Antonio Trillanes on Rodrigo Duterte's win: "I respect the will of the Filipino people."

May 10, 2016
<p>Nirerespeto ni Senator Antonio Trillanes IV ang naging pasya ng sambayanang Pilipino sa katatapos lamang na halalan, kung saan pinili ng nakararami si Mayor Rodrigo Duterte sa pagka-presidente. Kahit na lumikha siya ng maraming pasabog laban kay Dutert

Iginagalang ni Senator Antonio Trillanes IV ang hatol ng sambayanang Pilipino sa pagpili ng mga ito kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang bagong presidente ng bansa.

Bagamat hindi pa tapos ang bilangan, halos anim na milyon ang kalamangan ni Duterte sa pumapangalawa na si Mar Roxas, at pitong milyon sa pumapangatlong si Grace Poe.

Nasa

Sa kanyang Facebook account ngayong araw, May 10, sinabi ni Trillanes na hindi siya magiging hadlang sa pamumuno ni Duterte kung ito nga ang mahahalal na bagong pangulo ng Pilipinas.

Sabi ng independent vice-presidential candidate, “I respect the will of the Filipino people.

“They have spoken clearly and resoundingly that they want Mayor Duterte to be our next president.

“I assure the Mayor and our countrymen that I will not be a hindrance to the reform initiatives he intends to push in our government.”

Matatandaang ilang araw bago ang botohan, naglabas si Trillanes ng bank documents diumano ni Duterte, kung saan may milyun-milyon daw itong perang nakadeposito na hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN).

Continue reading below ↓

Ibinunyag din ni Trillanes na pati ang tatlo nitong anak ay mga hindi rin daw maipaliwanag na yaman.

May bilyun-bilyong ari-arian din daw si Mayor Duterte na nakamal habang siya ay mayor ng Davao.

Pero lahat ng ito ay hindi kumpirmado at pawang haka-haka lamang.

Base sa resulta ng eleksyon, hindi naapektuhan ang kandidatura ni Duterte sa mga exposé ni Trillanes.

May tatlong taon pa sa senado si Trillanes at dito na raw muna siya magpo-focus sa ngayon.

Ayon sa mambabatas, “Having said that, I will continue with my advocacies as a legislator in our system of checks and balances.

“May God bless our country.”

Read Next
Read More Stories About
Senator Antonio Trillanes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Nirerespeto ni Senator Antonio Trillanes IV ang naging pasya ng sambayanang Pilipino sa katatapos lamang na halalan, kung saan pinili ng nakararami si Mayor Rodrigo Duterte sa pagka-presidente. Kahit na lumikha siya ng maraming pasabog laban kay Dutert
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results