith Briones sa original movie na idinirek noong 1980 ni Joey Gosiengfiao.

"First time ko gagawa ng... Sorry for the term ha, parang pokpok kasi siya do'n, e... Tapos wala siyang ginawa kundi sumayaw, landiin yung mga lalake," paglalarawan ni Marian sa kanyang kakaibang role sa pelikula.

Dahil apat na Kapuso female stars ang magsasama-sama sa Temptation Island, hindi maiiwasan na magkaroon ng intriga na baka magpatalbugan sila pagdating sa acting at paseksihan.

Pero ani Marian, "Siyempre, hindi naman maiiwasan 'yan. Siguro healthy competition naman na.... Hindi naman ako gano'n [na iisipin kung ano yung suot nila]. Kung ano ang gusto nilang gawin, fine. Basta ako tinanggap ko 'to, masaya ako, kakaibang character ito, first time kong magiging ganito na ang landi-landi ko..."

HEART EVANGELISTA. Nilinaw rin ni Marian ang muntik nang pagba-backout ni Heart dahil sa mga seksing kasuotan na kailangan sa pelikula. Sexy kasi ang tema ng Temptation Island at halos lahat sila ay naka-swimsuit sa kabuuan ng pelikula.

Kuwento niya, "Tinawagan niya ako... Pinapayuhan ko din siya kasi sayang naman yung tandem naming apat. Kinausap ko siya, 'Alam mo, huwag kang matakot, kasama mo ako. Ako din naman, wholesome ako. Hindi ko din kaya 'yon. Sa mga pagkakataon lang na Darna, Dysebel... Pero sa mga ganitong movie, hindi ko rin kaya na all out ako na nakagano'n.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, nag-usap na rin kami ni Popoy [Caritativo, manager ni Marian], sinabi ko sa kanya na, hindi naman all the way nakaganito [naka-two-piece]. At alam ko, even sa istorya, hindi na dapat... Parang Victoria's Secret na modeling na lang.

"Nag-usap kami, tinawagan niya ako, 'Totoo ha, hindi ka maggaganyan...' Siyempre, naano din siya na baka gawin ko lahat, tapos siya hindi. Sabi ko, 'Hindi, nandito naman ako, parehas tayo ng gagawin. Kung si Lovi at si Solenn, ganun ang forte nila, okay 'yon. Tayong dalawa, iba. Iba rin silang dalawa.'"

At ang ending nga ay nakumbinsi si Heart na gawin na ang project.

Bukod sa kanilang apat, kasama rin sa cast ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films sina Rufa Mae Quinto, John "Sweet" Lapus, Paulo Avelino, Tom Rodriguez, at Aljur Abrenica.

PANDAY 2. Pumayag na rin si Marian na gawin ang Panday 2, kunsaan isa siya sa magiging leading ladies ni Senator Bong Revilla. Entry sa 2011 Metro Manila Film Festival ang pelikulang ito.

Ayon sa aktres, tiningnan muna nila ang script bago nila tinanggap ang project.

"Maganda, e. Ako yung dragon na isinumpa na naging tao," banggit ni Marian sa kanyang role.

Ayos na ba sila ni Senator Bong, na nabalitang nakatampuhan niya noong 2010 Metro Manila Film Festival?

"Wala nga akong alam, nagugulat na lang ako sa mga naririnig ko... Ayoko na ng negative. Sa dami ng trabaho ko, mag-aano pa ako ng negative, huwag na, positive na lang," sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN